Tahimik si Carlos dela Riva nakahimlay sa sofa ng kanilang balkonahi at dinadama niya ang malamig na hagin na nagbubuhat sa bulubundukin ng Daly City, California. Sa kanyang pag-iisa ay laging sumasagi sa kanyang ala-ala ang kanyang buhay na sinasapit noong mga nakaraang panahon sa Maynila na siya kung tawagin ay “smart business tycoon” na owner ang manufacturer ng Jeep, truck and automobile spare parts. Mayroon siyang sariling Cessna Plane na gamit niya sa pag-travel sa Pilipinas, yacht na kung ibig niyang mamahinga o’ mag fishing at sari-saring kotse. Ang lalong masakit alalahanin ay ang kanyang pagkaka-halal na Congressman sa distrito ng Tondo at ng manunungkulan na siya ay nag-martial law at in-abolished ang congress and senado na ginastahan niya na kung ilang milyong piso. Ngayon dati sa Pilipinas siya ay isang malaking boss, dito sa California ay isang pangkaraniwang employee lamang siya, bakit?. saan ako nagkamali? Ang parating nabibigkas niya sa kanyang sarili.
Bigla na lamang siyang nagulat ng siya ay tawagin ng kanyang mistress na mayroon daw siyang tawag sa telepono.
“Ikaw pala Mario, kailan ka pa dumating. Siguro mayroon kana namang conferencia dito sa San Francisco” and bungad niya sa matalik na kaibigan at kababata.
“Malaking kasalanan ko, Carling kung hindi muna ako tatawag sa iyo. Alam mo naman utang ko sa iyo ang lahat kung bakit naging ganito ang aking katayuan sa business world. Hindi ba? ang tugon ni Mario sa kaibigan.
Nagusap pa sila ng mga limang minuto at batid ni Alice na siguradong magkikita ang dalawa bago bumalik si Mario sa Maynila.
Nang sumiklab ang Word War II si Carlos dela Rivas ay graduating ng high school sa Gagalangin. Ang dalawa niyang kapatid na babae ay matanda sa kanya ay parehong mayroon ng asawa at siya na lamang ang kasama ng kanyang Papa at Mama.
“H’wag kayong mag-alala Mama makakaya natin gampanan ang situwasyon dito maski na frozen ang ating deposito sa banko” ang; wika ni Carling sa kanyang nag-aalalang Mama.
Sumama sa Carling sa mga buy and sell group at hindi naman siya nabigo dahil sinuwerte siya, at sa loob lamang ng isang taon ay milyonaryo na siya sa occupation notes. Ang ginawa niya ay nilagay niya sa real estate kasama na ang pagbili niya ng mga bahay at apartments. Sa loob ng buong occupation years hindi na nagkaroon ng problema ang familia ni Carlos dela Riva.
Sa dahilan si Carling ay nahasang mabuti sa negosio noong panahon ng hapon. Nang dumating na ang liberation nakahanda na siya dahil malaki na kanyang kapital para gamitin sa negosio.
“Mario, gusto mo bang sumama sa akin bilang partner sa negosio kong bubuksan” ang tanong niya sa kaibigan at kababata.
“Bakit hindi” ang masayang sagot ni Mario sa kaibigan.
Sa loob lamang ng madaling panahon nakapagbukas sila ng surplus business at lumaon ay dinagdagan pa nila ang import ng equipment at spare parts katulad ng jeeps at trucks. Sa panahon iyon si Carling ay nag-asawa sa kanyang kasindahan simula pa sa kanilang high school days. Tumira sila sa biniling malaking bahay sa labas ng Maynila.
Sa dami ng mga opportunities noon mga panahong iyon na ang kailangan lamang ay damputin ng may kapital. Dinag-dagan pa niya ang kanyang negosio at nag bukas siya ng spare parts manufacturing kasabay din ng pagbubukas niya ng malaking opicina sa Makati. Mayroon na siyang sariling Cessna Plane, private yatch at sari-saring kotse.
