Balita

Sa Paskong darating, Merry Christmas parin!

Alahoy! Alahoy! Sa Paskong darating,
Kahit puro daing walang bumibitiw!
Matapos bagyuhin! Matapos bahain!
Merry Christmas parin, batian sa natin!
***
Pinakama – emo, sa buong mundo,
E, tayo raw Pinoy! Ewan ko, ewan nyo?
Anumang damdamin, nilalantad kuno!
Nakababang – labi? Anung emo ito?
***
Segunda masaya, tao sa Canada!
Tila itong Denmark, ang siyang primera!
Sa ganang amin, ala nang more fun pa,
Kundi dun sa atin! Hoy, tumango kaaa!
***
Grupo sa Square One, kanya – kanyang hirit!
Sa Scarborough Town, sa Parliament Street!
Sa Jameson Avenue, ining mga oldis,
Pag – uwi sa atin paksang chitchiritchit!
***
Nepu, me gusto sa atin mag – Pasko!
Nagdadalwang – isip, tutuloy ba, o, ano?
Ipamamasahe higit isang libo!
Me nagkunot – noo! Sinapo ang ulo!
***
“Tiis, dito na lang!” – singhal ni Cabuyao,
Ang auto – mechanic, na puede ang utang.
Pamasahe anya, ipadala na lang,
Higit matutuwa , kaanak na tikang!
***
Aso ni San Roque! Tutok, telesere!
Maging sa GMA! Cajucom TFC!
Nakakaumay man ang ibang story,
Kahit hawig – hawig, e kawiliwili!
***
Mikay! Princess and I, aming paborito!
Yandong – Yandong kami, kay Katryn Bernardo!
Ang istorya nire, ala – Mars Ravelo!
Sa mga direktor e saludo kamu!

***
Inda, Princess and I, magkaron ng sequel,
Sana isa kami dun sa mga writers!
Komiks Writer kami noon po sa atin,
Sabay kong sumulat si Direk Makiling.
***
San Pedro Calungsod! San Lorenzo Ruiz!
Ale – aleluya! Dalwa na ating Saints!
Santa raw e kelan? Hindi ngalang street!
At lalo nang hindi, aba nyong columnist!

Exit mobile version