Balita

PROBLEMA SA HATIAN NG LUPA AT MANA

 

  1. Good day po Atty. Nais ko lang po malaman kung ano po dapat kong gawin tungkol sa lupang binibenta ng lolo ko sa akin at sa pamangkin niya na nakapangalan pa sa lola ng lolo ko. Ang lolo ko ay may apat na kapatid po. Ang lupang namana nila sa kabuuan ay 635 sq m na hahatiin sa lima. Ibibenta naman din po ng apat niya pang kapatid ang kani kanilang share.

 

Naguguluhan po ako ano ang proseso nito para  malinis at sigurado ang pagbili ko nito. Dalawa kaming buyer at hati kami (635/2=317). Una po, nasa lola ng lolo ko ang name ng titulo ng lupang yan. Paano po ba ang paghati namin ng tita ko nito? Gusto ko po kanya- kanya kami ng titulo. Each 317 sq m kami. Ano po dapat na mga hakbang para maitransfer po sa pangalan ko ang lupang mabibili ko.

 

Ang sa pagbayad naman po, gusto ng lolo ko bigyan ko siya ng partial na 5k,kung magbibigay po ako pwede na po ba gawan ng contract to sell ang lupa? At sakaling mag partial din yung pamangkin ng lolo ko, gagawa din po ba siya ng bukod na contract to sell?

 

Baka po kase pag-isahin niya lang ang mga papel na ipapangalan niya sa kanya(tita ko). Eh paano naman po ako?

 

Sa kabuuan po Atty. , nais ko pong humingi ng step by step na proseso ano mga dapat kong gawin hanggang sa mai-transfer namin ang titulo sa kanya-kanyang pangalan. Sana po ay makatanggap po ako ng reply sa inyo para po ma-review ko ng paulit-ulit ang mga dapat kong gawin.  Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, J T.

 

SAGOT:  Ang una ninyong gawin ay ipasurvey at i-pasubdivide ang loting namana ng iyong lolo sa dalawang loto @ 317 sq.m.  per lot. Ang mag survey ay dapat licensed surveyor or Geodetic Engineer, with approved technical descriptions at area ng bawat lote by the Land Registration Authority(LRA) through the local Register of Deeds kung saan naka registered and nasabing lupa. 

 

Dahil and nasabing lupa ay minana mula pa sa lola ng lolo ninyo, dapat lahat silang limang (5) magkakapatid ay mag pagawa ng isang Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition ng lupa sa dalawang lote ayon na rin sa approved subdivision plan na ginawa ng Geodetic Engineer.

 

Kailangang abogado ang gagawa ng nasabing dokomento kung saan silang magkakapatid ay lalagda bilang mga tagapagmana at co-owners ng nasabing lupa. At basi doon sa Deed of Partition ng dalawang lote, at kung kanino man na napunta sa limang magkakapatid ang bawat lote, lalagda silang lahat ng  Deed of Sale or Contract to Sell, dependi sa terms and conditions(Cash o Hulugan) ng bilihan ng nagbinta at bummili. Ang mangyayari sa nasabing bilihan, silang limang magkakapatid ay ibibenta nila ang mga shares or interest nila doon sa  dalawang lote sa iyo at sa tita mo. Para maging enforceable ang bilihan, dapat ang mga Deed of Sale or Contract to Sell, ay notaryado .

 

Dapat malaman ninyo rin na ang pagsalin ng lupa mula sa lola doon sa mga tagapagmana, ay may kaakibat na bayaring buwis tulad ng ESTATE TAX, dipendi sa value ng lupa(Zonal or Market value) ng lupa ang basihan ng Estate Tax, at mga penalty, sur-charges at interest per annum na rin ito, lalo pat di nabayaran agad ang nasabing buwis. Bukod pa rito, may babayaran ding capital gains tax, documentary stamp tax, transfer tax/fees, bago maparehistro at macancel ang lumang titulo at maisalin ang titulo ng lupa mula  sa pangalan ng namatay na may-ari, at sa mga panagalan ng nakabili at bagong may-ari ng dalawang lote. 

 

As mentioned earlier, ipasurvey at i-pasubdivide ang loting namana ng iyong lolo sa dalawang loto @ 317 sq.m.  per lot. Ang mag survey ay dapat licensed surveyor or Geodetic Engineer, with approved technical descriptions at area ng bawat lote by the Land Registration Authority(LRA) through the local Register of Deeds kung saan naka registered and nasabing lupa. 

 

Dahil and nasabing lupa ay minana mula pa sa lola ng lolo ninyo, dapat lahat silang limang (5) magkakapatid ay mag pagawa ng isang Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition ng lupa sa dalawang lote ayon na rin sa approved subdivision plan na ginawa ng Geodetic Engineer.

 

Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy Global Community”(BPGC), welcomes you in this program.

 

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner  is for the purpose of providing information only. It is not intended as  practice of law or legal services.  Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer.  Such circumstances or  understanding of the facts as conveyed to the writer  by the sender may not actually  reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and  as understood by the writer.

 

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner  is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for  legal advice as regards to the information obtained in this column.

 

* *  *   

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query  either in English or Pilipino in plain, concise and orderly  presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments  to: attyrw@gmail.com  .                      

                                                                

Exit mobile version