Sekretong Pag-papalipat ng Titulo

By | September 15, 2013

Q. Atty , Magandang araw po! Nabasa ko po ang column ninyo sa Batas Pinoy sa internet. Gusto ko po sanang isangguni sa inyo ang matagal ko ng problema ako po si Rodel , nagtatrabaho sa Jeddah bilang salesman.

May una po akong asawa at kasal po kami, sa hindi po inaasahang pangyayari nagkahiwalay po kami at 8 years na po ang nakalilipas may dalawa po kaming anak.

Noong mga unang taon po ng aming paghihiwalay nag file po siya ng demenda laban sa akin dahil nagkaroon po ako ng kinakasama at hindi po maiwasan na makasal din po ako sa aking pangalawang ka live in. Dahil sa kahilingan po ng kanyang mga magulang pero wala po kaming anak hanggang ngayon.

At dahil po sa demanda laban sakin ng una kong asawa hindi na po ako nagpakitang muli at hindi ko po na suportahan ang aking mga anak.

Lumipas po ang panahon at may mga naipundar po akong properties gaya po ng lupa at bahay at naka pangalan po ang mga titulo sa aming dalawa ng pangalawa kong asawa as “spouses” ito po ba ay legal?

Kahit na hindi po annul ang kasal ko sa una kong asawa? At pwede ko po ba na ilipat na lang sa pangalan ko ang mga titulo ng mga naipundar ko? Para po magkaroon ng karapatan ang mga anak ko sa una kong asawa?

May karapatan din po ba na maghabol ang una kong asawa sa mga properties na naipundar ko kahit nakapangalan sa amin ng pangalawa kong asawa?

Maari ko po bang ilipat ang pangalan ng mga titulo ng mga investment ko sa aming dalawa nung una kong asawa for formality reason para sa kapakanan ng mga anak namin? Dahil sa pangalawang asawa ko ay wala po kaming anak na dapat paglaanan.

Ano ho ba ang steps na dapat kong gawin? Kailangan parin ho ba ng consent ng pangalawang kong asawa? Dahil gusto ko ho sanang gawin ito ng lihim na hindi malalaman ng pangalawa kong asawa. Maraming salamat po Atyy. Rogelio at hihintayin ko po ang inyong kasagutan sa aking mga katanungan. Rodel.

SAGOT:

Hello Rodel! Tungkol sa una among tanong.Hindi maaring ituring ang iyong pangalawang asawa na legal “spouse” sa mata ng ating batas dahil ang legal mong “spouse” ay iyong unang asawa na doon ka unang kinasal.

Hindi maaring ilipat lang sa pangalan mo ang titulo ng lupa. Ayon sa batas, ang isang ari-arian na napundar ng isang may asawa mula sa kanyang kasal ay isang “conjugal or “ absolute community property” ng mag-asawa.

Ang iyong tunay na asawa ay may karapatang mag habol sa mga ari-ariang napundar mo. Kalahati nito ay maituturing na kanyang conjugal share kung sakali mang iliquidate ang inyong conjugal properties, dahil sa pagkamatay ng isa or dahil sa kautusan ng husgado, kung kayo ay magkaroon ng legal separation.

Ang inyong mga anak, kasama na ang tunay at una mong asawa ay may karapatang mag mana ng mga naipundar mong mga ari-arian kung sakaling pumanao ka.

Ang iyong pangalawang asawa ay walang karapatang mag mana o magkaroon ng bahagi ng mga naipundar mong mga ari-arian. Kung gusto mong ilipat ang titulo ng lupa sa mo sa dalawa mong anak, dapat ay:

1. Nasa legal na idad na ang mga anak mo. At least 18 years old o pataas.

2. At kailangang din ng mga anak mo na pipirma sa Deed of Transfer at written “marital consent “ ng spouse na naka pangalan doon sa titulo ng lupa.

At sa kadahilanan na doon sa titulo ng lupa ang pangalan ng iyong pangalawang asawa as “your spouse” ang nakasaad dito kailangan pa rin ang kanyang written consent , dahil di papayag ang Register of Deeds na iregister at ililipat sa ibang pangalan ang titulo na walang written consent sa spouse na naka sulat sa titulo.

Kung sakaki mang ayaw pumirma ang pangalawa mong asawa sa “Deed of Conveyance’, ang legal na hakbang na maari mong gawin ay dumulog sa husgado, upang maka kuha ng “order” para sa “Register of Deeds , na nag papanintulot sa iyo na ilipat sa ibang pangalan ang titulo na marital walang consent o lagda ang iyong pangalawang asawa, sa kadahilan na hindi mo siya legal na asawa .

Pero mag kaganoon paman, kinakailangan pa ring mag bigay ng “marital consent” ang una mong asawa sa pagpapalipat ng titulo sa ibang tao, kahit sila mga anak mo. Bukod pa rito, ang pag punta mo sa husgado kung sakali man, ay maari ding maging “incriminating evidence” na ikaw ay nagkasala ng adultery at concubinage at ilalim ng ating batas.

Kaya medyo maselan yong plano mo na hindi mo ipapa-alam sa iyong pangalawang asawa ang balak na ito kung kakailanganin ang kanyang consent ng Register of Deeds . On the other hand, kung kukuha ka ng marital consent doon sa iyong unang asawa, para pag papalipat ng nasabing titulo, maaring ito ay makadagdag ng iyong predicament sa iyong mga usapin.

Mas makakabuti rin sa iyo na kumunsulta ka sa iyong abogado para mabigyan ka ng professional guidance sa iyong mga concerns. Salamat sa pagsulat mo at good luck.

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.

* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino for comments to: attyrw@gmail.com .