Alahoy! Halahoy! Sa prexy at bise!
Yuh! Congrats! Mabuhay! Wow! Sa inyo, Noy – B!
Bayan e nagbunyi! Hangad natin kase
Iring pagbabago e siyang mangyari!
* * *
Sa bagong president, umaasa ngayon —
Buhay nating Pinoy! Aangat! Aahon!
Kahit di silipin sa inyong Kristal bol!
Bagong Pilipinas! yoNyoN! Si PNoy!
* * *
Tamaaa! Ayon ni Kris, at ibang kapatid!
Dating ng Sisters Act, taganang di plastik!
Sila e tutulong, agad nasa isip,
E, pagtsa – charity priority ni Kris!
* * *
Pakidagdag mo, Kris sa iyong listahan,
Dalwa sa marami na Bahay Ampunan,
Doon sa Las Pinas, tulong naghihintay!
Pastor Casimiro, inyo pong abangan!
* * *
Mula sa Howard Street, hanggang sa Square One!
Mula sa Parliament, hanggang Scarborough Town!
Maging sa Casino at mga Bingguhan!
E, eleksyon pa rin, ang hirit at hataw!
* * *
Nanalo, natalo! Kanya – kanyang manok!
Merong tuwang – tuwa! Me naghihimutok!
Me nanggagalaiti! Mata namimilog!
Meroong tahimik, sya palang umutot!
* * *
Aming mekaniko, na si Sonny Cuevas!
Oil change daw e libre! Ewan ko ang tune up!
Porke kanyang manok! Parehong lumabas!
Si Vilma at Boyet ! Ala eee! Botomsap!
* * *
Lawiswis kawayan! PCOS e tagumpay!
Mndarayang hangal, kamot ang bumbunan!
Pupulutin kayo doon sa Kangkungan!
Umulan! Bumagyo! Manigas kayo diyan!
* * *
ABS – CBNs, “Vote mo, Ipatrol mo!”
Okedok! Kikodok! Naging ipektibo!
Tuloy ang Pagpatrol! Pero di na boto!
Bayan ang Ipatrol! Sumbong Kodakan nyo!
* * *
New Gob ng Laguna, si “ER” Estregan!
Pamangkin ni Erap, Pagsanjaning angkan.
Papunta dun sa falls, “ER” yung cable car!
Term mo maiinstall: Cavinti – Pagsanjan?
* * *
World class! Dinarayo nitong mga tourist!
Sa dinamirami ng falls sa Philippines,
Pagsanjan bonggasyus! Kung may mas hihigit?
Yung agos pataas, ang daloy ng tubig!