SAAN SA GUBAT NG MGA KASALANAN?

By | June 1, 2010

Dalawang linggo pa lamang sina Francis at Junichi sa San Isidro ngunit halata ni Francis na may bumabagabag kay Junichi. Naaaninag iyon ni Francis sa mga kilos ni Junichi, nararamdaman sa kanyang mga pananalita.

“What’s the matter?” naitanong ni Francis isang araw na nakita niyang tila may malalim na iniisip si Junichi.

“Nothing. I am just thinking of the work we left behind,” pagsisinungaling na sagot ni Junichi.

Ngunit alam ni Francis ang katotohanan. “Who are you kidding? I know who you are thinking of.”

“Who?”

“Erika.”

Walang dahilan upang hindi umamin si Junichi. “How did you know?”

“We saw you when you were looking at  Erika’s picture when we were at their home.”

“I really worry for her.”

“For what?”

“The place where she is working is not a very good place.”

“What’s wrong with it?”

“Organized crime is rampant in that place.”

“Like what kind of crime?”

“Like prostitution that caters to rich people. Rich people who prefers young and beautiful ladies.”

“What do you think shall we do?”

Saglit na di kumibo si Junichi. Hinimas-himas niya ang kanyang baba bago nagsalita. “I’ll think it overnight on what shall we do and I will let you know tomorrow.”

IYO’Y isang gabing madali at mabilis ang pagpapasiya ni Junichi. Kahit na sinabi niya kay Francis na iisipin muna niya ay alam niya na pupuntahan at hahanapin niya si Erika sa Japan. Sinabi niya ang kanyang balak kay Francis.

“I’ll go with you,” sagot ni Francis. “The only thing that bothers me is our work?”

“We have two weeks to find and save her.”

Iyo’y isang bakasyon na dapat sana ay tumagal ng isang buwan ngunit pagkatapos ng dalawang linggo ay pabalik na sila, hindi sa Canada na kanilang pinanggalingan, kung hindi sa Japan upang hanapin, sagipin kung maari si Erika.

Natulog sila isang gabi sa isang hotel sa Tokyo. Nasindak si Francis nang malaman niya ang halaga ng isang gabi sa Tokyo. Tinangka niyang bayaran ito ng kanyang VISA card.

“Sinaway ni Junichi ang kanyang kamay. “Don’t worry. Business expense.”

“Thank You.”

Sumakay sila ng bullet train papunta sa lunsod na iyon sa Japan na pinapasukan ni Erika. Nag-book sila sa di kamahalang hotel.

IYO’Y isa sa mga hanay ng mga club sa pinakaabala, pinakamakasalanang bahagi ng lunsod na ang mga entertainer na mga babae ay nanggaling sa mga mahihirap na mga bansa sa Asya at iba pang panig ng daigdig. Narito sila sapagkat ang pagiging narito ay nangangahulugan nang karagdagang kita, na karagdagang tulong sa iniwang mag-anak. Narito sila sapagkat sa kanilang bansang iniwan ang kanilang buhay ay nangangahulugan nang patuloy na paghihirap. Narito sila sapagkat sa kabila ng mababang pagtingin ng ibang mga kababayan, ang pagiging narito ay nagbibigay nang bagong pag-asa.

Ginagaygay nila ang hilera ng mga club na pinapasukan ng mga entertainer Nangunguna si Junichi. Siya ang tagapagsalita sapagkat siya ang tunay na Hapon. Si Francis, na mukhang Hapon rin, dahil sa kanyang singkit na mga mata ay nagpapanggap lamang na isang Hapon. Tumatango siya kung may sinasabi si Junichi at ito ay tumitingin sa kanya, na sa kanilang usapan ay siyang palatandaan na siya ay tatango.

Sa bawat club na kanilang puntahan ay kasama nila sa mesa ang dalawang entertainer na Pilipina. Sa simula ay isang usapan sa wikang Hapon sapagkat ang iba sa mga entertainer na mga Pilipina ay marunong na rin ng wikang Hapon.

Hindi kikibo si Francis at siya ay makikiramdam lamang. Sa punto at bigkas ng mga salita ay pakikiramdaman ni Francis kung taga saan ang kanilang mga kasama sa mesa. Kung panatag na ang lahat ay itatanong ni Francis sa wikang Tagalog, “Saan ka sa atin?”

At ang mga babae ay manggigilalas at manlalaki ang mga mata. “Pilipino ka?”

“Ilalagay ni Francis nang patayo ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig. “PSSSTTT.” At sila ay mag-uusap nang mahina lamang.

Sa simula ay mga mahinang usapan at kumustahan tungkol sa mga buhay-buhay ngunit iyo ay magwawakas sa paghahanap kina kay Erika. “May kilala ba kayo dito na ang pangalan ay Erika?”

Sa OPTIMUM CLUB, sila ay pinalad. Saglit na nag-isip si Lulu, ang kausap ni Francis. “’Yon hong maganda.”

“Oo.”

“’Yon hong kayumanggi.”

“Oo.”

“Narito ho dati, pero wala na ho ngayon.”

“Nasaan sila?”

“Hindi ko ho alam, pero sa palagay ko ho ay nasa casa.”

“Excuse me!”

“Iyon ho ang palagay ko.”

“Bakit sila napunta roon?”

“Hindi ko ho alam, pero dalawa ho ang dahilan para mapunta ka roon. Una ho ay kung gusto mong kumita nang malaki at pangalawa ho ay kung nakursunadahan ka ng gang dito. Pero sa palagay ko ho ay kinuha siya ng gang. Kasi ho, noong narito siya at kasama namin ay mukhang hindi naman siya ganoong babae at hindi siya gagawa ng ganoon.”

“E, kung ayaw nila ay bakit sila napunta roon”

“Kasi nga ho pag nakursunadahan ka ng gang na iyon ay puwede ka nilang dalhin doon ng puwersahan.”

“Halimbawa?”

“Halimbawa ho ay p’wede ka nilang i-drug at dalhin doon ng puwersahan. Pag naroon ka na ay puwede ka nilang bantayan, kaya hindi ka makatatakas. At saka ho pilit nilang kukunin ang passport mo para kung makatakas ka man ay hindi ka naman makauuwi.”

“Alam mo ba kung saang casa.”

“Hindi ho ako sigurado. Pero subukan ninyo ang lugar na ito.”

Sa liwanag ng kulimlim na ilaw ay binuksan ni Lulu ang kanyang handbag at kinuha ang isang talaan. Kumuha siya nang kapirasong papel at doon ay itinala ang pangalan at lugar na inaakala niya ay maaring kakikitaan kay Erika.

“Salamat,” sabi ni Francis.

“Wala hong anuman.”

Tiniklop nang maliit ni Francis ang papel at upang masigurong hindi iyon mawawala ay inilagay niya iyon sa isang lihim na taguan sa kanyang pitaka.

Maaga pa. Bata pa ang gabi. Ayaw naman ni Francis na umuwi kaagad at lumabas na tila pinagsamantalahan nila ang ka-partner nila ng gabing iyon.

“Ituring mo na rin na kunwari ay customer na Hapon mo ako sa gabing ito,” sabi ni Francis.

Natawa ang kapareha ni Francis. “Mushi, Mushi,” palokong sabi nito.

“Mushi, Mushi,” palokong ring sabi ni Francis.

At sila ay kapuwa natawa.

Ginawa nila ang karaniwang ginagawa ng isang entertainer na Pilipina at isang parukyanong Hapon. Nagsayaw sila. Uminom sila. Nagkuwentuhan sila.

Mas nagustuhan ni Francis na sila ay magkuwentuhan na lamang. “Masarap bang customer ang Hapon,” tanong ni Francis.

“Para rin hong mga Pilipino. May magalang. May bastos. May mabait. May walanghiya. May mabaho. May mabango. May kuripot. May galante.”

“Kung pamimiliin ka ay sino ang mas gusto mong customer.”

“Pilipino ho, siempre.”

“Bakit?”

“Dahil nga ho Pilipino ako. S’yempre ho, mas komportable kami doon sa kalahi namin. At saka mas galante ang Pilipino. Noong nasa Pilipinas ako, pag nakatiempo ako ng galanteng customer, tabo-tabo ako.”

“Bakit? Trabaho mo rin ba ito sa atin.”

“Oho.”

“Saan?”

Sinabi ni Lulu kung saan siya nagtatrabaho sa Pilipinas.

“E, kung mas maganda ang kita mo roon, e bakit ka umalis pa sa ‘tin.”

“E, dahil nga ho sa image na pag nasa abroad ka, e mas maganda ang kita mo at mas maganda ang magiging buhay ng pamilya mo.”

“Totoo ba ‘yon?”

“Totoo rin ho. Ang advantage namin dito ay steady ang kita namin. Suwelduhan kami. May customer ka man o wala, e pareho ang kita namin. Hindi kagaya sa atin na umaasa lang kami sa ladies drink at sa tip ng customer namin.”

Gabi na. Malalim na ang gabi. Uwian na. Hindi na kinuha ni Francis ang mga impormasyon tungkol kay Lulu. Ayaw na rin niya itong gawin. Baka maawa siya dito at mahulog ang kanyang loob ay magkaroon na naman siya nang panibagong problema. Pinayuhan na lamang niya ito tulad ng pagpapayo ng isang ama sa isang aalis, makikipagsapalarang anak na babae, “Mag-ingat ka.”

“Opo.”

Nagtaksi sila pauwi. Sa hotel na kanilang tinutuluyan ay ipinagtapat ni Francis kay Junichi ang kanyang mga nalalaman. Ipinakita niya ang papel na sinulatan ni Lulu.

Umiling si Junichi, “That place is very bad.”

“So, what do you think?”

“Regardless, we will go there.”