Sustento ng Ex-Wife at Anak

By | March 1, 2010

Q. Salamat po sa inyong Kolum sa Dyaryo dahil marami kayong natutulungan.

May itatanong po ako sa inyo tungkol sa hinihingi na Sustento ng Ex wife (ANNULLED MAARIAGE) ko na ang dapat ko daw ipadala sa kanila ay P20,000 sa probinsya lang po sila nakatira at kapwa sa grade school nag-aaral.

Ang sabi nya ay maghaharap daw kami sa Fiscal o sa Husgado kapag ako ay uuwi sa Pilipinas at kung hindi ako maka-pagbigay ng malaking halaga na hinihingi niya na dapat ko raw ipapadala sa dalawa kong anak gayong di ko naman kaya ang ganong kalaking halaga.

MALIIT LANG ANG SWELDO KO AT dahil nga sa dami kong mga GINAGASTOSAN at binabayaran dito SA CANADA. (Tulad ng mga Insurance, bahay, pagkain Credit Cards atb pa.)

May Right po ba ang asawa ko o ang Husgado sa Pilipinas para idikta ang dapat kong e sustento sa kanila?

Hindi pa po kami dumaan sa usapin ng CHILD SUPPORT at SEPARATION OF PROPERTIES.( I don’t know why — siguro dahil di iyon kasama sa kanyang Petition sa Civil Court noon. ) — Kaya eto ang aking pinaghahandaan.

Pero meron na po akong Church annulment decision paper at maging sa RTC court DECISION tungkol sa pagwawalang bisa ng aming kasal. – Kaya Cleared na ako sa NSO. Although di naman kami actually nagpacivil Marriage, kundi sa CHURCH lang.

Ang problema po kase ay …. panay ang reklamo ng ex-wife ko na kulang daw ang padala ko para sa mga bata .So kung kulang ang sabi ko ay: ” MAS MABUTI PA AY IPADALA NA LANG NIYA ANG MGA ANAK KO dito SA CANADA. – – PARA NG SA GAYON AY WALA NA SIYANG MAEREREKLAMO SA AKIN. ( No Comment naman siya o natitigilan) and at the same time mas maganda ang edukasyon at nga programa ng Canada. ” ANG sabi ko pa nga ay huwag niyang IPAG KAIT ang Karapatan din ng mga Bata for a better future and better Life”.

Pwede po ba yun na ang Korte na lang ang mag- utos sa EX Wife ko NA ISAMA ko NA LANG DITO SA AKIN ANG MGA BATA? na 12 and 9 years old? Ano po ba ang inyong mapapayo sa problema kong ito ?

Maraming pong salamat. At Mabuhay po kayo! AP

Ans. Basi sa huling salaylsay mo, maliwanag na kung mayroong decision na sa RTC(Family Court) annulling your marriage, at hindi nag-appeal ang iyong ex-wife o ang office ng Solicitor General, maliwanag na annulled na nga ang marriage mo. Nag-tataka lang ako kung bakit hindi natalakay ang usaping support tungkol sa iyong mga anak, noong nililitis pa yong annulment mo at ang custody ng mga minor na anak.

Sa ngayon dahil wala naman palang “order” ang court upang ikaw ay mag-bigay ng support , eh walang basihan na ikaw ay ipacocontempt ng ex-wife mo. At dahil kahit paano naman ikaw ay nag-bibigay ng supporta sa iyong dalawang anak, walang basihan sa ngayon ang pag-file ng kaso tungkol sa “violence against women and children for failure to provide support laban sa iyo .

Tandaan mo rin na ang pag-bibigay support sa anak ay hindi lang tungkolin ng ama. Ayon sa ating Family Code, ang pag-bibigay ng “supporta” sa mga anak ay tungkolin ng ama at ina . So nararapat lang na yong ex-wife mo, bilang ina, ay mag-share din ng burden sa pag-supporta sa inyong mga anak.

Ang isang nakikita ko na maari mong gawin, lalo na kung ayaw makiki-cooperate ang ex-wife mo ay mag-file ka ng petition sa court for custody of your children, na ang maging grounds mo ang mabigyan ng mas mabuting kinabukasan ang mga anak mo sa Canada kaysa sa Pilipinas sila.

Kung may issue laban sa moralidad ng ex-wife mo, ito ay isang mabigat na grounds upang ang custody ng mga bata ay maibigay sa iyo ng husgado or your ex-wife has no visible means of livelihood or stable employment or source of income to provide for your children or to raise them decently and morally.

Kung gusto mo talagang mapa-sa iyo ang custody ng mga anak, lalot pat sila ay mga minor pa lang, mangyari lamang na makipag-unayan ka sa iyong lawyer sa Pilipinas upang gumawa ng kaakibat na hakbang .

Another option is to seek the cooperation and support of your wife, to voluntarily surrender to you the parental custody of the children for their own good. If you do this, this will save you a lot of trouble and expense should you opt to bring this matter to the court.

Hanggang sa muli at Good luck sa iyo at salamat sa iyong pag-sulat .

# # #

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.