SUPORTA SA MGA ANAK AT ASAWA

By | September 7, 2015

Q. Maraming salamat po Atty.Rogie sa pag bigay sagut sa aking mga nakaraang katanungan, sinusubaybayan ko po lagi ang inyong palatuntunan at marami po akong magandang aral na nakukuha sa inyo. Ang concern ko po ngayon as tungkol sa support sa mgal anak.

May ilang pursyento po kaya ang makukuha ng mga anak ko kung sakali, ang supporta ay binabase sa income ng aking asawa? Ang problema ko wala naman po ang aking asawa sa Pilipinas . Bumalik na daw po siya sa Saudi. Ako naman po ay nandito sa Canada.

Papano po ako maka pag file ng petition para sa child support ng mga anak ko na nasa Pilipinas ? Pwede po ba akong mag pagawa sa Lawyer dito sa Canada? Salamat po at God bless. Arlene

Ans: May dalawang remedies ang maari mong gamitin sa usaping support. Una: Maari kang mag sampa ng petition sa husgado sa Pilipinas for support bilang isang ina at asawa ayon sa ating Family Code, kahit wala sa Pilipinas ang iyong asawa. Pag nakasampa na ang kaso, at ang iyong asawa ay umuwi o nag bakasyon sa Pilipinas, at basi sa petition mo for support, maaring mag issue ng Hold Departure Order (HDO) laban sa kanya ang hukuman at hindi siya makakalabas ng bansa hanggang hindi nadidinig ang kaso o issue ng support laban sa kanya.
Pangalawa: Kung ikaw ay wala sa Pilipinas at nandito ka nga Canada, maari mo pa ring mapapanagot for financial support ang iyong asawa ayon sa umiiral na batas. Ito ay Republic Act No.9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004). This law criminalizes the refusal of the father of the child or husband for withholding or refusing to provide support to the child and his wife.

You can secure a PROTECTION ODER so that the father of the child and his employer will be required to set aside certain income per month as financial support for the child and for you as lawful wife.

Ayon sa nasabing Sec.9 ng RA 9262, kung ang ina o asawa ay wala sa Pilipinas, ang tumatayong guardian ng mga bata, magulang mo, pinsang buo mo sa Pilipinas , abogado mo sa Pilipinas, kawani ng DSWD o isang social worker, Police officer, Punong Barangay, Barangay Kagawad or health provider, sino man sa nabanggit na mamamayan maaring mag hain ng reklamo sa Public Prosecutor’s office(Fiscal) for Economic Violence laban sa iyong asawa sa pag hindi pag supporta sa iyo at sa iyong mga anak ayon sa nasabing batas. Good luck as iyo at God Bless too!

Ang basihan ng pagbibigay ng supporta ay naayon na rin sa mga basic needs ng anak at asawa ,tulad ng pagkain, shelter,clothing, education , healthcare at iba pang panganga ilangan ng anak ayon sa findings ng husgado. Ang suportang ito ay ibinabasi sa kakayahan ng ama tulad ng  income at kakayahan na magbigay ng suporta sa mga bata at asawa.

Kung mapapatunayan sa hukuman na ang ama at asawa ay may kakayahan na magbigay ng sustento sa pamilya nito, ang hukuman ay mamanduhan ang asawa at ama ng anak na mag bigay ng financial support basi sa income nito ayon sa ating batas. Sa tanong mo na kung ilang porsento ng kanyang income ang maging akda na supporta, ang hukuman ang magtatakda nito, basi na rin sa pangangailangan at standard of living ng pamilya (Arts.194 – 208-Family Code of the Philippines).

Salamat sa pag subaybay at pagiging bahagi mo ng “ Batas Pinoy Global Community”.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .