Q. Dear Atty. Wong, kumusta na po. Palagi po akong nagbabasa ng column ninyo at kaya naglakas loob akong sumulat sa inyo sa problema ko. Isa po akong disgrasyadang ina. Pinaampon ko po ang aking anak noong 6 years old na siya.
Isang kaibigan ang umampon at ang kasulatan lang namin ay isang papel na pinirmahan namin na hindi ako maghahabol. Pinagaral niya at kinupkop ang bata hanggang sa lumaki at pinapagaral niya ito.
Ang anak kong ito ay hinanap ko hanggang sa na natrace ko siya . Kaya lang di kalayunan hindi naging maganda ang aming pagtitinginan lalo na pagdating na sa pera. Palagi na lang siyang humihingi ng pera sa akin hanggang sa nagbanta pa siya na pupunta siya sa embassy or sa immigration at magdedemanda siya ng abandonment laban sa akin.
Ang anak kong ito ay 29 years old na . Ang gusto niya e bigyan ko siya ng pera buwan buwan dahil kung hindi daw e mapipilitan siya na magsumbong at magdemanda. Maliwanag na gusto lang niyang kuwartahan ako.
May maikakaso ba siya sa akin? Maapektuhan ba ako sa immigration dahil isa na akong Canadian citizen. Hindi ko siya dineclare sa aking application noong magpunta ako dito sa Canada. Ano po ba ang maaring magagawa niya na maaring ikaso sa akin ? Magkakaroon ba ako ng problema sa immigration pag nagreklamo siya.? Hindi ko naman siya kinukuha dito.
Dahil sa pagbabanta niya di maiwasan na ang bagay na ito ay aking pinoproblema. Please sa pamamagitan ng iyong column sana mabigyan mo ng linaw ang aking mga katanugan . Maraming salamat po.
Ans: Wala kang dapat ipangamba sa pananakot sa iyo. Una, kahit naba sabihin natin na hindi dumaan sa legal na processo (legal adoption) ang pagpaampon ninyo sa anak na ito, eh kung maliwanag naman sa kasunduang kasulatan na hindi kana maghahabol sa bata, ang ibig sabihin nito ang umampon sa iyong anak ang siyang umako sa inyong obligation na magbigay ng lahat ng support na kinakailangan ng bata .
At sa puntong iyon, ikaw ay nawalan ng “parental authority” sa bata at ito ay napalipat doon sa nagampon sa kanya. At dahil ikaw ay nawalan ng “parental authority”, ang obligation sa pagbigay ng supporta doon sa bata ay naiilipat doon sa umampon sa kanya.
Pangalawa, ang batang ito ay nasa tamang edad na ….29 years old na siya at may trabaho na nga at wala naman siyang kapansanan . Maliwanag lang na piniperahan ka lang niya.
Kahit maghabla siya sa iyo sa Immigration authorities wala naman itong basihan lalo nat ikaw ay ganap ng isang Canadian citizen .
Ang isang tao ay maari lang maghabla sa iyo na makaka epekto sa iyong status bilang isang citizen o immigrant kung ang iyong pagka immigrant o pag ka Canadian citizen, ay nakuha mo sa pamamagitan ng FRAUD or Misrepresentation o pamimiki ng mga documento na siyang ginamit mo upang ikaw ay naging Immigrant at Canadian citizen. Maliwanag na sa iyong pahayag, ang usapin ninyo ng “anak” mong ito ay isang “domestic” issue lamang at walang kinalaman ang iyong pag ka Canadian citizen.
Maraming salamat sa sulat mo at sana nakapag bigay ng linaw ang iyong lingkod sa iyong katayuan .
PROSPEROUS AND HAPPY NEW YEAR TO ALL!!!!