Si Luz del Rosario! Atin pong iboto!

By | October 15, 2010

Alahoy! Alahoy! Wow! Patok ang “Noah”
Dahil naiiba ang daloy ng istorya!
Mas kasiyasiya kumpara sa iba,
Na sa theme song pa lang tatabangan ka na!
* * *
Istorya ng “Noah” ala – Mars Ravelo!
Sa writers ng “Noah” braving – bravo kayo!
Ang Mga Kalabit, saludo sa inyo!
Komiks writer kami, dekada?…limot ko!
* * *
“Noah” e Win na Win! At KaWillieWillie!
Sana me “Noah 2”, Noahang teleserye!
Bakit nga ba hinde? Ideya meron kami!
Gustong magko – writer, aking Sickretary?
* * *
Okedok! Kikodok! Si PNoy, ate hotdog
Nang sya at ang grupo e naron sa New York!
Pakulo o hindi? Tsibug e sumundot
Sa administrasyong tararadzingpotpot!
* * *
Tsk – tsk! Milyong dolyar ginastos sa dinner!
Bibig e bumula! Doon po sa atin!
Kay PNoy po naman? Sey nila e bien – bien!
Sana maampyasan kanilang dalangin!
* * *
Mabuhay! Mabuhay! Ang sigaw ng bayan!
Yung ‘uwi’ ni Pinoy daming hanapbuhay!
Sating kababayang ayaw sapalaran
Mag-OFWs kung saang dako man!
* * *
Sez Hilary Clinton. Ke President PNoy,
Bigyan tayong Pinoy ng pagkakataon
Ng better life anya! Mabuhay si Clinton!
Nang di na mag – abroad! Milyong madlang pipol!
* * *
Eskeremengoles! Mahabaging langit!
Lagay ng kabayan sa detention centers!
Tulad dun sa Saudi, di kanaisnais!
Luluha sa awa! Ke sakit sa dibdib!
* * *
Dito po sa atin! Kabayan! Kabalen!
Si Luz del Rosario, dun sa Ward 11
Nitong Mississauga, inuulit namin!
For councillor siya! Please, iboto natin!
* * *
Sa tulong nga natin! Si Luz, win talaga!
Nang sya maghaustohaus! Inda, tuwa baga!
Sa rami ng Pinoy dito sa Ward niya!
Merong isang bedroom, ilang family? Hah?!