Sa nangag – Pabasa nung Semana Santa,
Awit na may saysay. Ale – aleluya!
Panghabang panahon. Papuri sa Kanya.
Nakagiginhawa. Lipus ng pag – asa.
* * *
Lawiswis kawayan! Doon sa Square One!
Wah! Umpok – umpukan tantos naragdagan
Dahil sa spring na! Hirit walang humpay!
Kanya – kanyang bangka! Kahit walang sagwan?
* * *
Yung talks iba’ t iba, me lungkot, me saya!
Si ganun, ganito e namayapa na.
Si Juana Tejada, RIP… anila.
Si Celia Mansibang, ano, kumusta ba?
* * *
6 months to live na lang, si Celia Mansibang,
Itong diagnosis ng kanyang physician;
Aking Sickretary e meroong alam,
Lumagpas sa taning, isang kababayan!
* * *
Subukang tanungin si Doc Espiritu,
Tila kilala nya, kung sino man ito,
Buhay na buhay pa! Gayung terminado!
Ano ang ginamot? Alamin po ninyo.
* * *
Eskeremengoles! Saming last Kalabit
Pano si Legarda e aming nabanggit!
Panlilio – Padaca! Satin e hit na hit!
Loren, walang puwang sa pagka – president?
* * *
Okedok! Kikodok! Kanya – kanyang manok!
Dapat ang maluklok me takot daw sa Dios!
Legarda! Legarda! Natatangi. Subok.
Nun pa bukambibig kahit saang sulok!
* * *
TFCko, patok, dito sa Ontario?
Sa SulitTipid Plan, laking mura kuno!
Si Baby Cajucom, inaalok kamu!
Porke favourite ko, si Bea Alonzo!
* * *
Sir Tomas Kaluban! “Heartthrobs 2009”
Me mga nalungkot di napanuod daw!
Presyo niyong tiket ay may kamahalan!
Meroong bumulong ke Mar Marasigan.
* * *
Holy Kalungkaling! Uh – oh! Angal parin!
Sa Sharon and KC! Concert na darating
Anut price ng tiket namamahalan din?
Magtulog ka na lang! Baka bangungutin?