Alahoy! Alahoy! Tara na Kabayan!
Na makipamyesta! Maki – SantaCruzan!
Gud! Meron kang bitbit! Mel’s ispasol! Suman!
E, kung ala naman, kase nalimutan?
* * *
Kanya – kanyang Patron! Kanya – kanyang hiling!
Tahimik na buhay ng pamilya kamtin!
Sansulok man naron! O, Mahal na Birhen…
Inyong patnubayan! Siya nawa. Amen.
* * *
Palakpak si Tembong! For Toronto’s Mayor!
Si Ms. Olivia Chow! Patok sating Pinoy!
Bagong McCallion! Chow! Long Live! Pancit Bihon!
Spadina Voters, ilan ang bilang dun?
* * *
Dun sa Mississauga, magreretiro na!
Si Hazel McCallion! Anung idad na nya?
Kung nagkukuyakoy? Ano, ne hindi pa?
Baka daw nagsawa? Dun satin ewan ba?!
* * *
Panalo si Pacquiao! Entra si Mommy D!
Mahigpit ang hawak sa kanyang rosary!
“Suri, natalo ka!” – sabi nya kay Bradley.
Ano kaya ang sey ni Cardinal Tagle?
* * *
Sta. Cruz, Laguna! Palarong Pambansa!
Si Gob Ejercito! Bravo! Me pakana!
Yung ‘Shooting – the – Rapids’ to Cavinti Falls nga!
Milbert Oliveros, sasale daw yata!
* * *
“Got To Believe!” Magic! Salute ang Kalabit!
Si Joaquin at Chichay, kapwa nagpakilig!
Kung si Lolo Isko, me Magic pa ulit?
‘Wish ko!’ Ms. Morales! Ako, magco – Script!
* * *
Anak ng Kalikoy! SuperJoy! Si PNoy!
Visit ni Obama, all smiles ang pabor!
Nabula ang bibig! Kay Barack no amor?
Di daw dito welcome! Hinihiyaw: “Go home!”
* * *
Holy Kalungkaling! Dun sa State Dinner!
Speech ni Obama, sa guests anung dating?
Si Kris ngiting – ngiti! Balikatan! Muy bien?
May di mapakale? May mukhang umasim!
* * *
Tapos ng protesta! Balik na sa pila!
Doon sa Embassy, na – apply ng Visa!
Wakanga! WapeLOO! Punta hindi Tsina?
Amerika pala! MaryaSantisima!