Balita

‘sa totoo lang’ – ang pinoy na si binay

Proclaimed na proclaimed na! President- elect at Vice President- elect of the Philippine Republic respectively na sina Noynoy Aquino at Jesus Jose Maria aka Jojo Binay. Eight days after the Board of Canvassers, composed of members of the Philippine Congress went to work, the two top officials of the land were officially proclaimed amidst shouts and chants of joy from a full- packed gallery of wellwishers.                                                                                                                                     Diskumpyado ang marami na mangyayari ito sa ganito kabilis na panahon because of the way canvassing started- cantankerous is the word sa actuations ng marami sa mga pinagpipitaganang members of Congress-many aired their doubts about the pcos machines, many claimed dinaya sila via these machines. May malalaking anomalyas pa rin daw….nang magdaan ang ilang araw, sa tindi siguro ng pagkabwisit ng publiko who was at the time gigil na gigil na sa inaantay na proklamasyon, nakaramdam na rin ng konti ang mga canvassers as they announced that the canvassing procedure is not a venue to air grievances and that there is a proper office and forum where these can officially be heard and attended to. Hayun, kaya napabilis ang canvass na natuloy sa proclamation. Salamat po, Lord!                                                    Alam na alam na natin ang background ni Pres.- elect Noy. Sikat kasi- illustrious parents, sikat na sis Kris, 3 pang mababait na sisters, GF na si Shalani Soledad, etc.                                                              Dito kay Jojo Binay ako napa fascinate sa mga panahong ito. Bakit kaya nalaglag ang konting luha ko nang makita ko syang ipinoproclaim…naaliw sa dami ng immediate family (labing- isa daw) na kapiling nya nang itaas ang kanyang mga kamay nina Sen Johnny at Speaker Nograles… napapalakpak din sa mas matunog at mas mainit na cheering ng kanyang mga kasangga sa gallery audience… at tuwang tuwa habang tinitingnan ko syang naglalakad sa loob ng Session Hall, tinatanggap ang mga congratulations at bumabati sa lahat. Bakit nga ba?                                                                                                        Napaluha ba ako dahil ako’y sadyang pusong- pinay na malapit sa ‘underdogs’ na umangat sa tagumpay dahil sa pagtitiis, pagsisikap, at pagiging mababa ang loob? Nag- iisa daw anak itong si Binay ng kanyang mga magulang (Batanguenyong ama at taga Isabelang ina) at maagang naulila sa ina, pinapag- aral ng tiyuhin kapalit ang pagtulung- tulong sa bahay, talagang nagsikap para mapabuti ang buhay.Which explains yata why magpahanggang ngayon daw ay magkakasama pa rin sa iisang bahay ang mga Binays including those married children and their offspring. Yung kawalan nya ng maraming ka- family and friends during his childhood ay binabawi at nais nyang maranasan nang todo sa paligid ng asawa, mga anak/ manugang at mga apo. Kita nyo ba yung isa nyang medyo magdadalaginding na magandang apong babae during the proclamation- hala, tili sa saya ang bata, nanalo ang lolo at ngayon ay Vice President na. Those few minutes seen by the nation of the Binays  witnessing Jojo’s proclamation spoke a thousand words about the warmth and closeness of this Pinoy na Pinoy family.                                                      The lustful cheering in the Congress gallery was a sight to behold. Masaya sila para kay Jejomar Cabauatan Binay (para sa mga sosyal, baka sabihin pa nila na medyo sounding- may pagkamababang- uri ang mga apelyidong ito di tulad ng de alta- sosyedad na Araneta- Roxas- sa tunog pa lang, high class na!) But many believe that therein lay the magic of Jojo during the last elections. Rated a poor 3rd at the begin- ning of the surveys, he became THE DARK HORSE in the race…and claimed final victory, nosing out the complacent candidate Roxas who was crowd favorite in the early days. Who would have thought that this diminutive (hindi liliputian, ha?) man could accomplish such a feat?                                              Binay will be acknowledged in Philippine history as the first local official directly catapulted into being a top national official of the land. Bakit nga ba daw umariba nang husto itong si Binay sa final leg ng kampanya?  