Ang alam ko, bumati na ako ng Happy Mother’s Day sa huling lathala.
Masuklian kaya ito sa darating na Father’s Day sa June 19?
Ganito kaaga, nakatanggap si Mang Temyong ng card na may mensaheng: “May the dishes be washed, the laundry done and the living room free of dirt and trash. May you have a great day drinking yellow liquid you think is bubbly beer, and best wishes to getting rid of your leftover dinner in the fridge. Ingat always, iwasan ang bagumbayan. Happy Rizal Day!”
Just to make sure na tayo’y ligtas at malusog, Happy Mother’s Day muli.
*****
Patama ni Ka Tulume: Never ever think of a world without mothers and fathers. That world does not exist.
Quipped: FAMILY, after all, means Father And Mother, I Love You.
Further, never even think of a world without you, the one who is as important and potent as anybody else.
Happy Rizal Day ulit. At kung birthday mo, Happy Rizal Day pa rin.
*****
Maraming salamat, Sports, inilayo mo ang aking mata’t tenga sa nakakasawa at nakabibinging tahol at yawyaw patungkol sa giyera, pandemya at pulitika.
Bagkus, inilapit mo ang aking pang-amoy at panlasa sa masarap na luto ni Misis. Hehehe, ako’y ngumunguya habang nakatutok sa kamangha-manghang kilos ng mga manlalaro.
Larong kinagigiliwan sa Pilipinas ang basketball. A player can receive a pass then dribble para mapalapit sa hoop. Tapos, shoot. If necessary, puwedeng mag-rebound. Ganito daw kasimple, sambit ng makulit, may brownout o wala. Para maliwanag, ang topic po natin ay basketball, not the birds and the bees.
Kaya naman kahit malunod ang galunggong, hihiyaw ako ng “Let’s go, Raptors.” May feeling ako na muling babangon at mananaig ang Toronto Raptors. Season 2022 highlights: Mabuhay sina Pascal Siakam (All NBA Third Team), Scottie Barnes (NBA Rookie of the Year) at Fred VanVleet (NBA All Star).
The arena is silent but I’ll C U next season. Manawari’y manatiling malakas ang inyong pangangatawan. Muli ninyong bigyan ng kakaibang kuryente’t saysay ang Jurassic Park. Ibalik ang alaala at inspirasyon ng 2019! Always, let’s go, Raptors!
Puwedeng magtanong?: Nasaan na kaya si Jawo?
Mahigit-kumulang na sandaan pa ang natitirang laro ng Toronto Blue Jays. Eh, kung last season nga ay nakapanalo sila ng 91 baseball games, ngayong season pa kaya? Palo lang ng palo, salo lang ng salo, takbo lang ng takbo, kid. Dalasan din ang uwi ng bahay. Balikan ng tanaw ang kagila-gilalas na pag-angkin ninyo ng Baseball World Series back-to-back championships nuong 1992 at 1993. Puwede, 2022 at 2023 naman.
Sandali lang! Ipagpatuloy din ang mag-cheer at manalig sa kakayahan ng Blue Boys at Blue Girls ng Pilipinas, mapa-baseball o softball. Harinawa’y mag-uwi pa sila ng maipagmamalaking karangalan sa bansa.
Toronto Maple Leafs, you played good this season. Hanggang sa muli.
Nakasimangot si Boy Astig. Kapag yamot ang yayang masungit, ang gamit ay hockey stick.
Asar din si Aling Maring. Bali ang pustiso. Kinagat ang akala’y dark chocolate, puck pala.
Hindi tatagal ang yelo sa matinding init sa Pilipinas, kaya nama’y hindi nauso ang hockey sa bansa. Bagamat panandaliang namayagpag ang ice at figure skating, mahal magpatayo ng rink at mag-import ng driver ng zamboni.
I rest my case, your honour.
*****
Panandaling lingunin muna natin ang pinanggalingang Lupang Silanganan at bayang sinilangan.
Kapuri-puring nagwagi ang Team Philippines ng pang-apat na puwesto — kasunod ng Vietnam (1st), Thailand (2nd) at Indonesia (3rd) — sa naganap na 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam, mula ika-12 hanggang ika-23 ng Mayo, 2022.
Sumungkit ang Team Philippines ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals sa palaro.
Ating ipanalangin na lalo pa silang kasihan ni Bathala ng sapat na lakas at tibay upang bunuin ang mga hamong hinaharap nila sa individual at team sports.
Harinawa’y masuklian ang kanilang pagpupunyagi at makasama sila sa hanay ng mga atletang kakatawan sa Pilipinas sa Olympiad at international competitions. Sana all.
Lumahok sa 523 events in 40 featured sports ang mga atleta ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Philippines, Singapore, Thailand, Timor-Leste at Vietnam.
Ang Pilipinas ang punong abala sa 30th SEA Games nuong 2019. Ang susunod na palaro ay gaganapin sa Phnom Penh, Cambodia mula ika-5 hanggang ika-16 ng Mayo, 2023.
*****
Para sa amin na hindi kwalipikado sa mga high-level competitions, happy at enjoy na kaming maglaro ng piko, patintero, tumbang preso, moro-moro, goma, holen, teks, chinese garter, habulan, taguan, luksong tinik, luksong baka, trumpo, saranggola, yoyo, sipa, pitik bulag, sungka, at marami pang iba.
