Reminder to victims

By | January 31, 2021

by Mary Ellinelle Villareal Parreno 

Sa mga CANADIAN CITIZEN, ano ang pakiramdam na ang nanloko sa iyo ay UNDOCUMENTED pala sa Canada. I realize na ang mga taong walang status ang siya pang may makapal na mukha mag assure sa pamilya ng mga citizen na for 20 to 40 years na kaya nilang papuntahin dito ang mga kamag-anak na gusto nilang tulungan na makapunta rito.

In the first place, undocumented ka at hindi mo nga maayos-ayos ang papeles mo, paano mo matulungan ang mga taong pinapangakuan mong pumunta rito in exchange of a large sum of money? Me-Ari ka ba ng Citizenship and Immigration Canada?

Ay bongga.. pakinggan niyo lang ang explanation ni Madam/CEO kung paano niya mabigyan ng SUPPLY ng worker ang mga farms sa Canada. Tingnan natin kung umabot ito sa kinauukulan kung hindi maka-resign sa trabaho niya ang sinasabi niyo na BFF niyo na CIC minister. Really?

Kelan Kaya ma-relocate ang buong PILIPINAS rito para maging farm worker?

High school graduate ka sa Pinas? Yes.. Pwede kang mushroom picker..

Engineer, architect ka sa Pinas?.. yes..Pwede kang farm worker..

May MBA at PhD ka, yes.. Pwede kang farm worker..

Hayun, nagsibayad ang mga TANGANG LOYALISTA. At naghihintay ng halos apat hanggang limang taon.. saan kayo ngayon kung hindi kayo pinag TOURIST ni Madam CEO/PRESIDENT?

Saan na ang mga TOURIST noon? Saan na Sila ngayon?

Unfortunately, UNDOCUMENTED na Po ang halos 99% sa kanila.

Pakiusap ko lang sa inyo, gamitin ang UTAK and do the right thing. Mag research kayo sa tamang paraan sa pagpunta ng Canada bago magbayad ng malaki. 

I do not want to emphasize this Pero kailangan na.

Kapag walang alam sa immigration system ang isang tao, mapagkakamalan nilang “WORK PERMIT” ang LMIA.

Basta may LMIA, it does not matter kung PEKE O TOTOO. Basta may LMIA kang Nakita. Hahahahaha..

KABOBOHAN!

Iyong claim mo na may PAPEL ka, post mo Kaya sa Fb para magkaalaman na. At para mapuntahan natin ang mga abogado o immigration consultant na nag process ng mga undocumented na papel dito sa Canada lalo na iyong mga nandito na ng 10

Years o 13 years at ang bukambibig, may papel siya.

Nandoon lahat ang pangalan niyo sa umiikot na pekeng LMIA na ang sabi naman ng Service Canada ay cancelled na.

Pero ang katotohanan, may nakuha na kayong pera kapalit ng PEKE NA LMIA. Ang role ng mga tarantado na ito ay gagawin ang lahat para mapaniwala ang mga NALOKO na totoo nga ito kahit NA VERIFY na sa Service Canada at sinabi ngang cancelled ito.

Ganito na ba ka GAHAMAN at SAKIM ang mga ENGKANTONG ito sa ENCHANTED VILLAGE?*****