Balita

‘sa totoo lang’ – tanda nyo si Pres. Quezon?

Hello, dear readers.

Sworn in na our new President and Vice President on the last day of June.  Medyo asiwa ang marami kong mga kapitbahay dito sa Bgy. Kaunlaran- bad start daw yata. Isnab isnabin naman ni Pres. Noy si Vice Binay, e. Nagtampo naman itong isa- ayaw na daw nyang makasali sa pinagpipiliang magiging myembro ng kabinete kasi halata nyang itsa pwera sya sa magiging official family ng bagong president. Pati naman ang pagka ayaw nya sa AFP Chief of Staff (si Bangit po) at sa Supreme Court chief na si Mr. Corona ay masyadong publicized. Sana naman daw, inayos na lang nila nang walang masyadong alingasngas…yun naayon naman sa batas kasi hindi na nga maganda ang pagmi midnight appointment ni Madam G e bakit ba naman lalo pang papapangitin ito ng isang hayagang retaliation? Ano po sa palagay ninyo maski kayo ay pagkalayu layo dito sa bayang Pilipinas ngayon?

Maalingasngas ang mganababalitang choices for the cabinet. Mukhang ang pamantayan ay – nakatulong ba sya or sila sa kampanya ni P- noy? Yun lang?

Di ba natandaan ng mga P- noys ang most famous words ni Pres. Manuel Quezon of the 1935 Commonwealth administration? ‘ My loyalty to my party ends where my loyalty to my country begins.’

Aba naman, hindi daw yata katanggap- tanggap yan! You mean to say may mga vested interest din ang mga tumulong to make Noy President? Ngek, paano na kaya yan? The nation expects capable people to steer the nation into a better life. Syempre, gusto nila matitindi ang qualifications, lalo na ang track record. Kaya yata nagtaasan ang marming kilay noong i- float around ang pangalan ni Boy Abunda as Tourism Secretary. Paglilinaw lang ha? Maganda ang educational attainment ni Boy. Maganda rin ang performance insofar as marketing his ideas and stars are concerned. Di kaya sya mabibigyan ng chance? After all, malaking marketing challenge ang pag sell ng tourism in the country. Bahala na nga magdecide ang P- noy administration dyan.

Meantine, everyone seems to be awaiting how P- noy will perform in the next 100 days. Totoo kayang mahahabol ang mga gumawa ng anomaly during the Arroyo administration? Parang apprehensive ang marami sa dami dami na ng anomalous people in government who remain scot- free. Yung isa naming nadidinig- dinig namin elsewhere makes many poor people happy- nun daw may nagsuggest na dagdagan ang VAT para medyo bumaba ang budget deficit na napakalaki na pamana ni Madam G, e ayaw daw yata ni P- noy. Salamat naman- buntunghininga naming mga poor. Instead, hahabulin na daw lamang nina super P- no yang mga walanghiyang di nagbabayad o nagbabayad man ay kulang- kulang naman na mga taxes.

Take note, maganda naman ang program ng Local Government Department which conducts workshops, trainings and seminars to new Congress/ Senate and local  elected officials. Maganda at mukhang very welcome naman dun sa mga ngwaging politicos including a number of showbiz personalities. Good move- hindi sila magmumukhang mga tanga pagpasok nila sa kanilang pinasok because they would know what they are expected to deliver to the people who voted them into the position. We should expect a more knowledgeable and performing officials soon…sana. It’s about time paligayahin naman natin ang Filipino people.

Pagkalipas ng national election, heto naman at mangungunsumi na naman ang Comelec for the barangay elections scheduled in October this year. Take note, friends, matindi rin ang labu labo dito. May nagpapatayan, nag aaway away,factions, at kung anu ano pa. Pangit kasi,nasisira ang samahan ng magkakapitbahay. Minsan irreparable na. Kung dating iniiosnab isnab ang mga position ng barangay- from chairwan to kagawad even to barangay tanods, aba inaasam asam at minimithi mithi yan ng marami. May K na rin, ika nga.

That’s about all for today.

Thanks dear readers!

Greetings to Henry and Rosie Reveche, formerly of Channel 4. They are now among you in Toronto.

Exit mobile version