Balita

‘sa totoo lang’ – ‘Intellectual comatose’- malalim ba?

Ito ang aking dinanas may mga ilang araw na kaya nga heto at inihahabol ang aking article to meet Ms. Tess’ deadline. Ilang oras na lang kasi at di na nya tatanggapin ang isasubmit kong artikulo for March 1 to 16 issue. Hiya syempre ako sa kanya dahil niluhuran ko pa mismo sa email ang pagbibigay nya sa akin ng espasyo sa BALITA. Aba, at sasayangin ko lang? nononono!!!!! I compute mo kaya ang halaga ng espasyong allotted sa aking column? Hiya din naman ako sa dear readers dahil naipaabot naman ng ilan sa inyo dyan ang pagkatuwa nyo sa mga kabaduyang istorya ko.,,pamparelax ba…pampangiti ng kaunti…at may konting natutunan kahit paano.

Ito po ay isang di naman kaseryosong karamdaman na dinaranas ng maraming writers sa maraming pagkakataon. Symptoms: ang pagkatulala at hirap magpasimula sa pagtipa sa keyboard ng computer o tiklado ng makinilya( oy, pangmuseum ka na) ; ang pagkabobo dahil, sa milyones na mga salita sa diksyunaryo. wala tayong mapiling salita na kung saan mapasisimulan natin ang ating ratsada para sa ating column; ang pagwawarde- kung saan saan at nalilimutan tuloy natin kung saan natin naipatong ang ballpen, lighter, sigarilyo, tasa ng kape, at mga small notes na ating inipon for 2 weeks at intensyong isama as part of the column.( in short, tuliro).

Di na kailangang magpadoktor- at di rin ito covered sa medical insurance.

OK ang self- medication- kaya may makikita kayo sa press club na nagte therapy sa ilang boteng beer, o naglalaro ng computer games na pambagets ( kahit na tumapak na sila sa pagkasenior citizen)..or namamalakaya sa web sa paghahanap ng mga sexy (di na bale, mga misis dyan, picture lang naman, e). All these, pang relax ng utak, kuno!

Bata o matanda mang manunulat ay sinasapian din nito kaya, no worries, makababalik naman sa normal…tulad ngayon…sa ayaw o gusto ko, kailangan nang mag normal…sukat na!

Disappointed ang marami dito sa bansang sinilangan dahil walang ‘arrive’

ang People Power Day today. Absent is GMA( dami daw appointments), si VP de Castro, iskyerda na after the flag- raising ceremonies sa EDSA monument( dami din daw appoint

ments) at imbyernadora si ex- President Tabako- di daw pinarangalan ng kaukulang respeto ang okasyon.

Oo nga naman. Di man ako naging bahagi ng now immortalized pictures and images of

EDSA 1, naisip ko na such an earth- shaking event should have been accorded a little more attention and pomp.

I was one of those carry- overs from the Marcos regime sa Channel 4 and I remember always being assigned, year after year, as producer- director at the Camps Aguinaldo/EDSA points of the celebrations. Kabongga naman talaga- whole day ang mga flag raising, reenactments( ang classic jump ni Gen. Ramos at ang pagdating ng ATOM headed by Butch Aquino sa EDSA) , speeches at kung anu ano pa, culminating with street dancing till the wee hours of the next morning. Closed to traffic ang EDSA from Kamuning to White Plains.

Weeks ahead ang preparations for the production with Maria Montelibano (ang kinatatakutang head ng RTVM (radio-tv ng palasyo) na punung puno ng alinlangan sa aming mga taga Channel 4 till the end of her tenure, lalo na sa akin, kay Rosa Quincena- Admin ng Ch 4 at walking encyclopedia ng Civil Service Code of the Philippines at marami pang iba) at the helm at tahasang nakataas- kilay sa amin (na parang kami na ang pinakatanga sa daigdig ng media na lagi nyang binabansagang ‘loyalists’) to make sure that we towed the line (yung mga isinet nya na mga guidelines, op kors) and stuck to the way she ‘operated’. Oppps, parang mapait bang ala- ala? Hindi na po ngayon. Lahat ng pagkasuklam ay inalis ko na sa aking sistema- trabaho lang naman ang lahat, walang personalan.

O. e di mabalik tayo to the present- Sabi ni M’aam days earlier, di na raw type ng other nations ang ganitong uri ng pagpapalit ng gobyerno.

Pakialam ba nila!

Ayaw na ayaw ko ring nagagalit si former President Tabako kasi labs ko yan. As the month of July approached each year, hinahanap na ako ni Gen. San Andres at noon ay Capt Cris Maralit to conceptualize about the PC- INP special program. Kasi, nagpapahanda na si General Ramos ng tv/ radio show for the anniversary (August)- ipinatatawag ang mga regional commanders nationwide at pinauupo sa set at binibigyan ng speaking lines.

