Balita

‘sa totoo lang’ – Pinoy summa cum laude and

Carlos Bulosan

I will not call myself a nerd( di naman ako ganun ka- square and serious at napakaderogatory ng connotation ng word na ito for me)…kahiya ding sabihing isinasali ko ang sarili ko among the intellectuals…dahil hindi talaga totoo. But, ever since childhood, I have loved reading (- hayun, dun ko isisiksisk ang sarili ko among ‘voracious’ and indiscriminate readers)- books, magazines,komiks na pinoy, newspapers even( but not textbooks, sorry to admit). Tanda ko pa noon, kahit obsolete na mga libro( Philippine Reader, edited by Camilo Osias yata was among these),ala, e, I still turned the pages and discovered many new and interesting things inside the published works. One of the authors of these was someone named Carlos Obusan who, I vaguely remember, wrote nostalgically about farm life in the Philippines. He was US- based and must have missed barrio life in Binalonan, Pangasinan so much.

As I ‘met’( through my unstoppable reading jaunts) other authors more wellknown and prolific, I forgot all about Carlos Obusan and did not remember him at all for many years.

Until a couple of weeks ago when I read about a Pinoy- American doing us proud again-

Raymond Patrick Tolentino graduated summa cum laude this year from the prestigious

Georgetown University in the US. He was also the University’s 2009 salutatorian.

Raymond finished his English degree, choosing for his final thesis, “Bulosan and Beyond: Theorizing the Filipino Body Across Time and Space.”

PROUD NA PROUD ako na parang isa siyang kamag- anakan na nagwagayway ng

Bandila ng ating lahi. Pinasikat nya tayo.

Pero nagpaka- emote ako, nangilid ang aking luha( hirap talaga ng tumatanda! Feeling senti lagi kapag nagbabalik ang mga ala ala, mapait man o masaya) nang naikwento nya ang thesis na kanyang ginawa as final requirement for him to earn his degree.

Sinabi ni Patrick na ang pagpili ng tema ng kanyang thesis ay pakiki- ayon sa layon ni Carlos Bulosan sa pagkakaroon ng muling makatotohonang pagsasalaysay ng isang bahagi ng kasaysayan ng Amerika na nawala sa mga pahina…nawaglit…nalimutan. ‘

‘Inaasahan kong matuklasan ang mga tinig na pinatahimik para natin marinig ang mga kwentong binura sa dokumento ng kasaysayan ng Amerika. Binibigyan ko ng halaga ang sidhi ng damdaming huwag tanggapin ang katahimikang nagdudulot ng kawalang- katarungan. Tinutunton ko sa mga akda ni Bulosan ang isang lugar na may kakayahang

magpalaya…mga akdang magbubukas ng mga kontradiksyon sa mga mahahalagang

kwento sa kasaysayan ng Amerika.’ (sarili ko pong translation ito mula sa mga ‘quotes’ na binitiwan ni Patrick sa ilang press interviews. Nasa ibaba ang original English snippets na nabasa ko sa website ng ating Foreign Affairs Department)

(Explaining his choice to study the work of Filipino-American writer Carlos Bulosan for his thesis, Tolentino wrote, “In keeping with Bulosan’s critical move to reclaim and retell a lost American history, I, too, hope to uncover voices that have been silenced – to render audible the exiled narratives often erased from the American historical archive.“Taking seriously the demand to refuse the silence that grants injustices impunity, I explore Bulosan’s text as a site of explosive liberatory potential, a text that uncovers the contradictions in the dominant narratives of American history,” he added.)

For it’s true, mga kababayang implanted in foreign countries, totoo na ang inyong mga eksperiensya, lalo na yung mga pioneering sa inyo dyan ay dapat maisama at maturing na malaking kabanata sa kasaysayan ng inyong bagong bansa. Kayo ay naging malaking bahagi sa pagsulong at ebolusyon ng inyong bagong bayan sa pamamagitan ng inyong mga pagpupunyagi at makabuluhang gawain. You are a big part of the history of struggle in your adopted country.

Napakaraming taon ang binilang sa gitna ng buhay ng isang Bulosan at ng summa cum laudeng si Patrick Tolentino.

Pinaiiksi iyon ngayon ng pag- asa ni Patrick at ilan pang Filipino- Americans na mabigyan ng mahalagang respeto at pagkilala ang mga pagpupunyagi ng mga unang Pinoy sa Amerika na maituring na kapantay ng ibang mga lahing tulad nila ay naglakas loob na maghanap ng mas mabuting kapalaran sa malayong bayan.

Isa sa pinakamatunog dito si Calos Bulosan, kinilalang magaling na manunulat (‘America is in the Heart’, ‘The Cry and The Dedication’, ‘The Laughter of my Father’, at iba pang maiikling kwento at tula) at pinagpugayan bilang isa sa mga nangunang intelektwal at aktibistang Fil- Am nung kanyang panahon sa Amerika.

Sa tindi ng kahirapan, ang tubong Mangusmana sa Binalonan, Pangasinan ay sumakay ng barko noong 1930s at dumaong sa Seattle, USA dala ang pag- asang makakaahon sa pagdarahop. Hindi pa nya nahulaan noon na magiging mas mahirap ang magiging buhay nya roon. Sa marami nyang pinagdaanan, dinanas nya ang pagka api na sanhi ng rascism- low- paying jobs as factory worker, farm worker (grape, asparagus, etc.plant/ harvest), piyon sa mga canneries, pati na ang pagiging dishwasher sa restaurant pero sa kalaunan, tinangkang maghanap ng katarungan para sa sarili at iba pang dumanas ng hirap sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa mga labor unions at mga gawain nito.