Maaari ring maglaro ng bahay-bahayan, kunya-kunyarian, tarak-tarakan, pitik bulag, at pen pen de sarapen.
Lalong okay kung magbabasa ng libro, pagmasdan ang isang larawan at sariwain ang mga gunitang maganda’t masaya, mag-swimming katabi ang kalabaw na sa likod ay may nakapatong na bangaw, manood sa mga squirrel at makinig sa huni ng mga ibon, magpagulong ng holen pababa ng hagdanan at habulin ito para pampapayat, etc.
Using the imagination is worth the while.
*****
Hanggat may laban, may pag-asa. Hanggat may pag-asa, may laban.
Isa lang ang laro, isa lang ang mananalo. Pero ayon sa Olympics, “Neither a win nor a loss matters. What counts is how the game is played.”
Ang tunay na atleta ay mapagpakumbaba sa panalo at muling babangon sa pagkatalo. Nais niyang maging kaibigan ng mga katunggali sa larangan ng palakasan.
Higit sa lahat, hindi siya nagtatago sa maduming balabal ng pananamantala at pulitika.
*****
Who knows? At the rate mass shootings and gun violence are happening and considering the big number and destructive potency of weapons used in conflict-torn places around the world, here’s praying that the track and field repertoire in the Olympics will never be amended to include gunrunning.
It is what it is, pambihirang patis.
*****
Remember mo pa ba?
Mang Ki … Mang Ki … Mang Kiko; liliko, liliko sa Quiapo
Bibili, bibili ng pako; gagawa, gagawa ng bangko.
Puwes, nasaan na, nasaan na ang Mang Kipaks?
Nandito na, ingat lang, may mask at vax.
*****
Tiktok, tiktok … nagsayaw ang usok, umubo ang lamok
Tiktok, tiktok … aantok-antok sa sulok, paos ang tilaok ng manok
Tiktok, tiktok … sa lakas ng putok, awit ng ibon nabagok
Tiktok, tiktok … bawat lupang umbok, may reynang hayok.
Tiktok, tiktok … tutong sa palayok, pilit sinandok
Tiktok, tiktok … bumigat ang kapok, sa poso sumalok
Tiktok, tiktok … kasaysayang bulok, aklat ay natupok
Tiktok, tiktok … limos na inialok, siyang naging dagok.
Tiktok, tiktok, tiktok … orasang nag-uudyok, sa panaho’y kumakatok
Tik … tok … tik … tok … tik … tok …
Walang ligtas sa pagbulusok, ang wakas lang ang may tuldok.
*****
Ayon kay Ka Marcial at Lolo Igme, kanselado na ang kanilang pagba-balikbayan, dahil daw sa sobrang init. Ewan, manggagaling naman si Ka Marcial sa Death Valley. Si Lolo Igme naman, magmumula sa Sahara Desert.
Nainitan lang ang bumbunan, kaagad na umatungal. Tawag na sa fire department, sa mental institution at sa bathalang bato, whichever your wife recommends.
Wait lang. Para klaro, anong init ba ang tinutukoy nila?
Umiling at napanganga si Mang Temyong nang siya ay tanungin.
*****
Tatlong basag na itlog:
1st: History refits itself. Remember, to the victor go the spoils.
2nd: Fortune flavours the old. Seniors savour life with pensions and benefits.
3rd: Man does not live on bread alone. Kung walang palaman, pakape ka naman.
*****
Kung feel mo na para bang others ka, never stay where you are unwanted.
At sa karatig-pook na may poster that features your face and a big reward, never stay where you are wanted.
Saan ka lalagay? Ay, buhay!
*****
Kabayan, muli nating ipagdiwang ang pagtanyag ng kasarinlan ng Pilipinas.
Sa nalalapit na ika-124 anibersaryo nito, malugod nating iwagayway ang pambansang bandila, tulad ng isinagawa sa Kawit, Cavite nuong ika-12 ng Hunyo, 1898.
Halina’t buong dangal tayong manumpa ng orihinal na Panatang Makabayan hanggat marating ang huling linyang “Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa.”
Taos puso nating awitin ang Lupang Hinirang hanggang sa huling linyang “ang mamatay nang dahil sa iyo.”
Mabuhay ang malayang Pilipino!
*****
Sa mga nahalal sa katatapos na May 9 Philippine national and local elections, harinawa’y maging huwaran at matuwid ang inyong pamamahala, pamamalakad at pamumuno.
Manawari’y magbunsod ito ng kalayaan at katiwasayan sa paglilingkurang bansa at sambayanan.
*****
Matapos maghapunan, sumalampak na sa couch ang mag-asawa. Sa telebisyon, ang ulat ay tungkol sa kampanya ng mga kandidato sa nalalapit na halalan.
Napapikit si Mister. Maya-maya, biglang umungol at umatungal.
Siniko siya ni Misis na nagtanong: “Binabangungot ka ba?”
Dumilat, sumagot si you’re-the-man, butong pakwan: “Parang halalan, maghuhugas ako ng pinggan.”
*****
Remember to vote on June 2. Ontario matters.
Kahit iika-ika, sina Ka Marcial, Lolo Igme at Mang Temyong ay tutungo sa kani-kanilang voting centre. Ang koro ng tatlo: Ang balota namin ay para sa kandidatong do able, hindi sa boo-able.
*****
Kadalasan, the worst brings out the best in men.
Enjoy, be happy, stay healthy and keep safe, before things get even better.
Very advanced Happy Rizal Day! #####