Holy Kalungkaling! Malupit na weather
Rumagasa na naman di lamang sa atin!
Maging sa Australia, La Nina hataw rin!
Taksang kababayan sa baha e victims!
* * *
Pinoy community e malaki doon!
Bahay e binaha! Abot hanggang bubung!
Sakmal ng pangamba! Bagyo parang Ondoy!
‘Bayanihan’ Tembong! Alahoy! Alahoy!
* * *
Mabuhay ang Pinoy! Itong ‘Bayanihan’
Hindi nawawala, dala kahit saan!
Ne. Kapuripuri! Nangagdadamayan!
Sang kaugaliang meron ba ikaw?
* * *
Pagpapakumbaba di rin nawawala!
Beauty Queen, Venus Raj, hanga kami, Inda!
Isang bagong bahay e nagpatayo nga!
Dating bahay – kubo, hindi pinagiba!
* * *
Dun sa bahay – kubo, si Venus, nangarap!
Mahango sa hirap, hanggang sa natupad!
Ina at kapatid kontento nang ganap!
Pasalamat nila! Major! Major! Ke God.
* * *
Sez ni Solon Reyes, miss nya ang Kalabit?
Nung Pasko at New Year, kami nga e silent!
Pero naron kami sa kaniyang concert!
Si Solon e solo! Master of the Masters!
* * *
Anak ng Kalikoy! Ngayong Bagong Taon!
Kanya – kanyang hirit! Nepu, resolusyon!
Babaguhin na raw, ang ganito, ganun!
Parang sirang plaka! CD na ngayon! Hoy!
* * *
Yung pagka – Casino, babawasan kuno,
Kase ang pang – mortgage naipapatalo!
Pag – uwi ng bahay, nagaalburuto!
Napundi ang misis! Sumama ke Pedro!
* * *
Aking Sickretary, kanyang sinasabi,
Reception aniya, e pinagbubuti!
Laging nakangiti! E, kung di ismayli?
“Dok! Secretary mo! Turuan hane?”
* * *
Sa Tindahang Pinoy, naoobserbahan,
Kung sa tindera, trabaho okey lang!
Nakataas – labi kapag nasaludar!
E, kung nakababa? Sueldo e dagdagan!