Itinuring siya ng marami bilang tinig ng manggagawang Asyano sa Amerika. Ang pinakakilala nyang nobela at autobiography ‘ America is in the Heart’ ay isang paglalahad ng dusang pinagdaraanan ng Pinoy noon- racial discrimination, malawakang di- makataong pagtrato, at pagyurak sa kanilang dignidad…’naisip ko na sa maraming bagay, parang isang krimen ang maging Pilipino sa California- para akong isang taong tumatakbo palayo sa isang krimeng di ko naman ginawa- at ang kasalanang ito ay ang aking pagiging isang Pilipino’- mula sa nobelang ‘America is in the Heart’

Naging napakagaling yata ni Bulosan dahil isinama ang pangalan nya sa FBI list of suspected subversives dahil sa kanyang socialist writings and other labor activities .Now that his FBI file has been unclassified(50 years later mula nang siya ay mailistang ‘questionable’. Kasama din daw sa listahang ito ang maraming sikat including Martin Luther King, John F. Kennedy and Marilyn Monroe), unti unting nalalaman sa ilang dokumentong pirmado pa mismo ni FBI Dir.J Edgar Hoover that Bulosan was considered a threat to national security. Ang file ni Bulosan ay ipinamahagi pa mandin sa US Army, Navy, Air Force, and the Central Intelligence Agency, no less! Sa loob ng 6 na taon simula 1950, siya ay under surveillance ng intelligence elements ng mga US agencies na ito. Ngunit sa kalaunan ay wala namang napatotohanan sa mga krimeng ibinintang kay Bulosan ang mga ito.

Ganunpaman, napagtagumpayan nila ang pagbibigay ng lalo pang dusa kay Bulosan- gu-tom at hikahos, sakit na TB at bronchopneumonia- dala lahat ng matinding pagmamanman sa kanya at kanyang mga ginagawa nang mga panahong iyon- natanggal sa trabaho, di na rin matanggap ng ibang pinag- applyan. He was ostracized and became a very lonely and hounded man till the end BUT, he remained fighting as he continued his literary tirades against his opressors – sumakabilang buhay siya noong Sept. 11, 1956. Ni minsan mula noong 1930 ay di na sya nakabalik pa sa Pilipinas. Di siya nagtagumpay sa pangarap na umasenso pero nagawa naman niya, sa ngalan ng maraming imigranteng banyagang nasa Amerika, ang makapukaw ng kaalaman at damdamin tungkol sa tunay na naging mapait na kalagayan ng mga ito lalo na sa larangan ng labor.

I know that many of you transplanted fellowmen have, at one time or another been victims of many forms of discrimination. Even at this very moment when the world has become one big global community, many of you still wish for a level playing field where individuals can be judged according to capability and not according to their color. You still hope for a truly and sincerely equal opportunity environment.

Maswerte kayo that today, napakarami ng mga grupong may advocacy ng para sa inyong mga karapatang pagkapantay- pantay sa oportunidad, sweldo, at iba pa sa inyong workplaces. Most importantly, kayo mismo ay nagkakalakas ng loob at may sapat na kumpiyansa sa mga sarili na magpahayag ng inyong mga tunay na damdamin nang walang takot ng reprisals at iba pang panggigipit.

Salamat, Carlos Bulosan sa mga makatotohanan mong mga isinulat. Nalalapit na rin ang pagkilala at respetong matagal nang dapat sana ay napasa iyo.

Salamat, Patrick Tolentino sa iyong pagkakaroon ng pusong Pinoy- mapagmahal, makatarungan, at nagbibigay pugay sa magagandang ehemplo ng mga kababayan. Sana, ang mga tulad mong kabataan na laki sa iyong bagong bayan ay may matutunang maganda sa iyong ginawa. I am truly more impressed with your choice of thesis material than in your being a summa cum laude. It showed that you are a Filipino who is very proud of your race!

Thanks din sa mga Fil- Ams na ganadong nagsasaliksik sa buhay at mga akda ni Carlos Bulosan- Prof. Marilyn Alquizola, Asian- American Studies, University of Colorado and spouse and colleague Lane Hirabayashi- ang mag- asawang ito rin ang sumulat ng formal petition sa pagbubukas ng FBI files ni Bulosan after 50 years…si E San Juan na isang Bulosan research authority , Emil Guillermo, a journalist who succeeds in disseminating info about Bulosan, at marami pang iba.

Nagdaos na naman tayo ng isa pang Philippine Independence day nitong katatapos na June 12. Sa buong bansa, isinabay ang malawakang pagbo volunteer sa ‘Ako Mismo’ movement, layong pakilusin ang mamamayan sa pagtatanggol para sa isang malinis na eleksyon , pamahalaan at bayan.

I link all these events to prove that it is the individual (the ordinary citizen) who has the power to chart his life( and his country’s) in the direction where security and justice pervade.

Please email me for your comments and reactions at mediastrat@gmail.com. Till next issue!

Exit mobile version