- Attorney, magtatanong lang po ako kung paano ko po maililipat sa pangalan ng anak ko ang pinasalong bahay at lupa na nabili ng kapatid ko sa subdivision.
Hindi niya po kasi kayang hulugan kaya sabi nya ako na lang daw magpatuloy. Bale nag down lang sya ng P5,000.00 . Tapos ako na po nagpatuloy until now.
Kaya lng pangalan niya ang nakalagay sa titulo (kapatid ko)ang gusto ko mangyari habang hinuhulugan ko pa ang bahay at lupa ay mailipat ko na agad sa pangalan ng anak ko.
I’m single mom. May isang anak. Kaya gusto ko agad mailipat ang titulo sa anak ko habang hindi pa ako nagpapakasal sa boy friend ko. Paano po ang dapat kong gawin para mailipat ko na agad sa pangalan ng anak ko. Bago ako ikasal.Salamat po.
ANS: Maaring ilipat mo sa anak ang rights ng isang subdivision property sa pangalang ng anak mo sa pamamagitan ng isang Deed of Donation. At dapat tatanggapin din ng anak mo ang Donation sa pamamagitan ng Acceptance nito.Ang Acceptance ay maaring na kasaad sa the same document or Deed of Donation. Kailangan ikaw bilang Donor at ang Anak mo bilang Donee ay lalagda sa nasabing dokomento. Medyo Malabo lang ang kwento mo, dahil usually ang titulo ang bahay at lupa ay ipagkakaloob lamang sa may-ari nito kung fully paid na ang mortgage or full price nito.
Di lang maliwanag sa sulat mo kung ilang taon na ang anak mo. Kung nasa age of majority na siya , at least 18 years of age may legal capacity na siya to enter and sign legal documents such as the Deed of Acceptance. However, kung ang anak mo ay minor pa, wala siyang legal capacity to act. Maliban na lang kung may legal guardian ang anak mo, na itinalaga ng hukuman. For this purpose, kailangan magfile ng petition sa Korte kung saan hihingi ka ng court order na pinipayagan na ipapangalan sa anak mo ang lupa at bahay through the legal guardian na appointed ng Korte.
Ang minor kasi bilang transferee ng lupa at bahay ay mag kakaroon ng legal obligation or utang para mabayaran ang pagkakautang na ito. Kahit na sabihin mong binibigay mo ang nasabing property, eh kasama na rin dito ang kaakibat na pag kakautang nito. Kung kaya kinakailangan ang basbas ng Korte upang pangalagaan ang interest and kapakanan ng isang minor na edad.
Subalit pag hindi na makahintay sa inyong kasal ang mga proceso sapag lipat ng titulo ng lupa at bahay, kailangan bago ka mag pakasal ay lumgda kayo ng iyong boyfriend(future spouse) ng Pre-Nuptial agreement, kung saan nakasaad ito na lahat ng property na na-acquire mo bago ka nag asawa ay separate properties mo at di kasama sa Absolute Community Property ng mag asawa. Maari ding ilagay sa Pre-nuptial agreement na kung ano man ang mga ari-arian na ma-acquire ninyo during and after marriage, ay under the regime of a compete separation property arrangement. In this case, maiwasan ninyo ang mga unforeseen implications ng properties ng isang mag asawa, lalo na kung ang inyong marriage ay hind mag succeed.
Naway nabigyan linaw ng iyong mga katanungan ng Batas Pinoy Global Community.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .