PALUWAGAN

By | August 6, 2024

By Edwin Esteba

Isang samahan ng magkakakilala at magkakaibigan

Tinatawag itong paluwagan upang bawat isa ay matulungan

Maghuhulog ka linggo linggo o buwan buwan

Ang sasahod dinadaan sa bunutan

May mga gusto na maunang sumahod

Pero dahil may patakarang sinusunod

Hindi pwede ang palakasan dapat ikaw ay bumunot

Kung makuha mo unang numero ikaw unang sasahod

Pero meron naman nakukuha sa usapan

Lalo unang nakabunot hindi pa naman kailangan

Magpalitan sila ng number ay ok lamang

Basta silang dalawa ay nagkakaunawaan

Tiwala sa isa’t isa ang kailangan

Oras ng hulog mo ay huwag kakalimutan

Dahil lahat tayo ay nangangailangancerd

Komokolekta huwagg naman nating pahirapan

Kung ikaw ay una nang nakasahod

Paghandaanffg mo sana ang iyong ihuhulog

Sa paghuhulog we  huwag tayong tutulog tulog

Maawa naman sa susunod na sasahod

Kaya nga paluwagan na tinawag

Upang lahat tayo ay makaluwag

Sa mga kailangan ay may pangbayad

Kaya sa pasaway huwag tayong tutulad