At nagpakasenti na nga itong mga kapitbahay ko nang malaman na ako’y nakikisulat sa
Dyaryo BALITA.
Si Joy, bunso namin ay naglagalag din nang ilang panahon diyan mismo sa Toronto dalaga pa siya about 20 years ago yata. Naalala pa raw nya ang mga friends na sina Jude and Aida Villarosa ng Goodwill store ( my sister and I kasi are volunteers for Goodwill
Philippines). Joy stayed in the home of our friend Estella Pett, Pinay din from Scarborough.
Isa pang nagpakasenti was my brother-in law, Nick who went Toronto- way as an immigrant pero nagbalik din back home dahil, in his mother’s words, ‘nalumbay’ for
his wife (who is my sister) and their daughter who were left behind. Malalim silang managalog because they are from San Cristobal in San Pablo, lalawigan ng Laguna. Naiwan diyan ang kanyang parents at kapatid na si Luisito (hi, bro, nag- aantay ng padala mo si Budha) who is now living with wife Ruby (an Ilocano from Nueva Ecija) and kids
in their own home in Scarborough. Their Ate Levenie who migrated years ahead of them is married (Levenie Anwar) and lives in Ontario street. Nick remembers the Pearl of the Orient Association where he was voted sergeant- at arms (malaking mama kasi ito), fun weekends in the park where pinoys go potluck and have lunch together, making tambay in downtown Eaton Mall, looking for saluyot in the Pilipino Store, and Chinatown in Spadina, and friends Jun Velasco,mang Popong, Medy Cataring, and Ligaya Velasco.
Very fond naman ang memories nila of Canada, medyo nanghinayang sa mga Canadian dollars na sana ay naipon, but otherwise happy now with their children and a small business that they run.
Isa na kasi ang Canada sa pinakapaboritong country to migrate to ng mga Pinoy, e. Don sa nabasa ko, 1930 pa lamang daw ay may mga Pinoy na diyan. Ang pinaka official record ng mga Pinoy naman ay naitala noong 1950 nang sampung health workers mula USA ay nagdecide mamalagi dito.
Naibalita sa akin na hanggang ngayon ay meron pa ring substantial demand ang Canada for Filipino workers especially in the health sector. Syempre, yung mga umaamuy- amoy ng mapapasukan abroad are very interested. Meron lang yatang konting problema sa mga stiff requirements, pero sana, makagawa ng paraan ang ating Labor Department and POEA para naman maging reachable ang mga pangarap ng ating mga kababayan. On the
other hand, syempre, hwag na hwag I- compromise ang quality control. Diyan tayo patuloy na makilala- mahusay at makapusong serbisyo, naks!
And speaking of Pinoy workers abroad, naitatanong ng ilan, why mabenta ang Pinoy
sa mga gawaing tulad ng nurse, caregivers, nannies at domestic helpers overseas. Pan chimay nga lang ba ang beauty natin?
Sa akin lang, ha, sa totoo lang, ipinagkakapuri ko itong phenomenon na ito. Bakit nga ba hindi e tayo ang preferred sa mga ganyang gawain daw. Di ko alam kung official word yan na nakuha mula sa mga scientific research and survey pero dinig ko yan palagi. Pati
si Amb. Cris Ortega ng Belgium ay ganyan din ang pananaw nung minsang makachika
ko siya sa kanyang residence sa Brussels.
Ang pagiging domestic helper, nanny at caregiver for example, pati na ang pagiging nurse are really positions of TRUST- buhay (pati na ang bahay) ng tao ang inaalagaan dito. Di pwedeng kung sino lang ang hihirangin. Natural, ang gusto ng bossing ay yung mapagtitiwalaan na di siya itutulak sa hagdan, magbubudbod ng cyanide sa kape, manlilimas ng mga kagamitan sa bahay, magsusuot ng kanyang mamahaling underwear pag wala siya at iba pang kahindik- hindik na pwedeng gawin ng isang sukab at walanghiyang trabahador.
At diyan wagi ang Pinay at Pinoy! Sa ating kultura ay natuto tayong maging NURTURING- maaruga, mapagmahal, matiyaga at mapagmalasakit, mababae man o lalaki. Matapat din tayo sa mga bossing na kadalasan ay naituturing pa nating mga magulang o nakatatandang kapatid (talk about being corporate!) Sa Pinoy, di gaanong slogan ang ‘pera- pera lang’. Laging merong ‘the extra mile’ tayong nakahandang ibigay sa humihiling nito. Malinis (at di madiwara) din tayo (makunsumo nga lang sa tubig dahil maski nagyeyelo sa labas, ligu pa rin tayo nang ligo) . Di ka ba mapa proud nyan????
Of course, we can not generalize din naman coz sometimes meron ding nalilihis- but I would like to believe these are exceptions rather than the rule.
Minsan, ako ang naging Philippine rep sa First Professionals’ Program ng CNN sa Atlanta, Georgia. 8 journalists from around the world kami. Kasali din ang isang respected journalist based in Switzerland (McMahon ang name) na lumapit pa mandin sa akin. He expressed his happiness in meeting me at sinabi niya mayroon siyang maid, Fe (Fey pa nga ang pronunciation nya at later ko lang narealize na Fe nga pala yun sa tunay na tawag) ang pangalan at labs nya at ng buong pamilya truly ito dahil she takes care of his family so well that he and his wife do not worry whenever they leave the children and their home with her when they travel. Sigurado daw sya na everything will be ok when they return with Fe seeing to it that everything is well- looked after.
Very proud ako sa aking kalahi nung oras na yun. Imagine, I was even sought out by that sikat na journalist so that he can express his pride and appreciation about Fe, my kababayan. Nagkaroon tuloy ako ng ka close dun sa meeting na yun- ‘rubbing elbows with’ da sikats, ika nga. Barkada ng sikat, wow! Thanks, Fe!
Hindi naman kasi isang kahihiyan ang pagiging DH, nanny, o caregiver, e. If you wear these hats with dignity and integrity, , dapat maproud ka rin. Parehas din lang if you have come to work as a professional- engineer, IT wizard, accountant, etc.
Yun nga lang, magkaminsan, may mga medyo dyahe tayong nakikitang ginagawa ng ating mga kababayan- tulad ng matining na halakhakan pagkanagkatipun- tipon sa park, malakas na bulungan na dinig ng buong coach ng metrorail (alam mo yon, yung napapalingon at muling napapalingon ang iba pang pasahero sa kanila), at iba pang mali-
liit nga lang na bagay pero nakaka irita lalo na sa mga taong may ibang kultura at sanay sa pinung pinong kilos.
O patapos na na tayo. Mga aral sa buhay na…
Never, never abahin ang mga taong sa ating wrong perception ay itinuturing nating mababang uri dahil sa kanilang trabaho. Pag ginawa nyo yan, makikita nyo, sila ang siswertehin at kayo’y makakarma! Tulad na lang nitong kamag- anak namin sa California. True story po. Si Uncle Blas Torres ay 2 times napamanahan ng kanyang mga
pumanaw na mga bossing dahil sa kanyang dedikasyon at katapatan. Siya ay family
driver ng mayamang pamilya doon. Hwag apihin ang kamag- anak ko dahil sya ngayon ang itinatanghal naming pinakama asenso sa mga myembro ng aming tribu na nagmigrate sa USA! Yun anak nya na nagtatrabaho sa McDo, ipinapark ang Cadillac sa malayo sa store sa malaking kahihiyan na andami ng pera ng tatay nya!;
Ipagkapuri natin ang ating lahi sa anumang gawain natin- meaning, hwag nang gagawa ng malo kasi tunay na di mabuti iyon at isa pa ay…damay kami! Lakas pa naman ng hiya ng Pinoy…Buong lipi natin mula kay Lapu- lapu ay maaaglahi, maawa naman kayo!;
Lakasan ang pang- amoy. Kung saan may anda, sugod, mga kapatid! Hwag masyadong mapili sa trabaho. Lalo na ngayong tagilid ang ekonomiya, kailangan maagap tayo sa mga oportunidad. Expect more Pinoys going to Canada and trying their luck there. May karapatan ang lahat lumigaya(at maka-pagpadala ng Canadian dollar)…here’s hoping they can hack it there.
Yun naming mga kababayang may kakayahan, panahon at inklinasyon, advise naman natin ang mga bagong salta o medyo may katigasan ang ulo diyan. Baka kasi may mga taga dyan pa ang naniniwalang ang Pinoy ay nakatira sa mga puno (oy please lang, ha, ikorek na ‘yan. Pakabit sila ng internet) gabayan sila sa tanggap na pagkilos at pakikipagkomunikasyon jan sa inyong bahagi ng daigdig. Para di naman sila namumukod- tangi sa di wastong pagkilos (sa English, ang idiomatic nito ay ‘sticks like a sore thumb’)
Yung mga bagong salta- aralin nating mag adjust. Wala namang masama doon. Syempre,
May kaibahan ang lifestyle sa Canada kumpara dito sa atin. Hwag mo lang limutin ang
Mabubuting kaugaliang magagawa mo kung saan ka man. Hwag malungkot- pasyal ka sa
Filipino store at mamili ng bagoong, balut, at pulboron.
My deepest appreciation to ladyboss Tess and colleague Tenny Soriano for their kindness and support… longtime friend and colleague Myrna Soriano for her ecstatic overseas call made immediately after reading my first contribution in balita (wow, nakarating na ako sa Canada via internet!) …kay kapitbahay na kolumnista at makatang si roger dur. Sta. Mina…and the kind readers who now include my column as part of their bimonthly reading fare( para yatang akong tatanggap ng award sa Oscars!) Congratulations and best wishes to former Toronto residents Dina Sagun, my niece and her partner Santy who will be tying the knot in Red deer, Alberta in June, this year…Till next issue, my friends!