He would be very specific about the concept .

Gusto nya ay tunay na panonoorin at pakikinggan ng balana.

‘Sir, sino gusto mong imbitahin na host?, tanong ko.

‘Si Tina Monzon, try mo invite,’ sabi naman nya.

At matandain din siya- years after, when he became President of the Republic naman and I would be assigned to cover him in Malacanang or elsewhere, aba, pag nagtama ang mga mata naming ay kumikindat at naka smile pa! Once, within hearing distance of my boss Ramy Diez(venerable institution of Philippine television, also one of the country’s most exciting racecar drivers in his time alongside Pocholo Ramirez) and the Cabinet, sasabihin pa nya,’ Nori, I still have your note with me’. O, di ba? Parang close kame! Naloka is Boss Ramy, aba, ang hamak na empleyada ko, nakikichika kay Mr. President!( Sa totoo lang, yung note na yun e ipinaabot ko sa kanya when I was directing a show where he was a guest and people were speculating whether he would be running for the Presidency. I volunteered to lend my full support to his candidacy- taga produce, taga direct, utusan, etc.).

Inuulit ko, ayokong napapagalit is SteadyEddie, isa sa mga bida ng EDSA 1. Hmmmm, one of these days, I will gather the strength to write a memoir of my very colorful career in media. 35 years long and hopefully 35 more years! Truly, napakamakulay nito!

Naku, asan na ba tayo sa kwentuhang ito? Ramblings of an old woman na ito, a. Matatamis, mapapait, nakatutuwang mga ala- ala sa propesyong aking minamahal

nang higit pa sa kahit sinong naging romantic interest (marami sila at di nila ako ma- take sa aking pagiging ‘kakaiba’!) ko.

So, ano ba ang naiisip ko about EDSA 1?

Bukas at dilat ang aking mga mata.

I saw history in the making as I went through my work in media all these years.

I was doubly privileged as I had personal knowledge about the personages who were key

People in many important events.

EDSA 1 was an event that made many big changes sa ating lupang sinilangan.

Tunay, it restored our democratic institutions.

Very noble pati ang intension ng Bagong Demokrasya.

Nagdala ito ng maraming pagbabago- may maganda, may hindi rin kagandahan.

Pero sa aking pag obserba lang (take note, hindi ito judgment, ha? Hindi ako judge.

writer ako), talagang ang human factor lagi ang nakagagawa ng kaibhan sa mga sistemang pinaiiral. Sa madaling salita, kanya kanyang diskarte sila. Sinu ang naging tama, sino ang nagkamali- Da Apo Marcos, si Tita Cory, si President Eddie, si President Erap, and what about PGMA?

Surely, kahit naman siguro katiting na kabutihan para sa ating mga taumbayan ay may nagawa din ang bawat isa sa kanila. Sa pangkalahatan kaya? Sino kaya ang tagumpay o palpak?

Mr. Soriano and Mr. Abelgas, pakisalo nyo nga please ang sagot dito….

Ang mga aral natin sa buhay sa artikulong ito…

Hwag tayong masyadong matayog, ha? May anecdote dito sa atin, patungkol sa langaw na nakatapak sa likod ng kalabaw at inakala nito na mas mataas na sya sa kalabaw. Hmmmm, matalinghaga talaga. Basta, hwag tayong ganoon;

Tanggapin natin na wala namang taong likas na masama- yung sagad sa buto ba.

Kahit paano, may kabutihan ding nakasiksik sa kalamnan nyan, kahit tinga- tinga lang. And let us acknowledge. ‘Salamat po’- ano naman ang masama sa pagsabi nun, aber?

Pagpugayan natin kung deserving.

Tantanan natin ang pagba- brand sa mga tao- sa sociology class ko sa UP nung araw, tawag nila dito ay stereotyping. Loyalists- tawag sa aming nagtrabaho sa gobyerno ni Marcos. Haru,josko! Di pa ako nakasali sa any ‘marcos pa rin’ rally! Ka paranoid naman nila noon talaga.

Kaya nga gumawa ng kanta ang Apo Hiking- ‘Magkaisa’, intindi nyo ba? pangit yung may culture of hatred or pagmamaliit ( tulad na rin ng kinaiinisan nating pag iisip ng

ibang may kakitirang tao diyan sa banda ninyo na kapag Pinoy, akala nila DH lahat. Inggit siguro!

Till next issue!

Pls.email your questions or comments, dear readers- mediastrat@gmail.com

Exit mobile version