PARTIHAN NG MANA AT KARAPATAN PANGALAWANG ASAWA

By | February 14, 2014

Q. Hello Atty Wong . Ito po ay tungkol sa problema naming magkakapatid sa naiwang lupain ng aming yumaong ama.
Minana po ng aming ama ang mga lupaing ito sa kanyang mga magulang at ng mag-asawa siyang muli ay nakalagay sa titulo ang pangalan ng second wife niya.
Tama po ba yon when hindi naman conjugal property nila you. Dapat po bang naming kasuhan ang stepmother namin? Masyado po niyang na brainwashed ang aming ama na naging sunod-sunoran sa kanya.
Ni hindi kami binigyan kahit na isang kusing pag nagbebenta sila ng mga lupain ni Tatay.
Anim po kaming magkakapatid sa una. Di po ba may karapatan din po kami doon?
Marami pong salamat in advance sa mga katugunan sa probleman naming ito. Sana po huwag kayojng magsasawa sa pagtulong sa amin at ganon din po sa iba pa nating kababayan na nangangailangan ng inyong payo,.
God bless po sa inyo. Mrs. C. R.

Ans: Dear Ginang C.R. , ayon sa batas kayo bilang mga anak ng iyong yumaong ama, ay maiituring na tagapag mana niya. Hindi maliwanag sa sulat mo kung kailang muli nag-asawa ang yong yumaong ama at kung tunay at legal nga ang kanilang kasal.
Ipalagay na natin na ang pangalawang kasal ng iyong ama ay legal, kayong mga anak at ung kanyang pangalawang asawa ay maiituring ding “Compulsory heirs” ng iyong ama. At ayon sa batas, kayong mag kakapatid at ang kanyang asawa o “surviving spouse” ay pareho ng mamanahin sa mga estado ng iyong ama. Halimbawa kung halaga ng lupain at $1,0000.00. Apat kayong magkakapatid at ang asawa ng iyong ama, ang partehan ninyo ay $200.00 bawat isa. Pareho ang sharing.
At bukod pa rito kung ang inyong ama ay may naipundar na ari-arian sa kanyang pangalawang pamelya at asawa, kayong mag kakapatid ay may karapatan ding mag mana sa naiang ari-arian ng iyong ama at ng kanyang pangalawang asawa . At ang partihan dito, kung ito ay maituturing na conjugal property sa pangalawang asawa, ay ganito.
Kung ang property ay maituturing na conjugal, ang “surviving spouse” ay may karapatang ng kalahati ng mga ari-ariang ito bilang kanyang conjugal share. Ang kalahati naman, ay pag papapartihin ninyong mga anak at kasama na rito ang isang parehong parte ng bawat isa inyo kabilang na rito ang parte ng asawa . Ito ay sa kadahilan na kayo bilang anak, at ang surviving spouse ay maituturing na “Compulsory heirs” o tagapag mana ng iyong ama.
At kung mapapatunayan na ang nasabing lupain ay hindi maiituring na isang conjugal property ng pangalawang asawa sa kadahilanan na ito ay mina ng iyong ama sa kanyang mga magulang, walang mababahagi ang pangalawang asawa bilang kanyang “conjugal share”.
At dahil ang nasabing lupain ay hindi maiituring na conjugal, ang papartihin ng pangalawang asawa ay HINDI kalahati ng minanang lupain, kung hindi ang isang parte na na katumbas ng share o mana ng bawat anak, ayon na rin sa Artikulo 996 at Artikulo 995 – 1002 ng Codigo Civil ng
At ayon pa rin sa Artikulo 109 (1) ng Family Code ng Filipinas , Artikulo 148(1) ng Codigo Civil, ang mga ari-arian ng dinala, at naipundar ng isang tao bago siya nag asawa ay maituturing na isang “ Exclusive Property” nito at ito ay hindi maituturing na bahagi ng “Conjugal property “ nilang mag-asawa.
At sa kadahilang nasabi sa itaas, maari kayong mag habol sa husgado at itama ang pag kakamaling ito na ibigay ang nararapat sa iyon bilang isang tagapag mana ng iyong ama at ang pag papaparte nito ay dapat sang-ayon sa batas. Salamat sa iyong sulat at sa iyong paging bahagi ng “Global Batas Pinoy Community.”
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino for comments to: attyrw@gmail.com .