Buhay nga naman. Hindi ko mapigilan si misis sa kayayawyaw sa never-ending pagtaas ng presyo ng pagkain at bilihin. Hindi ko maintindihan si Kuya Badong kung bakit laging nakasimangot sa bilis akyat-bagal baba ng halaga ng gasolina. Hindi ko maipinta ang mukha ni Ate Marites tuwing tumataas ang renta.
Hindi ko na rin tiyak kung paurong at pasalungat na nga ang ikot ng mundo. At hindi ko mapagtanto kung bakit mas marami ang tsismis kaysa sa totoo.
Lahat ‘yan at marami pang iba, kasama na ang Covid-19 at ang ayudang asin at sardinas ni Kurdapyo, ay dapat kong pagka-abalahan kapag ako’y nag-ambisyong maging pulitiko.
Kaya nang may manghikayat sa akin na tumakbo sa halalan sa darating na Mayo a-nuwebe (sa Pilipinas) at sa Hunyo a-dos (sa Ontario), narito ang aking sagot.
Hindi ako kakandidato sa Pilipinas, baka ako makulong. Ibang pasaporte na ang hawak ko. Higit diyan, ang hirap tumakbo; kapag nadapa, malamang hip surgery.
Gawing Ontario naman, tapos na ang pagpapalista ng kandidatura. At kahit puwede pa, hindi pa rin ako tatakbo dahil dalawa lang ang posibleng makuha kong boto, yung akin at yung kay misis. Iboboto ko ang kalaban for the sake of electoral fairness and respect. Sa kabilang banda, subukan nyong kumbinsihin si misis to vote for me.
Samakatuwid, bokya! Sino ba ang maghahangad na masira ang bad image? Sino ang ibig maging kabayong nadapa’t kulelat sa meta? Sino ang nais maumpog sa pader para lunasan ang sakit ng ulo? Sino ang na-April Fool at lumuwag ang turnilyo?
Pahabol sulat: Wala din akong balak na makipaghabulan kay idol mayor sa halalang pang-munisipyo sa darating na Oktubre 24.
Datapuwat, no no no no no! Don’t panic, Titanic. It’s not me, buddy.
*****
The circus never ends. Ringmasters will go on moving into towns where annoyed fans go on moving out. Large fancy elephants and big cats never fail to amuse. As clowns and jugglers provide pale and timid distraction, the trapeze is swinging and alarm bells are tolling.
Nearby, the roller coaster romanticizes what life is all about. Up and down and round and round like carousels and Ferris wheels, the struggle to survive the last two minutes becomes exciting but heart-stopping.
The posters and the writings on the wall proclaim: The Greatest Show on Earth will be as blinding, jaw dropping and mind blowing as can be.
Through it all, the circus continues.
*****
May nag-SMS. “Ano na ang lagay niyo diyan?”
Reply: “Heto, hindi mapalagay. Kaya bumili kami ng payong. At best, Spring na at medyo maluhain ang langit. At worse, baka magpalipad at magpalitan ng kwitis at “dumi” ang mga kapitbahay namin sa itaas at ibaba.”
*****
Tula ng payaso. Hindi ko hangad na masukol sa maling dako. Alanganing oras at panahon ay iiwasan ko.
Mahirap ang nasa gitna ng naguumpugang bato, maski si Samson ay magaalburoto.
Sala sa init at sala sa lamig, parang bibingkang hinanginan ng abaniko,
Harinawa’y maging mapayapa ang sarili, sanlibutan at mundo.
*****
Ang digmaan ay malungkot na tunggalian ng mga hindi magkakakilala at walang atraso sa isa’t-isa. Nagpapatayan sila, sumusunod sa utos ng mga magkakakilalang tukmol na mahilig sa gulo ngunit lumalayo’t umiiwas na masaktan.
Samantala, ang sundalo daw, habang nasusugatan, dumarami ang peklat.
Pagkalipas ng bakbakan, ang mga matatanda’y magkakamayan. Sa harap ng kamera, ipagyayabang nila na sila’y nagkaigihan.
Ipamumukha nila na sila ang dahilan sa muling pag-iral ng katahimikan at kapayapaan. Kahit magprotesta ka pa, kailangang sila palagi ang bida.
Dapat bang gayakan ng bandila, bigyan ng 21 putok at pagtirikan ng kandila ang mga amoy lupa?
*****
Wika nga: Ang winner sa digmaan ang magsasalaysay at magsusulat ng history.
After the dust is bitten, sana’y mayroon pang natitirang bulag na magbabasa, piping magkukuwento at binging makikinig sa mga maghaharing uri.
*****
“Aprub ka ba sa nuclear power?”
“Kung iilawan nito ang kadiliman, why not? Never ever, kung may putok, katulad ng kili-kili power.”
“Ano ang gagawin mo kung magkaroon ng radioactive fallout?”
