Balita

Snowing Elephs & Hippos

Ayon sa mga dalubhasang weather-weather, ang unang pagbagsak ng niyebe o first snowfall ay madalas mangyari sa buwan ng Nobyembre; ngunit maaaring maganap din sa Oktubre.

Subalit nuong 2009, sa kauna-unahang pagkakataon in 162 years, hinayaan ni Inang Kalikasan na gawin ni Autumn what the season was meant to do – shed off its colourful beauty, prepare for a long and well-deserved slumber, and wake up to a refreshing rebirth and renewal. Walang snow buong Nobyembre ng 2009 at ika-siyam na ng Disyembre nang dumausdos ang puting luha ng kalangitan. 

Nuong 2015 naman, bagamat may naitalang panakanakang flurries, ang first significant snowfall of the year ay nangyari lamang ng ika-28 ng Disyembre. Ayos naman dahil takdang winter season na. Nakalipas nga ang Pasko pero looking forward naman ang mundo sa Happy New Year 2016.

*****

Okay lang ang sumalubong sa first snowfall. Hudyat ito na very near na ang tag-lamig.

Pero, kwidaw. Paglampas ng first snowfall, expect na sumunod at umarangkada ang snow storm, blizzard at plenty of winter inconveniences tulad ng slush, late bus and train schedules at icy roads na namuti ang potholes. 

Bagamat bihira nang puntahan ang mga public parks and playgrounds, looking forward naman ang mga bata’t matatanda sa tobogganing, ice skating, skiing, sledding, breathing life to Frosty at marami pang winter activities. 

At habang patuloy ang girian, huntahan at patalsikan ng laway hinggil sa issues and concerns ng mga educational workers at katotong manggagawa, pag-ibayuhin ang ingat, mga young ones at young once, laban sa umaaligid na virus at sakit – flu, Covid, respiratory problems at iba pa — dulot ng panahong tag-lamig.

*****

Mula sa botika sa baryo: Let’s Volt in! Mask up (Huwag tularan si dok moro-moro, ang ipokritong partygoer. Maayo pa si Mang Kepweng, hindi kailangang mag-face mask, kasi nagtatabako.), get the jab and boosters (Ilag kay Pambansang Kamao at sa rocket ng NASA.), be aware of the meds (lalo na ang mga inangkat na supply), do not stress the hospital system (Anong request? Please naman, huwag nang paiyakin at pahirapan pa ang mga frontliner na doktor, nars at iba pang medical workers. Hindi sila vendo machine.), etsetera, at iba pa. Anong pamamalakad ba ang mayroon tayo? Laging nakanganga, tuwina’y ngumangawa at naninisi ng iba.

GMRC reminder, if and when relatable: Cleanliness is next to godliness.

Ngayon, gets na ni Mang Tentoy kung bakit marangal ang mamasukan bilang janitor. Alam na rin ng marami kung bakit malaswa at hindi matuwid ang paghuhugas kamay ni Bossing Poncio; at kung bakit inako ni Bathala ang maging pinakadakila’t mapagpatawad na Abang Lingkod.  

*****

Very hard and exhausting ang maglakad sa deep snow, lalo na ang nakaririnding dig-out shovelling, para sa mga nilalang na patuloy na nagdidildil sa asin.

Dangerous to the tongue ang pole licking at health risk ang gumamit ng snow sa halo-halo.

Hindi kaaya-aya’t kumportable ang mag-bundle up if it makes you feel like lumpiang sariwa. 

Stay home na lang, magbalot ng kumot near the heater at maghintay kay Santa Claus. 

*****

Remember mo pa ba ang polar vortex nuong Kapaskuhan ng 2013 at ang mga oras at panahong halos ibinaon sa niyebe ang lungsod ng Toronto? Kung inaakalang matindi na ang 1999 snowstorm, may mas malala pa duon.   

Brrrr at Grrrr talaga! Harinawa’y hindi na muling maulit.

Agree na sa raining cats and dogs; i-unlike ang snowing elephants and hippopotamuses.

Ipanalangin na sana’y iwasan na ni Winter ang magtampo at maging sobrang kulit. Chill, bro.

*****

Kaya hindi nakababahala nang sumalimbay ang flakes at flurries mula sa kaitaasan na daliang sinundan ng mistulang puting bed sheet na bumalot sa lupain at tanawin ng Toronto nitong ika-15 ng Nobyembre.

Malamang, ang mid-autumn snowfall at mercurial dip ay isa sa mga paraan ni Mr. Winter na ipaalam na handa’t nalalapit na siyang makisalo’t makisama sa lahat, sa hirap o ginhawa, tumaas-baba man ang presyo ng gas at ng mga bilihin sa mall at talipapa.

Nararapat din na paghandaan ang kanyang pagdating, may Choc-Nut o wala.

