“Laws relating to family rights and duties,or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon Filipino citizens, even though living abroad.” (Article 15 Civil Code of the Philippines)
Q. Hello po!, atty.!, sana lagi po kayong nasa mabuting kalagayan. Ako po ay isang Fil-Canadian na nakatira na po dito sa Canada ng 21 years, I’m a full time house wife and a mother to 4 children. Matagal na po akong nagbabasa ng column ninyo sa Balita (Fil-Can Community Newspaper), every time na mapunta ako sa mga Filipino stores at available ang Balita Newspapers ay kumukuha ako, at isa po ang column ninyo sa inaabangan ko. May itatanong po sana ako sa inyo tungkol po sa situation ko sa side ng family ko.
Dalawa po kaming magkapatid, bunso po ako at ang Kuya ay nasa US kasama ang Nanay ko at family niya. 2010 we lost our father. So naiwan po lahat ng pamamahala ng mga ari-arian namin sa Kuya ko, money, rental properties at mga lupa.
Ang sabi ng Nanay ko ay ihinabilin daw lahat ng Tatay ko na ang Kuya ko na raw ang bahala pag nawala na siya, at nalaman ko po lately sa Nanay ko na lahat daw po ng mga properties pati mga pera ay nasa pangalan na ng Kuya ko.
Pero nangako daw po siya sa Nanay ko na maghahati daw po kami ng patas. Ang tanong ko po ay: aasa po ba ako dito sa “verval promised” ng kapatid ko or may kailangan po akong gawin na puede ko pong ipanlaban sa kanya later on, just in case po na daanin nya ako sa legalities of rights? kasi feeling ko po ay
2
wala po akong habol kung sakaling mangyayari po yon dahil wala akong pinanghahawakan. Sana po ay matulungan nyo ako, I really need your help. Maraming salamat po!, More Power and May God Bless You Always!
ANS: Salamat sa pagtangkilip mo sa Batas Pinoy sa ating Community Newspaper sa Greater area of Toronto. Para maiwasan ang iyong agam-agam, mas makakabuti na pag usapan ninyong mag pamilya, kasama na ang iyong ina) na ilagay na sa lugar ang mga ari-arian na naiwan ng inyong ama ng sang-ayon sa batas.
Una sa lahat kung maituring na conjugal property ng tatay at ina mo ang nabanggit na ari- arian, kayong tatlong surviving heirs(ina, ikaw at ang iyong kapatid) ay maituturing compulsory heirs ng estate ng tatay mo.
At ang nasabing ari-arian ay dapat paghati-hatian ninyo ng sang-ayon sa batas. Ang karapatang ito, na mag mana at kayong mga surviving heirs ay maituturing na mga co- owners ng mga naiwang properties, effective upon the death of your father.
By right of succession and operation ng batas , the corresponding owner ship ng inyong mga shares/parte ay agad nailipat sa inyo kahit sa titulo ito ay nakapangalan pa rin ng namatay sa kabila ng lahat na di-umano na ang gusto ng tatay mo na ang kapatid mo mamahala ng mga ari-ariang naiwan. Dahil ang inyong mana or “legitime” ay protektado ng batas, di pwede na mabawan at ipagkait ito mga compulsory heirs.
Tulad ng kapatid at ina mo, ikaw at ang bawat isa sa inyo bilang compulsory heir ay may karapatan na mag demand ng accounting sa lahat ng income at gastos na may kinalaman doon sa preservation at management of the estate at kung ano mang natira sa mga income na ito or kaperahan ay dapat equal sharing kayo.
Baka di nauna waan ng ina at kapatid mo na habang pinatatagal ang Settlement of Estate ng inyo ama, lumulubo ang bayaran ninyo sa gobyero sa bawat delay ng pag babayad ng ESTATE TAX, Documentary Stamp Tax at iba pang mga bayarin sang-ayon sa batas.
Ang surcharge ay nasa 25% to 50% ng Estate Tax due at Documentary Stamp tax. Ang mga ito ay may-interest din na 20% of the tax due every year! So mas makakabuti sa inyong lahat na ayusin ang mga papeles upang saganoon maiwasan ang pag lubo ang bayarin sa gobyerno. Ito ay di-biro, dahil baka pag dating ng mahabang panahon, baka mas malaki pa ang taxes due na babayaran ninyo kaysa halaga ng estate ng father ninyo.
May batas na ipinasa recently(Republic Act No.11213), otherwise known as Estate Tax Amnesty Law, kung saan binigyan ng two(2) years reckoned from June 17,2019 , ang mabayaran ang mga Estate Taxes due, ng walang mga kaakibat na sur- charges/penalties or interest. Malaking kaginhawaan ang batas na ito para sa mga di naayos at di nabayaran na mga estate taxes.
Dapat kumunsulta kayo sa inyong lawyer, at mag pagawa ng Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition, kung saan kayong lahat na mga heirs ay lalagda dito at upang sa ganoon ang bawat isa sa inyo ay magkaroon ng kanya-kanyang titulo ng lupa at magagawa ng bawat isa kung ano ang gusto nila doon sa kanilang parte or share at ito na
3
rin ang kasugutan kung paano mo mapangalagaan ang iyong karapatan bilang isa sa mga tagapag-mana.
Kung ang nasabing property ay conjugal by nature ng parents mo, 1⁄2 of kalahati nito(kasama na ang pera at mga income ng property, kung mayroon man) ay conjugal share ng inyong ina. Ang natirang kalahati, ay ang bahagi ng ESTATE pag hahatian ninyong tatlo(kapatid mo at ina mo) into three(3) equal sharing or pro-rata basis.
Kung ayaw nilang mag cooperate sa iyo, maari kang mag file ng Petition sa Korte sa Pilipinas, for Judicial Settlement of Estate with Deed of Partition. Sa prosesong ito, ang Korte na mismo ang maki-alam upang sa ganoon ang ang bawat isa sa inyo ay mabigyan ng inyong nararapat na parte or share ng inyong “legitime” ng ayon sa batas.
Para sa mga kadagdagan kaalaman pa, sundan po ninyo ang mga sari- saring legal na katanungan at mga kaalaman sa YouTube.com Batas Pinoy Channel ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag- anak ang mga paksang makakapag bigay ng dagdag at mga kaakibat na kaalaman sa usaping may kinalaman sa batas na may kinalaman sa kanilang buhay .
Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy” global community welcomes you in this program. For more legal queries, issues and concerns, follow me at the YouTube.com “Batas Pinoy” Channel.
Looking forward you’ll find the above in order and welcome to the Batas Pinoy Global Community.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * * Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .