Balita

USAPIN NG ISANG ASAWANG NAG PAKASAL MULI

Q. Isang magandang araw po! Matagal na po akong nag hahanap ng mapag tatanungan

sa aking suliranin. Hindi na po ako makatulog at makapag trabaho ng maayos dahil sa
kakaisip kung papaano ako makakahanap ng Legal na Opinyon mula sa mga eksperto.
Kaya nag lakas loob na po akong mag email sa inyo

Ako po si Letty nag tatrabaho sa Gitnang Silangan Riyadh, KSA, gusto ko po sa na
itanong kung ano ang dapat kong gawin?

Eto po ang aking kwento, 9 na taon na po akong hiwalay sa asawa ko at kasal po kami.
Inabanduna nya kaming mag ina sa loob ng mahabang panahon at nag karon sya ng ibang
pamilya at mga anak.

Ngayon po ay napunta ako dito sa Riyadh 2009 at halos 2 taon na akong nag tatrabaho
bilang Nurse.

Dahil sa matagal na akong hiwalay, nag iisa at malungkot nag karon po ako ng
karelasyon dito sa Saudi at sa hindi inaasahang pangyayari ay nabuntis po ako.

Dahil sa higpit ng batas dito sa Saudi at dahil sa status ko bilang kasal sa Pilipinas
napilitan po ako at ang aking partner na mag MUSLIM at mag pakasala bilang mga
Muslim para maging legal ang pag sasama namin dito at mag karon kami ng Dokumento.

Makukulong po kami at made-deport kung wala kaming papel dito.

Ang tanong ko po ay ang mga sumusunod:

1. May habol pa po ba sa akin ang na una kong asawa?

2. Maari niya ba akong idemanda gayung siya rin ay may iba nang kinakasama at may
mga anak na sila?

3. Nag karon po ako ng MUSLIN NAME pero hindi pa po pinapabago ang pangalan sa
PASSPORT ko hindi po ba mag kakaron ng problema sa Passport?

4. Pwede ko po ba ulit gamitin ang Pangalan ko sa pag kadalaga? para palitan ang
MARRIED NAME ko sa pangalan ko ng pag kadalaga sa lahat ng aking mga dokumento
tulad ng Passport, PRC etc.

Tulad ko po, Maraming Pinoy po dito ang may ganitong sitwasyon kaya humihingi po
ako ng opinion. Sana po ay matulungan at masagot nyo po ang aking mga katanungan
para sa ikapapanatag naming mag asawa. Dasal ko pong pag palain pa kayo ng May
Kapal nang marami pa kayong matulungan .Maraming Salamat po
Lubos na gumagalang, Letty.

ANS:

Sagot sa unang tanong: May habol pa po ba sa akin ang na una kong asawa?

Ang kasaluyang Batas natin na kumikilala sa Divorsio ng mga Muslim ay ang “The
Code of Muslim Personal Laws of the Philippines, otherwise known as P.D. 1083 which
was passed into law on February 4, 1977.

The Muslim Code applies to marriage and divorce wherein both parties are muslims, or
the male is a muslim or converts to Islam. ( See Art. 13(1,3) MPLP)

Ayon sa iyong sulat, nag convert muna kayo sa Islam bago kayo nagpakasal. At dahil
kayo ay kinasal sa labas ng ating banya(KSA) nararapat lamang na ang conversion
ninyong ito ay nakaristro sa ating consulada ng Pilipinas at sa Office of Muslim Affairs,
at sa Shari’a Court of the place where the marriage was celebrated. ( See. Art. 176(2) .

Sagot sa pangalawang tanong. Pwede nya ba akong idemanda gayung sya rin ay may
iba nang kinakasama at may mga anak na sila?

Kung ang kasal na ito ay sang ayon sa Muslim rites of Saudi Arabia at kinikilala na
may bisa nito at ayon narin ng ating Muslim Code sa Pilipinas, at kadahilanan sa
kayong mag-asawa ay isang Islam converts , sa aking pananawa, ay walang “cause of
action” ang iyong former husband sa Pilipinas na mag demanda laban sa inyo ng bigamy

(See Art. 180 , MPLP ) .

Mga kasagutan ng mga tanong :

Moreover, ayon parin sa ating Revised Penal Code(RPC) at kahit na nga hindi kayo
nag convert sa Islam at nag pakasal sa labas ng ating bansa, kayo ay hindi rin maaring
kasohan ng bigamy dahil ang second or subsequent marriage ay naganap na labas sa
jurisdiction ng Pilipinas. Although ang nasabing kasal ay walang bisa sa ilalim ng ating
Family and Civil Codes .

At dahil kayo ay nag convert na sa Islam, presumably bago kayo kinasal , at ayon sa
Muslim rites, ang inyong nasabing subsequent marriage ay kinikilang may bisa ayon sa
ating , the Code of Muslim Personal Laws of the Philippines, otherwise known as P.D.
1083

Sagot sa pangatlong tanong. Nag karon po ako ng MUSLIM NAME pero hindi pa po
pinapabago ang pangalan sa PASSPORT ko hindi po ba mag kakaron ng problema sa
Passport?

Maaring mag kakaroon ito ng mga issues hinggil sa usaping ng iyong identity. It is
suggested that you confer with the Office of the Muslim Affairs sa ating Embahada
dyan sa Saudi Arabia upang ikaw ay mabigyan ng karapatang tulong at mga kaakibat na
dokumento upang ang iyong passport ay mapalitan ng iyong muslim name, at hinggil sa
ano mang bagay na may kinalaman sa iyong pagkatao or identity .

Sagot sa pang apat na tanong. Pwede ko po ba ulit gamitin ang Pangalan ko sa pag
kadalaga? Para palitan ang MARRIED NAME ko sa pangalan ko ng pag kadalaga sa
lahat ng aking mga dokumento tulad ng Passport, PRC etc. .

As a rule, at ayon na rin sa ating Korte Suprema, sa kaso ni MARIA VIRGINIA
V. REMO vs. THE HONORABLE SECRETARY OF FOREIGN AFFAIRS, G.R. No.
169202 , ang isang may subsisting marriage na gumamit na ng kanyang married name,
ay hindi maaring ma revert ang pangalan nito sa kanyang maiden name and surname ng
kanyang pag-kadalaga, sang ayon na rin Philippine Passport Act of 1996 or Republic Act
No. 8239, ayon sa ating Korte Suprema .

Ang pag gamit uli ng maiden name ng isang may asawang babae sa kanyang passport ay
maari lamang payagan kung ang kanyang subsisting marriage ay mapawalang bisa ng
ating hukuman.

Sa aking pananaw , at dahil ikaw na married parin ayon sa Muslim rites, hindi ka maaring
payagan na gamitin ang maiden name mo . Ibig sabibin ng maiden as “walang asawang
babae”. At kung ikaw ay papayagan man ng ating Department of Affairs na bagohin
ang pangalan mo sa iyong passport mo, ito limited lamang doon sa iyong muslim name
at kakailanganin din ng DFA ang mga supporting documents na magpapatunay sa bago
mong identity or pag katao na mag reflect sa bagong mong passport or new your muslim
name.

Salamat sa iyong pag sulat at naway nabigyan ng katugunan ang iyong mga
katanungan.

MANIGONG BAGONG TAON SA LAHAT!!!!

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It
is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes
this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the
person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or
understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually
reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the
writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy,
completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content
provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion.
Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the
information obtained in this column.

Exit mobile version