Simulation of Child’s Birth

By | March 4, 2019

Q. Hi sir magandang araw po,gusto ko po sanang malaman and dapat kung gawin sa pag ampon sa anak ng kapatid ng aking live in partner in life. Nanganak po ang kapatid ng aking live in partner noong Sept 27 2018 . Sa kadahilang di na po kayang tustusan ang pangangailangan ng bata ay ipinapaampon na po ito sa amin. Ang ilagay pong pangalan ng bata ay pangalan ko at apelyido ko na rin po, ngunit ang nilagay po na pangalan ng nanganak ay mismong biological parents po at ako na po ang tatay.Gusto ko po sana sya mairehistro na ang biological parents niya na po ay ako at ang live in partner in LIFE ko. Maari po ba ito mangyare ?

ANS: Hello there , ang pag lalagay at pag pa rehistro ng isang bata sa birth Certificate nito at ipinalalabas ng anak ito ng kunwaring magulang sa halip ng mga biological parents ng bata, ay hindi na bago. Ayon sa balita ito ay karaniwan ng ginagawa , upang maiwasan ang magastos at masali-muot na adoption process na kasalukuyang umiiral na batas.

Ang paraang ito ay maituturing na “Simulation of Birth” at ayon sa mga bali- balita, marami na ang nag tagumpay sa prosesong ito. Ngunit, Paalala lang. Ang gawaing ito ay labag sa ating batas at pinaparusahan sa ilalim ng Article 347 ang ating Revised Penal Code at Section 21(b) of the Domestic Adoption Act.

Dahil ang “simulation of birth” ay labag sa umiiral na mga nasabing batas, walang lawyer na magpapayo sa inyo na gawin ito. Kung ito man ay gagawin ninyo, nasa inyo ang desisyon at hindi maipapayo ng inyong abang lingkod na gawin ninyo “simulation of birth” . Bilang isang abogado, tungkulin namin at kami ay may pinanumpaan na itaguyod at sundin ang “Rule of Law”. At sa kadahilanang nabanggit, hindi ipinapayo or minumongkahi ng inyong abang lingkod na gawin ninyo nasabing “simulation of birth”. Kung baga, it’s a judgment call on your part dahil sa mga legal na implications at sanctions na nabanggit.

2

Para sa iyong kaa-laman, mayroong panukalang batas na nakabinbin ngayon sa Congreso(Bicameral conference-Senate at House of Representative), kung saan ang panukalang batas na “Simulated Birth Rectification Act of 2019, ay pinapayagan na ang pag parehisto ang ng bata na nagkaroon ng “simulation of birth” upang isatama ito . At ayon na rin sa sinusulong na batas, ang proseso ng legal adoption ayon ay hindi na dadaan sa korte kung di sa Department of Social Welfare and Development(DSWD) na lang at administrative proceedings na lang ang mangyayari sa adoption ng isang bata at maging simple na lang proseso nito. Kung ang nabanggit na paukalang batas ay mabigyan ng katugunan ng ating kongreso , ito ay maaring maisabatas mga kalagitnaan ng 2019.

Looking forward you’ll find the above in order and welcome to the Batas Pinoy Global Community.

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.