Q. Magandang araw po atty. Itago na lang ninyo ako pangalan na Marlon. Ang tatay ko po ay tenant-lessee sa isang sakahan sa Surigao Del Sur.. Nung 2000 ay namatay po siya.after 1 year ay may kinasama ang nanay ko at sila po ang nagsaka sa lupa. Ngunit ilang taon po ang lumipas ay binaril po ung kinakasama ng nanay ko sa di malamang dahilan kaya simula nun ay nagpasya kami na pumunta sa ibang bayan upang makipag sapalaran kasama po ang aming nanay. Nagpasya po kami na isanla ang lupang sakahan sa kapatid po ng tatay ko na tenant rin sa lupang iyon sa halagang (100k) upang may magamit ako sa pag aaply ko bilang isang sundalo. Gumawa po ng kasulatan ang kapatid ng tatay ko at ang asawa niya . Pero ang nakalagay sa joint affidavit na pinagawa nila sa abogado ay ABANDONMENT AT VOLUNTARILY SURRENDER na namin ung right namin as a tenant pabor sa kanilang mag asawa pero hindi po sa may ari ng lupa dahil sa kailangan ko po talaga ang pera pumirma po ako at ang mga kapatid ko at alam naman ng nanay ko.Pero wala kaming ginawang acknowledgement paper na pirmado ng nanay ko. Ngayon po ang sinabi ng uncle ko na assurance na kahit anong oras ay pwede kami bumalik doon at kung gusto namin mag saka sa lupa ay ibalik lang ang perang pinagsanlaan . Patay na po ang mismong may ari ng lupa kaya ang mga anak na po nila ang may control sa lupang sakahan. Mga kanungan ko po:
1.) Pwede po bang gamitin ng may ari ng lupa ung ginawang kasulatan ng uncle ko para tanggalin ung right namin as a tenant? Kc po binigyan nila ng kopya ang may ari ng lup
2.) pangalawa po atty. Mare-retain pa po ba namin ang pagiging tenant sa lupang iyon kahit ilang years na kaming wala doon? Umaasa po akung masagot niyo po ang aking mga katanungan.
Maraming salamat po ATTY. GOD BLESS !!!
A: Basi sa kwento mo at ng Affidavit-waiver na ginawa ninyo, at dahil kusang loob naman ninyo itong pinirmahan, maaring gamitin ng may-ari ng lupa laban sa inyo, dahil sa mga sumusunod na kadahilanan: 1. Ang affidavit waiver ay isang matibay na katibayan na ina-bandona na ninyo ang lupang sakahan at wala ka kayong intension na ipagpapatuloy ang pagsaka bilang mga successor-in-interest ng inyong amang tenant. At ang pagpapatunay nito ay basta na lang kayong umalis sa lupang sinasaka na hindi nama-alam sa may-ari ng lupa. 2. Kung ma-reretain sa inyo ang lupang sakahan ay naka depende yan sa may-ari ng lupa, at hindi niya kikilalanin ang inyong pinagsasalinan(uncle) bilang kahalili ninyong tenant sa lupa. In short, in so far as the landowner is concerned, wala siyang paki-alam sa naging transaction ninyo sa inyong uncle na si Murphy Bautista. Dahil wala namang prior consent ang may-ari ng lupa sa inyong waiver affidavit, at kung saan tumanggap kayo ng kabayaran,hind imaging binding sa may-ari ng lupa ang inyong transaction with your uncle. 3. Maaring pumapayag ang inyong uncle na ibaliwala ang inyong transaction(waiver) basta maibalik lang sa kanya ang P100K, dahil maaring na-realized niya, na wala siyang karapatan na humalili sa inyong family as legitimate tenant ng may-ari. 4. Maliwanag sa overt acts ninyo na nagkaroon ng pag abandoned sa lupang sinasaka, at ito ay isang matibay na kadahilanan upang ang tenant-lessee ay mapapaalis ng tuluyan sa lupang sinasaka at supotado din ito sa Affadavit na Abandonment at Voluntary Surrender na pinirmahan ninyo.
write to: attyrw@gmail.com .