The Philippines ranked number 1 as the most disaster- prone country of the world for the year 2010. NGEK! Parang hindi magandang claim to fame yan- sa dami kasi ng bagyo at baha, mani- festations of el nino and la nina, lindol, and threats of volcano eruptions in the country, ayan, naging topnotcher tayo. Ang solusyon diyan ay dasal lamang kasi natural calamities ang mga iyan, e.
Sana lang, hindi naman mapili ang Pilipinas na maging topnotcher sa ibang mga man- made or controllable things tulad ng…paglipol sa mga mediamen (hmm, teka, Tenny Soriano, nakuha na rin ba natin ang award na ito? Isoli mo, isoli mo!)…most corrupt government (nagpacontest sana sila nito nung panahon nung isang president baka wagi or first runner- up tayo. Ehe, buti na lang walang pacontest na ganun) …or country with the most number of declared holidays (kaya inis ang negosyante. Luki negosyo!).
Sa MetroManila these days,madalas- dalas nang dumalaw ang ulan at malakas na hangin. Bagyo days are here again and many are learning from past lessons-nagpi- prepare na po ang lahat. Pati mga local governments, naka standby na sa harapan city halls at munisipyo ang mga gamit pang rescue- rubber boats, sagwan, mga pala at asarol, etc etc. Dapat lang, di po ba, I develop na ang expertisena iyan dahil tulad ng nasabi ko kanina, nangyayari at nangyayari ang mga pagbagyong iyan. Hmmm,pati bossing ng Pag- asa Weather Bureau pinalitan kasi yata mali- mali naman ang weather prediction nya kay typhoon Basyang- una hindi dadaan sa Metro tapos dun din pala babagsak ang bagsik ng lola typhoon na ito.Caught offguard tuloy ang lahat- natunganga. Pssst, pero teka, meron din namumuong intriga diyan. Nagpa presscon ang head ng Science department matapos maibandera ang malungkot na mukha at comments ng pinatalsik na si Dir. Nilo na nagsasabing ‘tumupad naman sya sa mga tungkuling ginampanan nya’. Gaya ng nasabi ko sa isang presscon a few days ago, ni- reveal ng new DOST head na ikinabagsak ni Nilo ang pagpo propose ng isang Php1.8billion broadband project for Pag- asa modernization. Sa laki ng pondo, matagal din daw ang ipaghihintay ng Weather Bureau to complete such modernization. Ang kailangan daw ay ang pagbibigay ng accurate weather forecast NOW. Isa pang claim ng bagong pamunuan- below par daw ang performance ng sinibak ng Pag- asa head- ganun? E bakit naman sabi ni Nilo ‘outstanding’ ang nagets nyang latest employee evaluation and rating? Ayun ang mga dagdag pang istorya. Hmmmm, me dagdag pa kayo dito sa litany against Dir. Nilo in the coming days? Nang dahil sa bagyo…
In fairness naman, as always, tingnan nyo lang sa mga photo ops ng mga flood victims,wide smiles pa rin ang mga Pinoy-nakakahanap pa rin ng ikangingiti nila samantalang inanod- anod na ang kanilang mga gamit sa bahay due to ragings floods at sila ngayo’y tenant ng mga evacuation camps sa plaza or basketball court. Ganyan nga, ingiti na lamang pero hwag kalilimutang banatan bukas ang mga walanghiyang megawa ng pagbaha- yung mga local officials who connived with contractors for substandard flood control constructions, yung mga illegal loggers, yung mga nagtatapon ng basura sa kung saan, nagtatayo ng squatter houses sa ibabaw ng estero, ilog at iba pang daluyan ng tubig. Hay naku, andami nila.
Teka, delikado si P- noy sa flooding. A, siguro, he really wants to feel the pulse tulad noong he braved traffic without the wangwang. Kasi, lumipat na ng bahay si P- noy. He now resides in Bahay Pangarap inside Malacanang grounds. Nakapagitan ang River Pasig sa Bahay na ito at ang Malacanang Palace.Pag nagkataon at dumating ang torrential rains, malamang umapaw ang River Pasig at umabot sa Bahay Pangarap at mga karatig- hala, tunay nyang mararanasan ang mabaha(maybe minus sumalo ng nagliparang bubungan- siguro naman, yung PSG na ang hahabol doon). Makikita natin si P- noy na naka korto (puruntong na yata ang tawag dun ngayon) at dragon slippers(crocs na ba?) coming out of the Bahay and wading through the floods to observe what is happening. He will then sigh ‘ eto pala ang dinaranas ng ordinaryong Pinoy pag me baha.’.
This President ha, sa totoo lang, nagugustuhan na ng marami-very down to earth sya. Parang kabarangay lang kung umasta. Heto namang kapitbahay ko, inis when P- noy commented ‘Eto na ang kulungan’ ko, referring to his move to Bahay Pangarap. Sa dami daw ng walang bahay among Filipinos, bakit sasabihin nya yun? Swerte nga daw nya, ganda ng bahay nya, libre pa.
Ku, napaka KJ mo, sabi ko na lang kay neighbor. Stop putting wrong meanings to things that P- noy utters. Para bang hinahanapan ng kasamaang ugali si P- noy. Unfair naman yun, di ba. My own interpretation to that comment is, ‘kulungan’ kasi he will not be as free as before kasi monitored na mabuti ang bawat segundo ng every movement nya. Aba, even if I am not a celebrity, tyak ko, mahirap yon. Paano if meron date with the presidential GF, or pag nagyaya si Joshua or Baby James mamasyal sa mall, or kung type nya lang pumunta somewhere na ayaw nyang ipaalam kahit kanino? Everyone, thank your stars that you are not celebrities. You can still enjoy life.
Till our next issue my friends! I promise to email my article early enough para di mabakante ang aking column. Many thanks!