Balita

‘sa totoo lang’ – ‘summer na!’

Hello, hello, mga bagong kaibigan diyan sa Canada!

Kakaiba ang sigla ng mga kabataan ngayon- summer na kasi.

Di yata ako maka- relate. Para sa akin at iba namang mga seniors dito sa bayang tinubuan,

kinatatakutan na namin ang pagdating ng maalinsangang panahon., di halos makahinga sa kauntian ng hangin, at init ng araw na totoo naming nakakapagpasakit- ulo bukod sa pagda-

dala ng kinaiinisang kuto!

Dito na lang ako sa bahay- buksan ang aircon!!!!

Naalaala ko tuloy noong kabataan ko- tanda ko ay hindi naman ganito kainit noon.‘Greenhouse effect’ ito. Naku, paano pa kaya in the future? Hindi kaya mag feeling sinisilaban ang mga apo ko?

Bukod sa init ng panahon, ramdam natin ang pagdating ng tag- init kapag:

1. nakapagsimba na at napahiran ng abo an gating mga noo noong Ash Wednesday, simula ng

mahabang paggunita sa tinatawag nating Mahal na Araw extending from this day to Easter

Sunday. Mayron pa rin namang mangilan- ngilan ang nagpapabasa (o pasyon) dito sa Maynila.

Sa mga lalawigan, marami- rami pa rin ang may pabasa lalo na sa mga tahanan ng mga

deboto ng simbahang katoliko. Oy1 mga very young- ang pabasa ay tawag sa ilang araw ng

paggunita sa buhay ni Hesukristo na binabasa sa libro through a uniquely melodious style. Ibig

sabihin, chanted ang istorya.

Normally, sinisimulan ito on the first day of the Holy Week and ends before Good

Friday.

Marami na ring ipinagbago ang obserbasyon ng Mahal na Araw dito sa ating bayan. Mas

maluwang ang mga bossing ng simbahan at di na sapilitan ang mga pagpapatupad ngayon.

Tanda ko noong araw, ‘meatless’ days na kailangang sundin kung hindi, mapupunta ka sa

impyerno daw!(yun ang panakot sa akin sa edad kong 8 years old. Ang takot ko talaga!) Noon

din ako natutong mainlab sa bacalao- local style, hindi yung orig na galing Portugal, ha pero

tanda ko ay ito ang standard ulam naming buong araw ng Good Friday- hinahaluan ng tomato

sauce, gisantes, garbanzos, siling lara at patatas. Sarap!;

Bawal mag- ingay, walang program sa radio at walang palabas sa t v (Lunes hanggang

Hwebes Santo yata ay meron ding pakonti- konti at pulos biblical ang mga palabas). Sa halip,

kaming mga kabataan sa pamilya ay nagbubuklat ng bibliya. Enjoy ko rin ang stations of the

cross kung saan nililibot namin ang mga karatig simbahan in reciting each station kaya

ginagawa ko pa rin ito tuwing Mahal na Araw( visita iglesia ang tawag dyan. Feeling ko lang, .; dito lang sa bansang tinubuan, sa Italy, at sa Spain lang pwedeng magawa yan- teka, teka,

baka sa Mexico and Latin America din pero di pa ako nagagawi doon kaya di ako sure- kabi-

kabila kasi ang mga chapels and churches doon sa mga lugar nay un, e.) panonood sa mga

nagpipinetensya,

pinapalo ang katawan habang lumalakad sa ilalim ng init ng araw; ( sa Pampanga, nakita ko

rin ang isang lalaking nagpapapako sa krus ) at pagsali sa prusisyon ng kapitbahayan dito sa

amin sa cubao again for the station of the cross recitation( ang tig- iisang imahe ng 14 stations

ay nakapamahagi sa mga bahay- bahay at kaming magkakapitbahay ay lumilibot sa mga

istasyong ito sa pagdarasal,

. Lider naming lagi noong malakas- lakas pa sya is Aling Bebang( whose house is just next to

mine) na si Genoveva Edroza Matute, batikang manunulat sa Tagalog at tiyak kong nabasa

nyo nung araw kung kayo ay nagpublic high school dito sa atin (andun ang mga akda nya sa

Diwang Ginto at Diwang Kayumanggi).

Matandang matanda at mahina na siya these days so, si Tita Nene, retired teacher from Letran

ang amin nang lider.