“Radioactive? Delikado yan. Mabuti pa, mag-TV na lang o makisalamuha sa nangingikutuhan.”
“Eh, yung fallout?”
“Ang kulit! Eh di bumili ka ng parakyut!”
“Mayroon ka bang Radiation Intercommunity Preparedness?”
“Tsk, tsk, tsk. RIP lang, jinargon-jargon pa.”
*****
“Nothing really matters, everyone can see … Anywhere the wind blows, nothing really matters to me.” – Queen, Bohemian Rhapsody. Huwag naman, Freddie.
Liriko at musika nina JL at YO sa awiting Imagine, prophetic din ba?
Tulungan niyo akong maintindihan kung may musika nga ba sa hukay ng giyera.
*****
Sa haka-hakang pagtatapos ng Covid-19, umuugong na ang “new look” at “new normal.”
Puwede ba, huwag nang pag-usapan ang bangungot ng “nuke look” at “nuke normal”.
*****
Alam ko, Abril pa lamang, pero ilabas at patugtugin na ang mga himig Pamasko.
Nananabik na akong muling marinig ang “Peace on earth and to all men of good will.”
*****
Gaya-gaya, puto maya? Panukala raw ng Kongreso at Senado sa Pilipinas na mag-speech din before them ang pangulo ng Tagak Nation.
Pramis, meron daw standing oblation, katulad ng nasa isang pamantasan.
*****
Teka muna! Pag puti ng uwak at pag-itim ng tagak, maitataga pa kaya sa tubig ang inutang na tabak?
Maalala ko nga pala. Sino ang gumamit ng aking pustiso?
*****
Kumpare 1: Hindi mo ba napapansin? Mukhang muling nahuhumaling ang mundo sa isang rat race.
Kumpare 2: Dedma! Hindi ako daga. Hindi rin ako nakikipagkarera. Wait! Sino nga ba si Mabait?
Kumare 1: Pare, lahat ng bagay, magka-ugnay.
Kumpare 2: Mare, pagdating ko roon ay saka ko tatawirin ko ang tulay.
Kumare 2: Paano kung iisa lang ang kawayan?
Kumpare 2: No problem, sasama ako sa mahabang prusisyon.
*****
Aysus, si Ingkong Enteng, kung kailan tumanda, saka kumarengkeng. Tinamaan ng Kupid! Positive daw siya.
Kailangan ba niyang magpatingin sa the rapist? Ewan. Kahit baligtarin pa ang zero, wrong spelling wrong.
*****
Pansamantagalan! Pansamantala, ngunit tumatagal. Baligtarin mo at tumambling ka man, ito ang katotohanang tatambad kaninuman. Sa panahon ngayon, kahit may stiff neck ka, dapat lingunin ang pinanggalingan nang matumbok ang kahihinatnan.
Bossing, may brownie points ba ang March 21, nang pinawalang bisa ang mask mandates? Reminder: Ni minsan ay hindi nagmaskara ang Covid-19 at mga variant nito, kasama na ang bagong tuklas na BA2. Pasaway din ang virus sa social distancing, mas lalo na sa hugas kamay.
Malaya din itong nagpapalipat-lipat at nagpapapalit-palit sa lupa at sa hangin. Tutal, duro ka bright ka lagi, tatanungin kita: Kasama ba ang nasa tubig?
Balita: Libo-libong Covid-19 cases ang maaaring umaaligid sa paligid araw-araw since March 23. Batay ito sa wastewater surveillance ng Ministry of the Environment, Conservation and Parks.
Ayon sa Toronto Public Health: “As of December 31, 2021, the number of Covid-19 cases being reported is an underestimate of the true number of people with Covid-19 in Toronto, due to provincial changes in testing eligibility.” Kwistyon: Ang mga changes bang ito ay tulak ng pangkalahatang kalusugan o pulitika?
Samantala, sing na lang kami: “O Kubid, layuan mo ako.”
*****
Nuong ika-24 ng Marso, pinatotohanan ng Toronto Raptors na walang jinx sa Scotiabank Arena.
From a dismal homecourt 0-3 record and a 0-3 win-loss season series against Cleveland … sa wakas … tinalo ng Raptors ang kontrapelong Cavaliers sa harap ng mga maka-Jurassic sa Toronto,.
Play-in o playoff, masaya na ako basta naka-maskara si #99 at basta lagi niyang aasarin si Devin.
*****
Sa pagtama ng jackpot sa lotto, lahat ng “I love you” ay may balato.
Kapag tumama naman sa poste o pader, e di “Aray!” at time next luck better.
*****
Ang katotohanan minsan ay parang “masamang hangin”
Pipigiling maibuga, maging peace lang sa lahat.
*****
Anuman at saan man ang debate at diskurso, malipayong April Fools’ Day.
Be well, be safe, be happy. #####