Taunan nga kung magparamdam, pero mas amazing ang Kanyang pagbabalik. Walang panama ang “I shall return” ni Mang Douglas, ang “I’ll be back” ni Idol Arnold, at ang tsismis sa return of the comeback ng probinsiyanong taga-maralago.     

*****

Whatever, same same naman ang kapaligiran kapag namaalam na si Autumn at umusad na si Winter.

Blessed pa rin naman tayo at paminsan-minsan ay sumisilip at bumibisita si Haring Araw, na alay ang taglay niyang init ng yakap at pagmamahal na tumutunaw sa ating kalungkutan at lumbay.

Likewise, do you still recall the significant April 18 mid-spring snowfall this year, which might as well be Dr. Freeze’s way of saying that he can pull surprises at any time?

It’s normal, folks. Ang huling pagsabak sa niyebe ay nangyayari sa Abril, ngunit huwag magugulat kung lumawig ito sa Mayo.

*****

Free of snow ang Toronto, normally, mula Hunyo hanggang Setyembre. Dream, dream, dream!

Perhaps, things would be different if snow arrives and drops in mid-summer.

It will not likely happen, but who knows?

Hay, naku! Panandaliang isantabi muna ang anumang usapin sa climate change.

Be real. Masayang manirahan sa True North, a place so blessed with snowfalls.

*****

Snow has healing powers, so Ate Salud was told and made to believe.

To get rid of potholes (DIY ito pero dear meyor may help) sa kanyang mukha, sumalok si Ate Salud ng tunaw na niyebe (of course, from a pothole) at hinaluan ito ng maligamgam na tubig. Happy at walang ngiwi na naghilamos at nagtampisaw siya sa snow’s fluidity.

Kaso, it turned out that the snow cure instead had billing powers. Malaki ang gastos para sa basin at bucket, a cracked mirror and a visit to a masked dermatologist, just to save face!

Please, huwag nang magkalat ng fake news at mag-usisa kung bakit siya’y nakamaskara.

*****

Laughter is still one of the best antidotes for a tired body, a rattled mind and a hurt heart.

Running out of laughter is really dangerous to your health.

*****

Always show gratitude for blessings and share them freely.

Araw-araw, hindi belated, ang pagbati ng Happy Thanksgiving.

*****

Ngunit bakit may nananaghoy ng “It’s beginning to look a lot like Halloween, everywhere you go”?

May barilan dito, may saksakan duon. Buhay ba’y lima singko?

*****

Ano? Uso at trending na naman ang mass shooting kina kapitbahay sa katimugan?

Ewan ko kung totoo, pero sabi nila, nakaka-depress at nakakaburyong daw ang panahon ng tag-lamig at kapag ang lipunan ay nanlalamig na sa kanilang kapaligiran at kabuhayan.

If the weather and mass shooters are in anyway related, ano at sino kaya sa kanila si Cain?

Dating gawi. Matapos ang mahabang litanya at blah-blah-blah sa media, sa wala pa rin ang punta at pusta.

Okey na olrayt: Keeping a gun away from anyone can spare a limb and save a life.

*****

Mga saloobin ni Bunso:

Kuya, ano ba talaga ang may sala: Ang bala, ang kuwit ng baril o ang daliri?

Ate, wala bang pagkakamali ang gun makers at gun vendors?

Itay at Inay, hindi ba masisisi ang mga mambabatas at politikong ibinoto ninyo?

Sa lahat, huwag na po kayong mag-alala. Nasa mabuti akong kalagayan. Dito sa aking Bagong Tahanan, dama ang katahimikan, kapayapaan at pagmamahalan.

*****

Exercise your every right to be right.

Never be left out. Strive harder to never be wrong. 

*****

Brothers may call one another a bother; sisters, somewhat sinister.

Either a teaser or a bicker, it does not really matter.

In the end, they will hold hands and smile at each other.

*****

Christmas songs and carols begin filling airwaves in Toronto after the first significant snowfall in the city, an unwritten broadcast tradition practiced through the years, so I was told.

Hearing Jose Mari Chan elegantly croon “May the spirit of Christmas be always in our hearts” – of course, after I clicked on an Internet music platform after the November 15 flurry and snowfall — did not belie the gladness and welcoming glow being felt for the Grand Coming in the Season of Advent.

Not to worry. Some small shops and most big box stores will be catching up with its own snowfall and holiday schemes to draw sales and be on a receiving end.

Someone wishes to hear Michael Jackson: “Give love on Christmas Day, no greater gift is there than love.”

*****

Tulad ng nakagawian, hanggang dito na lamang at maraming salamat sa inyong pagsubaybay at pagtangkilik.

Kailangan pa bang maghintay ng Pasko?

Be nice, be thankful and giving, be safe, be well. #####

Exit mobile version