2. and speaking of high school…Alam na alam na rin ng mga estudyante na bumubulusok na

ang pagdating ng summer at….bakasyon, yehey! Frst sign…ang JSProm sa public high

schools. My two dalagitas joined this year’s prom in their school. Naku, excited ang mommy

(ako po yon)- humugos sa Ylaya at namili ng tela, punta sa neighborhood mananahi of 20

years at doon nagpagawa ng prom gowns ng dalawa. Silang dalawa din ang nagdisenyo- type

din daw nila na may rhinestones para kumikinang- kinang ang kanilang mga gowns habang

sila ay gumagalaw so, ang utu- utong mommy, punta naman sa Tabora, sa Morning Glory

store para bumili ng suput- supot na makakintab na ikinabit, itinahi sa gowns. Pamorningan

ang beadwork na aming pinagtulung- tulungan. Sulit naman at kumukuti- kutitap ang mga

anak ko on Prom Night!( feeling ko lang, ha, mapupunta sa showbiz tong mga anak kong ito.

Medyo maka- agaw atensiyon ang mga tipo nilang kasuotan. Tulad din ng Mommy nila nung

kabataan nya- kalalaking hikaw, neon- colored na talukap ng mga mata, mapusyaw na kulay

ng damit- di pa uso ang mga fuschia noong araw, nakafuschia na ako nang walang kahiya-

hiya!, pagkaluwag- luwag na elephant pants na para bang wawalisin ng mga laylayan ang mga

kalye sa NMPC sa Intramuros, at elevated clogs na kung di ka nakapag- ingat ay sa

Orthopedic Hospital ang kasasapitan mo. Ikaw, Tenny Soriano, tanda ko ang haba ng patilya

mo at active member ka ng SDK (samahang double knit) noon, a! teka, banlon tshirts ang

favorites mo!)

And so, nairaos ang prom sa covered court of my girls’ high school. Inantay ko sila sa bahay

till after midnight when they came home para marinig ang mga kwento nila. Yung isa, si

junior high ko ( MYKA is her name)was happy enough- runner- up daw siya sa Search for the

Queen of the Night.

See what the hamak na mga tela sa Ilaya can be after they are sewn? Nakaka- agaw ng pansin!

Isinayaw din daw siya ng maraming classmates (tanda ko nung days before my prom,

nireregaluhan ko ng intermediate pad yung mga classmates kong boys sabay

sabing, oy, isayaw mo ako sa prom, ha? Ayokong maging wallflower!- smalltime bribery

tawag dun . I was that unpopular in school, hahaha))

My other daughter, si senior high ko (is DANICA po) medyo simangot when it was her turn to

make kwento.

Di daw nila nagustuhan ng barkada niya ang kostumbre nitong is M’aam Galit (tunay na tunay

ang pangalang iyan, she’s one of the teachers in PBernardo High School in Cubao). Every

‘sweet’ dance number, lalapit sa microphone si M’aam at magri-remind, ‘ please lang, yung

mga nagsasayaw, hwag masyadong close ang pagsasayaw, baka hindi makahinga ang

kapartner nyo’. Tapos daw, after 2 sweet dances, segue mabilis ng ‘fast’ numbers. Lalapit daw

sa mikropono ang Ma’m G at magreremind-‘Ehem, bakit walang nagsasayaw? Yung students

na andiyan sa gilid- gilid, dyan sa dilim,, come to the dancefloor now and dance, otherwise we

will declare the prom finished.’In the end, at 11:30pm, M’aam Galit made the announcement

‘Students, it’s midnight. I now declare this JSProm ended!’

‘KJ, talaga,’ bulong ng students.

Hehe, I can just picture the long faces of the young people there.

Pero, tuwang tuwa ako kay M’aam Galit- kaming mga magulang, ok kami kay m’aam G.

Para na ring andun kami at nagbabantay. Problema din namin kasi, tulad ninyo diyan

overseas ang pagiging sobrang mapusok ( TENSE baga) ng mga young. Nagmamadaling

magdalaga at magbinata. Parang it’s not yet time for us parents to let go- sadya bang ganyan a

ang Pinoy parent? Overprotective? Sabagay, tayo rin yata noon, ano? Gusto natin

magmukhang adults na. But I remember, wholesome fun ang kabataan noon- for myself,

nagtry ako ng mga make up, nagpa tiss ng buhok (ang kati!), spray net, nakapantyhose sa

ilalim ng gown (sino naman kaya ang makakakita ng kinis ng legs ko?), yun lang. Ibang iba to

what many of the young of today consider fun.

