San Pedro Kalungsod! San Lorenzo Ruiz!
Si Kasamang Ruben, sana po Rest In Peace!
Lubos – pakiramay, Tropa ng Kalabit!
Sa nangaulilang sakbibi ng hapis!
* * *
Si Pilosopong Lao, kanyang sinasabi,
Si Kasamang Ruben, dalas kadebate!
Di pa na – accident, dahil noon kase,
Basta at diskusyon! Si Ruben e happy!
* * *
Ibat – ibang paksa pinagtatalunan!
Si Kasamang Ruben, nakumpas ang kamay!
Daig pang Conductor! Natalsik ang laway!
Kundi ka iilag! Para kang na – San Juan!
* * *
Aking Sickretary! Holy Kalungkaling!
Si Kasamang Ruben, labis mami – miss din!!
Nung mga panahong di pa naka – wheelchair!
Hilig dancing – dancing! Arimundingmunding!
* * *
UnderSickretary Popoy Aburido!
Kay Kasamang Ruben! Wakanga! WapeLOO!
Laging alalay sya, lalu nung Martial Law!
Dahil sa Pinoycom, meroong Con at Pro!
* * *
Si Kasamang Ruben, me likas na tapang!
Walang Anting – Anting! Pero merong ‘kuwan!’
Nangasagasaan! Bibig nagbulaan!
Iba e natuwa! Sa kanyang binulgar!
* * *
Si Ruben nag – speech! Hagikgik madlang guests!
Kami nun ni Lolit! E, ika – 25th!
Sobra kaming ni – roast! Dun naki – celebrate!
Si Frankie Legaspi! At si Ging Hernandez!
* * *
Ne, LoveLife ni Ruben!, hi – hi! Makulay!
Di kayang isaysay, ispayo e kulang?
Rima ng Kalabit e mauubusan!
Ibaba ang tilon! Lawishwish! Kawayan!
* * *
Door ng van, makipot! Wheelchair, sinasaksak!
Para nun pumasok! Fuerza! Todo! Lakas!
Nakipagtunggali! Hala! Tulak! Atras!
Hindi po sumuko! Si Tessie Cusipag!
* * *
Alahoy! Alahoy! Di na kailangan!
Malalakbay mo na! Anung lugar! Sanman!
Wheelchair mo gumulong nang napakatagal!
Tinulak – Kinabig nitong pagmamahal!