Balita

Talsik Mo, Lumalaway

Kabesang Betong: Bakit mayroon pa ring boto sa mahabang lockdown?

        Impong Tasyo: Dahil sila’y out of reach ng mga naniningil ng utang?

 *****

        Tatang Kulas: Overstaying na ang COVID-19, ah! 

        Impong Tasyo: Lalayas din ang diyaskeng ‘yan. Basta, always be positive.

        Tatang Kulas: Pasitib? Mag-isa ka!

*****

        Although it may be quite awkward to say so these days, being positive and staying that way during a certainly uncertain pandemic era is not that hard to do.

        Knowing too that there are a lot of unknowns up in the air makes having a positive stance on things a virtue. 

        The absolute preference and ultimate intention to stay away from negativity is paramount.

        Rules and advice that assure safe and healthy environments never annoy or bother a public who understands what social responsibility and response ability mean.

        Ergo! Wearing a mask and practicing physical distancing (better if more than six feet away) do work wonders for the smart and conscientious humans persisting to keep out of harm’s way brought about by toxic elements.   

*****

        I appreciate health and political leaders who applied an abundance of caution to help prevent and stop the spread of the novel Coronavirus. Thanks too for mandating the lockdown and other restrictions defined and guided by common sense and science.

        Gratitude also goes to those who reminded me that August is Buwan ng Wikang Filipino.

        All these circumstances have given me the time, space and inspiration to spin the commentary below together.

Talsik Mo, Lumalaway

Pulitikong hunghang, nagkunwaring hari,

Kaunting preno naman, ‘yan lang ay kung maaari.

Iwasan na ang bangayan, bintangan, at buskahan.

Tapusin din ang sumbatan, walang saysay na duruan.

Ang hindi aso o oso, ilagay sa ayos ang nguso.

Kung wala sa karinderya, huwag turo ng turo.

Mga tsismoso’t tsismosa harinawa’y tumigil.

Isinubo ng matsing, mga kutong nanggigigil.

Sa daldal ng daldal, minsa’y tumahimik naman.

Malansang isda’y nahuhuli sa bunganga, tandaan. 

Kapag nagprotesta ang mga bulati sa sikmura

Dinggin ang hinaing, bago sila magsipirma.

Sang-ayon ang mga itik, ayaw nila ng toxic.

Isuot ang sandalyas, tahakin ang tamang landas.

Matakaw ay nakipiyesta sa kung kani-kaninong baga.

Nakita ba si Nemo sa konsiyerto ni Nero?          

Saan nga ba nanggaling ang diyaskeng korona?

Sa tigasing ulo ng pako o kondenadong punerarya?

Ano ba talaga, Carnivorous o Coronavirus?

Palipat-lipat, papalit-palit? Ayayay! Aysus!

Dati rati, kung may ubo’t trangkaso

Hopya’t kalamansi, ayos na ang buto-buto.

Ngayo’y may karera, tuklasin ang vaccine

Habang marami pa rin ang nagdidildil sa asin.

Dinggin ang hampas ng alon, huni ng hangin

At tula ng ulan. Olrayt lang na radyo’t TV, patayin.

Huwag nang makisawsaw sa debateng walang saysay

Lilituhin ka lang ng mga haka-haka’t nakatagong kalansay.

Quack-quack ay matindi. Isang iglap, himala, salot mawawala.

Ate naman, sigaw ay dumadagundong na “Walang Himala!”

WH ay World Health, pandaigdigang kalusugan, dapat maunawaan

Maliwanag din na ang WH ay Wash Hands! Simple lang.

Hugas kamay, tatlong ulit Siyang pinagkanulo; huwag tularan.

Hugas kamay, bulok na palusot ni Ponsyo’t mga makasalanan. 

Bagkus, gawing ugali ng kalinisan ang hugas kamay.

Iwaksi ang pangit; abutin ang langit. ‘Yan ang tagumpay.

Virus na lumitaw, walang balak lumubog

Parusang taos sa mga palalo at hambog.

Sino ang pupuksa? Kailan haharap?

Mang Juan, huwag pipikit; pag-iingat gawing ganap.

Higit sa lahat, baka naman puwede

Magmaskara ka, talsik mo lumalaway! 

Iwas pusoy lang kami at baka madale

Ng mabahong tinga at tulong pasaway.

Matuwid ang awit ni Aling Celeste:

“Matayog ang pangarap ng matandang bingi.”

“Dumaan ang jeepney at gumuhit pa sa kalye,

Mauling ang iniwan, hindi na tinabi.”

*****

        Kuya Ompong: Wala bang balak umalis si ‘Tupid Kubid?

        Impong Tasyo: Aba, malay! Be patient daw.

        Kuya Ompong: Maging pasyente? Mag-isa ka! #####

Exit mobile version