Ngayon kasi napakarami na ng impluwensiya lalo na sa media- tayo na naman ba ang salarin?

( independence of the young, premarital sex, mga inumin for the young, branded products na

pagkamahal- mahal ng halaga, ads ng condoms, istorya at adventures ng single mothers,

nakupo!) Hmmm, culture evolution- di yata papipigil.

3. Bulung- bulungan ng mga boy gradeschoolers dito sa kalye namin (Saint John) nitong

weekend (mga apat silang naghuhuntahan habang inaasinta ng kanilang pangsungkit ang mga

malalaki nang Indian mangoes ng aking puno ng mangga dito sa aking garahe) ang kanilang

scheduled tuli rites after the schoolterm. Public Service Project ito ng isang konsehal dito sa

4th district QC tuwing summer at syempre, take advantage ang mga parents dahil may

kamahalan din kapag sila pa ang gagastos para dito.

Status symbol ng mg kids namin dito kapag sila ay natuli na. Buong pagyayabang na paparada

sa kalye na may suot suot na puruntong shorts ng kanilang kuya or tatay. Wow, binata na si

utoy! Pwede nang manligaw! Napapangiti namang parang mga machong mama na ang mga

paslit.

Very safe na at para sa mga matatanda na ay, walang latoy ang pagpapatuli ngayon dito sa

syudad. Clinic na e at doktor na ang nagsasagawa ng ‘rite of manhood’ na ito. Pero sa mga

baryo sa probinsya,ang dating gawi ng pagtuli pa rin ang ginagawa. Dalawa lang ang reaksyon

ng mga bata- excited o nahihintakutan. Ang mga ‘excited’, buong tapang na hihiga sa papag

sa tabing ilog, pipiliting huwag humiyaw pagbagsak ng hinasang itak, at titiisin ang hapdi ng

pagbubuga sa sugat ng nginangatngat na talbos ng bayabas. Sila ay nakatawid na sa pagiging

mga tunay na lalaki!

Ang mga nahintakutan naman, ano ang ginagawa? Well, pwedeng ipagpaliban to next year

ang tuli. Meantime, titiisin nila ang pagdusta ng buong baryo, lalo na ng kanilang mga barkada

at ka edad sa kanilang kaduwagan. Gusto ba nila yon? So, ang iba, nagpapa alalay sa kanilang

kapamilya- si tatay, tiyo, kuya at lolo upang mairaos nila ang ritwal na ito. Katapos nito at

sana naman ay the absence of infection, makikita ng balana ang nagbabagong personalidad ng

bata- medyo my dating nang yabang, nakataas ang noo, preferred na ang pagsusuot ng long

pants, pwede nang bigyan ng responsableng trabaho sa bahay( pakain kay bantay, paglilinis ng

labangan ng baboy, pagkolekta ng mga itlog na ini iri ni inahing manok atbp.… TULI NA

AKO!

4. Fire Prevention Month na! Ang March ay Fire Prevention Month. Iwas- sunog ang advise sa

lahat. Ibayong pag- iingat ang hinihiling kasi nga sa buwang ito madalas matindi ang

insidente ng sunog. Sa mga lugar na dikit dikit ang mga bahay na gawa sa kahoy( San Andres

Bukid, Sampaloc, Bangkusay, Dimasalang, Payatas at kung saan saan pa), tunay na

delikado. Kwidaw, baka may ‘jumper’ pa ang kapitbahay- naku, ireport agad sa Meralco!

Mga kaibigan, welcome to summer in the Pinas! Sa mga susunod na hopefully, ikikwento ko

Ang mga summer happenings na baka lang nami miss ninyo- graduation day, mga pista sa

prubinsya, santacruzan,, languyan sa ilog, halu halo at tinumis, buko juice,at marami pang

iba!

Happily, I know that many of you out there in Canada have made vacation plans for Pinas summer.

So, welcome back! Ler’s re live tha fun we had once upon a time, not so long ago when life was more carefree, and the ilogs and carayans in our towns were cleaner and pollution free!

Friends, email me at mediastrat@gmail.com for your comments and queries.

More later, take care!

Exit mobile version