Balita

Sa Pabrika Ng Patis

Mare at pare, ate at kuya, kaibigan: Ilang mahimbing na tulog pa at lilipas na ang buwan ng Forever, ng sinumpaang walang hanggang pagmamahalan at pagsasamahan. 

Remember mo pa ba this timeless death defying line? “O, Pag-ibig na makapangyarihan, kapag ika’y pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Love will always be what it was and is. This was true before 1838 when Filipino literary icon Francisco Balagtas wrote Aladin’s love song to Flerida in his famous work “Florante at Laura.” It remains true today.

Siya! Klaro naman si Kiko, ‘di ba? Tigilan na ang hugot na aakyatin ang pinakamataas na bundok, susungkitin ang lahat ng bituin, lalanguyin ang pinakamalawak na dagat, etc. etc.; but if it rains, cancelled ang date.

*****

Wait lang, taympers. Tanong ni Mang Mariano na nakasalampak sa sofa: “Lumilipas ba ang forever?”

Mariing tugon ng asawang Aling Charing na naghihiwa ng karne: “Till death do us part.” 

*****

I know what you did on Valentine’s Day.

Of course, there was that moonlit patio, the table for two, the ambiance of candlelight, the mellowness of slow jazz, the bouquet of roses, the box of chocolates and the dinner fit for Cupid’s choice couple.

Moments were seized; memories, created.

Aftershocks continue to this day: “May overtime ba sa pabrika ng patis?”

Nandiyan din ang “Kumain ka na ba? Masarap ang kulam mo ngayon.”

*****

Pagpasensiyahan na muna kung medyo humaging lamang o sadyang sumablay ang palaso ni Kupido. Hindi siya si Robin Hood o William Tell. 

Tatlong nangalumbabang young once replied to my query “Hinihintay niyo ba ang inyong irog?”

Mang Damian: “Hindi. Hinihintay ko ang Pasko.”

Nanay Saling: “Hindi rin. Hinihintay ko ang pension ko.”

Impong Hugo: “Naghihintay ako ng mauutangan.” Bull’s eye!

*****

At payo ni Tandang Gusting sa mga only the lonely nitong Valentine’s Day because of time and distance, huwag nang malungkot at ikaw lang ang kanyang mahal na laging laman ng puso niya at isipan.

Peks man, cross my heart, mapatid man ang baging ni Tarzan.

*****

Wari ko’y nabasa mo rin ang mnemonic na “Thirty days hath September, April, June, and November. All the rest have 31, Except for February, which got the short stick because it’s cold and no one likes it.”

Dati rati’y wala sa kalendaryong Romano na bumibilang lang ng ten months (March to December), idinagdag ito at ang Enero later on.

February became the last month of the year. Kulelat, ika nga, dahil wala itong katorya-torya – kasagsagan ng winter season – sa agrikultura ng empire.

Later, itinakda ang Enero at Pebrero na una’t ikalawang buwan, respectively, sa kalendaryo, na sinundan ng Marso, etc. etc.

Nagkaroon pa ng pagkakataon na ang Pebrero ay ginawang panahon ng mga Roman rituals honouring the dead, malamig at matigas tulad ng mga pananim sa winter season.

Hay, naku! Para sa mas malawak na kaalaman tungkol sa Pebrero at kung bakit dalawampu’t walong tulog at gising ito, pag-aralan ninyo ang Calendar of Romulus na ginamit simula pa ng 8th century at ang mga latest date sets ng Julian at Gregorian calendars.

Kung puwede lang naman, tanungin na rin ninyo sina Emperador Numa Pompilius at Julius Caesar.

Not included sa usapin si Emperador Fundador at ang Emperador Brandy na koleksiyon ni Kuya Miguel.

*****

Namumukod tangi ang buwan ng Pebrero. Ito lamang ang month na may 28 days. Well, minsan 29 days kung may talon.

Huwag naman itong husgahan na panahon ng kamalasan o ng kulang-kulang, na pawang pangungutya lamang at walang katotohanan. 

Bagkus, dapat pang pasalamatan ang Pebrero. Sa paglipas nito, Marso na! Obvious ba? 

In fairness, pinadadali niya ang taglamig ng dalawa o tatlong beauty rests. Heater at blanket, go, go, go!

Sino ba ang ayaw magwakas kaagad ang layering at bundle up, ang nakasusuyang slush at masakit na dulas?

Maski tumambling pa ang mga walang malay na dagang kosta na mistulang inistorbo sa kanilang hibernation para lamang inguso ang kani-kanilang anino, nalalapit na ang Marso at sampung romantic full moon pa ay it’s beginning to look a lot like Christmas.

Para sa mga regular employees, basta’t buo ang suweldo sa beinte-ocho ng Pebrero, ayos na ang buto-buto.

