Q. Magandang magandang gabi po Attorney. Follower nyo po ako sa youtube naka subscribed po ako doon at lagi ko po sinusubaybayan ang videos nyo Hihingi po sana ako ng tulong Atty.
Bumili po ako ng 200sqm. na lupa mula sa dalawa sa mga anak ng tagapagmana bali 5 po silang magkakapatid. Tax Declaration lang po ang meron sila pero sabi nila ready for title na daw po.Nagkasundo po kami sa terms and conditions na siya na bahala sa mga papers para magkaroon ako ng sarili kong Tax Dec. Kailangan ko lang daw pong pasukatan yung lupa sa halagang P20k. At hindi pa sya nasusukatan pero nagawa na po ng deed of sale.
Ngayun po naibigay ko na po yung kabuuang halaga sa lupa bali sukat nalang kailangan ko .Ang iniisip ko lang po eh hinihingian ko po sila ng partition ng mana ng magkakapatid upang malaman ko kung saang parte o portion ng lupa ang ibenenta sa akin pero wala silang maibigay. Saka at nag alangan po ako nung sinabi nyang pwedeng gawan ng titulo sa pangalan ko kahit walang settlement of estate at isa pa po sinabi nya po na iparehistro sa ibang bayan ang lupang nabili at huwag daw mismo dito sa lugar ng lupang binili ko dahil mas mura daw doon
at ipa transfer na lang daw po. Kaya sabi ko po nag alangan ako. Pero sabi ng seller di ko na daw po pwede bawiin dahil may kasulatan na .
Sana po matulungan nyo ako Attorney..kasi po ilang taon ko pong pinag ipunan yung pera ko para majapagsimula natatakot po ako na mabaliwala ang lahat ng hirap at sakripisyo ko.
2
ANS: Kung talagang ang nagawa na ninyo ang deed of sale ay notaryado, at sarado na ito, valid lang ito, to the extent ng shares or parte ng mana ng dawalang magkakapatid na nagbenta sa inyo.
Unless may proof or evidence na niloko ka at labag sa terms and condition ang ginawa ng mga 2 sellers na magkakapatid sa inyong usapan sa bilihan at ito ay in writing, maaring kang mag file ng petition sa korte for rescission and nulity of the Deed of Sale or contract na inyong napagkasunduan at mabawi ang perang nagastos at naibayad mo sa dalawang magkakapatid.
Habang di pa naayos ang inyong gusot sa bilihan, ay mag file ka ng adverse Claim sa lupa, doon sa office ng Assessor’s office at sa Register of Deeds, in case of titled land, upang ma-rehistro ang inyong claim doon sa lupa, at kung sino man ang bibili nito ay magkaroon ng babala sa claim mo ng pag mamay-ari o interest ng nasabing lupa dahil sa ilalim ng batas, ikaw ay maituturing na co-owner doon sa portion ng kabuuang lupa ng pagmamay-ari na mana ng limang (5) magkakapaitid. Makipag ugnayan ka sa lawyer mo upang makagawa ng mga kaukulang dokomento tungkol sa nasabing usapin.
Kindly note na habang ang mga limang(5) magkakapatid ay wala pang Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of partition, ang titulo or Tax Declaration nito ng kabuuang lupa ay hindi mailipat sa ibang tao. Bukod pa rito, dapat ding mabayaran muna ang Estate Tax, Documentary stamp tax, penalty at interest charges, magkaroon ng Certificate Authorizing Registration(CAR) mula BIR. Dagdag pa rito ay dapat magkaroon ng physical partition ng bawat mana na lote ang magkakapatid, at dito mo malalaman kung saang parte ng lote ang ibinenta sa iyo. At ang nasabing partition ay naisagawa ng licensed surveyor upang makagawa ng subdivision and lot plans with approved technical descriptions na galing sa LMB-DENR. Lastly, huwag kang maniwala sa sabi-sabi ng dalawang magkakapatid na sellers na maaring ipa-rehistro mo or magawan ng titulo sa pangalan mo ang lupang sa ibang lugar at hindi sa lugar kung nasaang bayan naroon ng lupa na nabili mo. KALUKUHAN YAN.
Ang jurisdiction ng Assessor’s office, Register of deeds(RD) at ang korte sa inyong usapin ay sa lugar kung saan located ung lupa na nabili mo at hindi or wala sa ibang lugar.
Xxxx xxx
Learning is empowerment. For more information of legal concerns, follo
w the Batas Pinoy Global in the YouTube.com Batas Pinoy Channel and kindly subscribed and share the videos to your friends, colleagues ,relatives and family, as the matters discussed in the Batas Pinoy channel may be of relevance in addressing certain legal issues of interest of our kababayans.
3
Disclaimer: Batas Pinoy Global Community(BPGC). Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.
Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy Global Community(BPGC) are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as viewed by BPGC.
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com .
WARNING: This communication is intended for use by the individual(s) to whom it is specifically addressed and should not be read by, or delivered to, any other person. Such communication may contain privileged or confidential information. If you have received this communication in error, please notify the sender and delete this e-mail message immediately. Thank you for your cooperation. * * *