Wala Lang!

By | February 6, 2018

        No apologies. The “Nothing!” below that you are about to see – and perhaps, read – is a product of just one of those bad hair days that creeps me when I dare to write.

        Before “Wala lang!” burst out, the 16 paragraphs — that claim to be poetry without reason but with rhyme – were in a void, as my eyes shifted from a blank wall to a blank monitor and back, almost with unabated precision. Two of my fingers hovered inches over random laptop keys, waiting to process a command from a blank mind.    

        This happens, admittedly. But I have a deadline to face and to meet. So, here goes:

Wala lang!

Kung siya ang tama, sino ang mali?

Sino ang may ngipin, at sino ang bungi?

Nasa bulag, pipi at bingi ba ang puting kalapati?

Bakit ang lihim isinilid sa lumang tampipi?

Alin ang totoo, ang akin o ang iyo?

Bilog nga ba o lapad ang mundo?

Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?

Sa banga lang ba ang luha’y tutulo?

Lahat ng bagay, magkaugnay?

Kailangan ba ng butiki laban sa anay?

Unang sasagipin, asawa ba o nanay?

Paiikutin lang ba ang tsubibo ng buhay?

Mayroon pa bang mas titino sa aklat?

Palaban nga ba o likas na aawat?

Dadamhin ba ang sakit o iiwas sa peklat?

Sasaludo pa ba sa punit na watawat?

Usok ng katol, umiiwas na sa lamok?

Bulok na palay, ayaw ba ng manok?

Malaki ba kita sa ituktok ng bundok?

Pigil-hininga kung katabi’y may putok?

Nakararami na ba ang bobo sa matalino?

Lahat ba ng trono ay may payaso?

Pagsamba, taimtim ba o pakitang-tao?

Bakit laging basa ang ilong ng aso?

Kakabakaba ka ba? Bababa ba?

Pacencia ba’y sa bekeri lang nakikita?

Wala na dito, pero nandoon ba talaga?

Ilan ba ang nabuntis sa maling akala?

Tama bang paroroona’y yaring pinanggalingan?

Asal hayop nga ba o ‘di makabasag pinggan?

Hanggang dito na lang o mapasawalang hanggan?

Haharap ba sa pader o patungong palikuran?

Ang kiniliti, matatawa ba o magagalit?

Palipat-lipat ba o papalit-palit?

Hinubog bang tama o hinog sa pilit?

Malaya nga bang tunay ang ‘di nakapiit?

Bakit Ginoo si Maria at si Claus naman ay Santa?

Puso ng saging at utak bulinaw, may pagkakaiba?

Talaga bang nakapikit kung matulog ang kuba?

Mataba? Mapayat? Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa?

Ang nagpapatawa, dapat ba’y kalbo?

Sa pagkalat ng tsismis, kailangan ba ng kuto?

Bakit walang bantayog si Pedro Penduko?

Bakit ang yosi may upos; ang abo walang sigarilyo?

Komiks lang ba ang may wakasan?

Nasa langit lang ba ang kataas-taasan?

Maaari bang tayuan ang isang upuan?

Ang palalo, dapat bang pakinggan?

Asawa ba ng sirena, mukhang siyokoy?

Nasaan ang sukang sawsawan ng okoy?

Hindi kaaya-aya ang sobra sa borloloy?

Gagalagala pa ba ang mga Alahoy?

Sa pangangatwiran, lagi bang urong-sulong?

Sino ang umamin; sino ang nagsumbong?

Para sa ulan lang ba talaga ang payong?

May multo ba kung aso’y umaalulong?

Kailan kaya ang pagong ay haharurot?

Ang manduduro ba’y bahag ang buntot?

Matapang sa dalawa, sa isa nga ba’y takot?

Mainam nga ba ang ugaliing maghakot?

Ano’ng ulam: Prito, Paksiw o Sinigang?

Ang pag-big nga ba’y nakakahibang?

Taas-kilay kaya ang mga katotong hunghang?

Sa dami ng tanong, tapos ‘Wala lang!”?

#####