Subalit ayon sa mga arawan at pakyawan, it does not matter; sa kaning lamig, nakakaraos din naman.

Commercially, big push sa mga flower shops, diners and restos, sinehan at iba pang pugad ng mga love birds ang Love Month ng Pebrero.

Take advantage na, siyempre, sa one and only buwan na may Valentine’s Day.

No comment si Mang Mariano. Aling Charing’s adobong atay at balun-balunan is one of a kind.

Kung si lodi Lebron ay itinuturing na GOAT, si Mang Mariano naman ay may gout.

Do I hear any reply sa tanong:  “May overtime ba sa pabrika ng patis?”

*****

Kuya fumbles, gathers, swings, shoots, scores. Amazing!

Ingkong hit the jackpot. Amusing!

*****

Libre ang mangarap sa duyang yakap ng mga bituin at bulalakaw

Ingat sa shooting star, To Whom It May Concern ang balang ligaw

Mauntog man at magising, iwasan ang kumapit sa patalim

Gulong ng palad: Pumaibabaw nga ngunit ulap ay makulimlim.

*****

Nahulog ang platera ng prutas. Alahoy! Mabuti na lang, plastik. 

Insiang is busy looking for sibuyas alternates and cheaper food items. Alahoy! Nasaan na si bunso?

Matapang ba kamo sa dalawa? Alahoy! Iwasang mamangka sa dalawang ilog.

Libre bed and food, may guard pa. Alahoy! Laya at rehas, dili parehas.

Nakayayamot na ang Huweteng Times. Alahoy! Magbasa sa mga klinika’t ospital.

Alas! “Alahoy!” is colloquially used as a sarcastic teasing expression of exasperating carelessness and fatuity.

On the brighter side, “Alahoy!” may sound like an antidote to wipe out some degree of doltishness and to desperately put some common sense in a messed up cranium that zombies will never even care to dig in. 

*****

By the way, in my search for a deeper and more profound understanding of what the Filipino expression “Alahoy!” meant, I came across quite interesting information.

Sorry. It’s not about trees being cut in parks. Neither is it about using green zones to erect homes nor does it concern a sickening health care system. Mas lalong hindi ito tungkol sa mga tangkeng pagugulungin sa digmaan. Hay naku! Talagang mas mahal si bunso at kung nakita na siya, well and good.

Yes. It is about a name – Alahoy. I really do not know its origins or if it is a first or last name.

More than just a handle, Alahoy extols love and human virtues.  

Information platform meaningslike.com says Alahoy is a person full of love, whose beautiful emotions create harmony and balance between himself and others. His creativity impresses playful elegance and safety among family and friends. Giving and sharing joy to the world (ain’t that a Christmas carol?) is one of his greatest gifts.

Further, success and endurance describe the name Alahoy best. So do reliable and responsible.

Alahoy is a person who would never give up on anything.

Just asking: Is there a conspiracy between the Rabbits and Alahoy? 

So, what’s in a name? I won’t mind being called Alahoy.

*****

Sandali lang! Teka! W8! Bagamat nagdaan na ang Kapaskuhan at ang Valentine’s Day, mainit pa ring pinag-uusapan ang bibingka.

TasteAtlas, an encyclopedia of over 10,000 traditional food and drinks, has recently rated bibingka bilang ika-16 of the “50 Best Rated Cakes in the World” ngayong 2023.

“Bibingka is believed to have foreign culinary influence. The first written reference describing a similar cake dates back to 1751,” said TasteAtlas, which gave it a rating of 4.4 out of five. 

Ayon kay James Relativo ng Philippine Star, hindi lang sa panlasang Pinoy swak ang bibingka. World class ang ating local pastry, na siyang madalas ipares sa mainit na kape o tsokolate.

Ka-partner ng puto bumbong, bibingka o rice cake is a staple Filipino Yuletide delicacy prepared with milk, eggs, coconut milk, sugar, and butter.

Ang gamit na mga palayok at dahon ng saging sa paghahanda ng bibingka ang nagbibigay dito sa kilala nitong “smoky” flavour, dagdag pa ni Relativo.

Marami nang variations ang bibingka ngayon. Parang pizza, ito ay nilalagyan ng iba’t ibang toppings tulad ng grated cheese, melted butter at itlog na maalat kaya’t lalong sumasarap ang bibingka.

Nasa menu na rin ito ng mga kainan throughout the Philippine archipelago. Available 24/7 din.

Para naman sa mga DIY enthusiasts, may bibingka mix sa grocery.  

Wait, what?!!! Did TasteAtlas rate bibingka numero trese in 2022?

Basta, masarap pa rin ang bibingka, walang kokontra!

Ano? May overtime ba sa pabrika ng patis?

*****

Eat well and sleep well. Be blessed, healthy and safe. Hanggang sa muli, kaibigan. #####

Exit mobile version