Sa isang business cocktail, si Carling ay naipa-kilala sa isang magandang movie starlet. Si Carling dahilan sa pagkakaabla niya sa business ay halos wala ng panahong makihalo sa society. Madalas siya ay nasa ibang bansa.
Nabighani si Carling sa kagandahan ni Alice, ang starlet na naipa-kilala sa kanya at simula nuon ay sinuyo na niya sa pamamagitan ng sari-saring mamahaling regalo na ni sa panaginip ay hindi niya matitikman. Sa loob ng di kahabaan ng panahon si Alice ang magandang starlet ay sumama na kay Carling bilang live-in partner. Binili niya ng isang magandang bungalow at kotseng mamahalin at kung anu-ano pang gamit na halos malunod si Alice sa kasiyahan.
Mula ng magsama sila ni Alice ay namuhay si Carling ng double life. Naging master of alibi siya at lahat ng dahilan ay nagamit niya sa kanyang maybahay dahil bihira na siyang umuwi at lagi na lamang siya sa piling ni Alice na sa pakiwari ni Carling hindi na siya mabubuhay kung mawawalay siya kay Alice.
Isang Lunes ng umaga ng dumating siya sa opicina sa Makati ay nilapitan siya ng kanyang Chief Accountant at sinabi sa kanya na hindi na matibay ang lagay ng kanilang negosyo. Mayroon ng warning sa atin ang mga banko tungkol sa ating mga utang na behind tayo sa pag-babayad, ang malungkot na wika kay Carling.
“Huwag kang mag-alaala ako ang bahala, aasikasuhin kong lahat ito,” ang wika ni Carling sabay pasok sa kanyang opicina.
Patuloy pa rin si Carling sa dati niyang gawain ang pagpapabaya niya sa kanyang negosio hangang sa sumapit na ng padalahan ang kanyang kompanya ng warning na kung hindi siya makakabayad ay gagawa sila ng hakbang ayon sa batas.
Hindi malaman ni Carling kung ano ang kanyang gagawin ng tawagan siya ng kanyang kaibigan at kababata para sabihin na maraming mga leader ng politika sa Gagalangin ang humihiling na mag-kandidato siya para congressman sa kanilang distrito. Sumaya ang mukha ni Carling dahil ito na siguro ang isang paraan kung siya ay mananalo maaring makatulong sa kanyang negosio na tila malapit ng bumagsak. Sinagot niya si Mario na sa lalong madaling panahon ay makikipagkita ako sa mga leader sa Gagalangin.
Tinangap ni Carling at natuwa naman ang mga leader dahil si Carling ay alam nilang legitimong taga Gagalangin at isa pa batid nilang mayaman. Hindi nahirapan si Carling sa nomination sa partido dahil gumasta siya ng malaki kaya naging official candidate siya.
Sa kabutihang palad nanalo si Carling at ano ang tuwa ng kanyang mga leader lalong- lalo na siya dahil sa akala niya maaring makatulong sa kanyang negosio ang kanyang pagi-ging congressman. Nagbigay siya ng malaking blow-out sa kanyang mga leader na ginastahan din naman niya ng malaki.
Sa di ina-asahang pangyayari ng mag-declared ng Martial Law ang Presidente ng Pilipinas ina-abolished ang kongreso at Senado kaya lahat ng mga na halal ay nawalan ng bisa.
Sa lungkot ni Carling at sama ng loob dahil sinisingil na siya ng kanyang pinagkakautangan inisip niyang pumunta sa America.
Kasama niya si Alice at ang dalawa nilang anak at nagtungo sila sa Amerika, sa Daly City sila tumira dahil mayroon si Alice na kamag-anak doon. Namalagi sila sa Amerika ng humigit na dalawampung taon at napilitan siyang mag-trabaho sa San Francisco bilang empleyado sa isang malaking kompanya upang mabuhay at gayon din si Alice.
Dito nagwakas ang makulay na buhay ni Carlos dela Riva ang dating kilalang business tycoon sa loob at labas ng Maynila na ngayon ay isang pangkaraniwang empleyado sa San Francisco, USA.
Sadyang ganyan ang buhay “Ang lahat ay mayroon katapusan”.