Q. Dear Atty. R. Wong, A pleasant day sir! Nais ko lng po itanong kong ang nag saka ng isang lupain at siya po ay nagbabayad ng real property tax o amilyar , base sa Tax Declaration Certificate na naka-attached po sa sulat na ito. Gusto na niyang patituluhan ito sinabi ng Assessor’s Personnel na itong lupa daw na sinaka ng tatay ng lola ko is classified as land for public domain and not disposable for private persons as owner.
Ang tanong ko po sir, ganon po ba talaga na ang isang lupa na pag-aari ng gobyerno kapag ito sinaka o deneveloped ng isang individual kailangan bang magbayad ng real property tax hindi ba dapat hindi magbabayad ng buwis kasi sa pagkakaintindi ko po doon sa isang Batas Pinoy video niyo po na may pamagat na “Safe ba bumili ng lupa or property kong rights lang” ang pinanghahawakan na dokomento ng seller, at kong di ako nagkamali ang sabi niyo po kapag nagbabayad ng buwis o real property tax ay maii-consider na
isang act of ownership o legal rights na maaring pagbabasihan sa pagpapatitulo ng lupa ang Tax Declaration ng lupa. Paki paliwanag po sa usaping ito. Maraming salamat po and God bless.
ANS. Base sa pinadala mong kopya ng dokomento, ung tax declaration certificate na naging basihan ng pagbabayad ng amilyar o property tax , ay ung tungkol lang improvement na na-introduced ninyo sa lupa, tulad ng mga tanim, halaman, o bahay/struktura. HINDI KASAMA ANG LUPA , dahil base nga paliwanag mo at ng personnel ng Assessor’s Office , ang lupang sinaka ninyo ay inalienable land of public domain.
Upang ang public land ay maaring maging isang pribadong pagmamay-ari at mapatituluhan ito, dapat ang classification nito ay ALIENABLE AND DISPOSABLE agricultura land of Public Domain. Ang classification ng isang
2
lupa na inalienable land of public land, tulad ng lupa ninyo, ay maaring mabago ito sa pamamagitan ng Proclamation ng Presidente o pagpasa ng batas ng kongreso na ito ay BINAGO ANG CLASSIFICATION bilang ALIENABLE at DISPOSABLE LAND ang classification. Kung pakikinggan at panoorin mo uli ang video ng Batas Pinoy, tungkol sa iyong usapin, sinasabi natin na huwag basta basta maniniwala sa mga “rights” ng lupa na pinagbibili, dahil maaring ito ay inalienable land of public domain, tulad ng forest/timberland, mineral land, watershade, park, military reservation, marshland, seashore. Ang mga ito ay maituturing na inalienable at NOT disposable land of public domain.
Para sa mga kadagdagan kaalaman pa, sundan po ninyo ang mga sari saring katanungan at mga kaalamang legal sa YouTube.com Batas Pinoy Channel ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag anak ang mga paksang makakapag bigay ng dagdag at mga kaakibat na
kaalaman sa usaping may kinalaman sa batas ng kanilang buhay at upang makatanggap ng updates in the future mangyari lang na mag subscribed at like sila sa video na Batas Pinoy Channel .
Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy” global community welcomes you in this program.
Disclaimer: Batas Pinoy Global Community(BPGC). Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.
Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy Global Community(BPGC) are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as viewed by BPGC.
WARNING: This communication is intended for use by the individual(s) to whom it is specifically addressed and should not be read by, or delivered to, any other person. Such communication may contain privileged or confidential information. If you have received this communication in error, please notify the sender and delete this e-mail message immediately. Thank for your cooperation.
* * *