PAALAALA ni Edwin Esteba
Sila iyong ating mga magulang
Sa lahat ng bagay tayo ay sinusuportahan
Nakaalalay noong ating kabataan
Hangad magkaroon tayo magandang kinabukasan
Ngayon kalinga natin sila ay nangangailangan
Oras na paghihirap nila ay ating masuklian
Maaaring sabihin wala na sila pakinabang
Pero sila pa rin ang ating mga magulang
Dapat pansin sila ngayon ay pagtuunan
Marami naman silang naiambag sa ating lipunan
Hindi lahat ay nabibigyan ng kahalagahan
Kaya ngayon ang panahon na tayo ay kailangan
Malaking bagay na sila ay may asosasyon
Magbigay sila ng kanya kanyang opinyon
Sa lipunan paano ba makakatulong?
Paano ba malalabanan ang depresyon?
Hindi lahat ng matatanda ay maswerte
May mga magulang pinababayaan na lamang sa kalye
Ganyan ang nangyayari sa ating country
Matatanda daw ay wala nang silbi
Marami silang naiambag sa lipunan
Panahon na pansin sila ay pagtuunan
Mga asosasyon ng seniors ay tulungan
Ipadama ang kanilang kahalagahan
Kaya mga seniors ay tulungan
Sa kanilang layunin ay suportahan
Iyan na lamang kanilang libangan
Benipisyo wag silang pagkaitan