Maraming haka- haka:                                                                                                            Ang di raw alam ng marami, puspusang pinaghandaan ito ng VP- elect sa loob ng maraming taon. As in the past, namuhunan sya ng panahon, pagsisikap, and true dedication sa kanyang pinangarap na pwesto. He pursued his goal but was very low- key. Kabaligtaran naman daw ito ng style ng natalong si Sen. Villar na laman ng dyaryo araw araw mula nang magpahiwatig ng kanyang interes sa presidency. Una, malakas ang hatak ng kanyang affiliations- maraming sisterhood agreements ang ginawa ng city of Makati with other cities within the nation. Dito,naghahatag ng mga tulong (computers, trainings, scholarships, financial, etc) ang Makati sa iba pang mga local government units na nangangailangan. His solid friendship with at least 78 city mayors ay nakatulong din especially in Metromanila where the Aquino- Binay team generally won. Then there was his affiliations with the Boy Scouts of the Philippines and his fratmates,  the APos. Belated man daw, nakatulong nang malaki ang endorsement ni Chit Escudero kay Binay during the last few weeks of the campaign. Dito kasi naka create ng bandwagon effect especially dun sa mga undecided. Na rub- off din daw sa kanya ang popular appeal ni Erap. Isinama na rin siya ng napakalaking bilang ng masang ito sa kanilang di- mapawing pagmamahal magpahanggang ngayon kay Joseph ‘Erap’ Estrada.                                                                                                        Tahimik but very effective din naman ang ginawa ng mga nagpasulong ng NoyBi partnership- ito ang sa sapantaha ng marami ang nagpahina sa Noy- Mar team. Pano ba naman, marami daw mula mismo sa kampo nila Noy ang  nasa likod nito. Ilan dito ang Noy Aquino for President Movement led by Ed Roces. Si Ed po ang anak ni Chino Roces, dating nagmamay- ari ng dyaryong Manil Times na sya rin namang nagtagumpay sa pagkumbinsi kay Cory Aquino upang kumandidatong pangulo laban kay Marcos nung araw. There was also the Yellow Force led by Bubut and Mikee (first cousin ni Noy) Jaworski, Ang Ladlad- kalupunan ng mga Gay sa Pilipinas,  People’s Patriotic Movement, and the Council for Philippine Affairs (whose stalwarts are composed of Boy Saycon, Peping (Noy’s uncle) and Tingting Cojuangco, and Boy and Maria (Noy’s cousin) Montelibano.) Hwag nyo pa ring isnabin ang efforts of many other private individuals who gave of themselves for the NoyBi victory. Isa dito si Robin Padilla, the actor who admitted on tv that he volunteered  to campaign for the team, shelling out money from his own pocket to campaign for the team in Mindanao.                                                                                                     Finally, palagay ko, dapat din nating tukuyin ang ating new breed of voters- ke matandang di gaanong nakatapak s eskwela o batang edukado sila. Nag- iisip na ang botanteng Pinoy. Wala na rin ang parti- partido- sa totoo lang, pare- pareho lang sila except maybe the Communist Party of the Philippines dahil wala naman halos pagkakaiba ang ideolohiya nila. Tau- tao na ang hinuhusgahan- kung sya ba ay karapat dapat naman sa posisyong kanyang pinagambisyunan.                                                                                 Si Binay ay may track record na 8 terms ng pagiging alkalde ng Makati. Kita naman ang progreso ng kanyang lunsod pati na rin ang serbisyong naiparating nya lalo na sa mga mahirap na mamamayan. May kahinaan din sya at inamin nya ito nung minsan sa isang interview- a marital transgression which he said, he regretted and apologized for.                                                                                                              Binay comes out as very human and very Pinoy. This very ordinary- looking, low- key man has now set our kababayan’s hopes high. Syempre, gusto naming lahat maging mala- Makati ang ating bayan!              Disclaimer lang po- I am not with the PR team of Binay. Nagustuhan ko lang ang kanyang accomplishments at ang kanyang ordinary na dating. Di na natin kasi kailangan ngayon ng mapormang ‘alang laman ang utak at madadang wala namang pagmamahal sa kababayan.                                         Till next issue, Po! Thanks!

 

 

Exit mobile version