By: Edwin Anyayahan Esteba
SANA ALAM MO ANG TAMA
Lahat ng bagay ibinibigay sa iyo
Lahat ng gusto mo ay kanyang suportado
Pero bakit nagagawa mo pang magloko?
Mahal ka nya pero iyong ginagago
Ikaw ang walang taong kasiyahan
Pamilya hindi mo pinapahalagahan
Iniisip mo lamang sariling kaligayahan
Hirap at pagod niya hindi mo masuklian
Maraming tao ang ganyan
Lalo na kung mga asawa nangibang bayan
Nagpapakahirap doon upang pamilya masuportahan
Hindi nila alam hirap na pinagdadaanan
Bakit nga ba marami pang nagloloko?
Bakit may mga tao na kailangan magsakripisyo?
Paghahanap buhay sa ibang bansa pa dumayo
Kung pag uwi mo pamilya mo ay nagulo
Sa mga nangyayaring ito sino ba ang apektado?
Sa bandang huli sino ba ang talo?
Kaya bakit meron pang kailangang magloko?
Kung sa lahat ng bagay ikaw ay sustentado
Isipin mo na ang mali ay mali
Huwag mong gagawing tama ang mali
Pero ang mali ay kaya mo pang itama
Bago pa ang karma sa iyo ay tumama