Q. Hello po. Good afternoon! Ako po si Margie at hindi pa po kasal. Hihingi po sana ako ng advise with regards po sa kagustuhan kong papalitan ang apelyido ng seven months old ko pong anak.
Way back po, ang father po ng baby ko is may kasabayan po pala ako sa kanya na karelasyon niya din po and ako po yung nabuntis. Nung nahuli ko po ang father ng baby ko na may ganun nagdecide po ako na hiwalayan siya nung four months old pregnant pa po ako sa anak ko. Di kalaonan po, nagparamdam po yung father ng baby ko nung month of September po which is nag abot po siya sa akin ng financial na kahit papano makakatulong po pambili ng needs like damit and etc.
Pero yun po ang first na tanggap ko po na support sa kanya and last po yung, nag abot po siya ng P3,000.00 nung naglalabor po ako. Then po, apelyido niya ang dala ng anak ko po. Pumayag po ako na apelyido niya ang dadalhin ng anak ko po dahil po umaasa po ako na magkaayos po kami pero di niya po maiwan ang isa niya pong karelasyon.
Nung nagkawork na po ako, wala na po akong natatanggap na financial support and sabi ko rin po, na mas okay na rin po yun dahil nung buntis pa po ako, hindi rin po lubos ang pagtanggap ng pamilya niya sa pagbubuntis ko po at may pangyayari pang gusto pa nilang malaglag ang bata.
Ngayon po, may kinakasama po ako at malapit na po kaming magpakasal. At may kanyang kanyang buhay na rin po, gusto po sana namin palitan ang apelyido ng bata sa apelyido ko po para po pag naikasal na po ako, ililipat po namin ulit sa married surname ko po. Nagbabalak din po kaming mangibang bansa baka hanapin po kami ng immigration ng consent po sa bata dahil sa dala niya po ang apelyido ng papa niya po.
Gusto ko pong malaman ano po ang mga kailangan gawin at proseso po habang wala pa pong isang taon ang anak ko po. Nawa po maintindihan niyo po ang sitwasyon ko. Maraming Salamat!
ANS: Dahil di kayo kasal ng ama ng anak mo, matuturing ito na illegitimate child siya. Ayon sa Art.176 ng Family Code, ang isang illegitimate child ay dapat gamitin ang surname ng biological na ina nito. Ang pag gamit ng surname ng ama ng bata ay nangangahulugan lang na kinikilala ng ama na anak niya ito.
Magkaganoon pa man dahil illegitimate child ang civil status ng bata, may karapatan itong gamitin ang surname ng kanyang ina. Ang pag gamit ng surname ng ama ng bata, ay discretionary lang or optional lang na karapatan ng bata at ito ay hindi mandatory.
As repeatedly stressed in the previous column materials involving the same issues, the use of the father’s biological surname of an illegitimate child is not mandatory. Hence, “An acknowledged illegitimate child is under no compulsion to use the surname of his illegitimate father”. (Grande vs. Antonio,716 SCRA 698). The said ruling was also reiterated in the case of Grace Grande v. Patricio Antonio(G.R. No.206248, February 18,2014), wherein the Supreme Court held that the used of the surname of the biological father of an illegitimate child is discretionary or optional on the part of the child.
The legal implications of the biological father allowing his surname to be used, is limited to the fact of acknowledgement of the filiation and paternity. And having recognized the children , the latter may use his surname and the obligation to provide support on the part of the biological father is clearly established. Likewise, this acknowledgment, also vested upon the children the status of being a presumptive heir of the father and are entitled to the right of succession to the estate of the biological father in the event of his death.
Mag sadya ka office of the Civil Registrar kung saan naka rehistro ang birth of record ng anak mo. Dahlin mo ang authenticated copies of the Certificate of no marriage(CENOMAR) which will show that at the time of birth of the children, you and the biological father were not married.
Dalhin mo rin ang authenticated copy of PSA/NSO, birth certificates of your child. Authenticated copy of your birth certificate para maging reference ng Civil Registrar sa pag gamit ng surname mo.
Tungkol naman sa balak mong palitan ang surname ng anak sa surname ng partner mo ngayon pag nakasal na kayo, ito ay hindi maaring gawin sa ilalim ng batas. Ang civil status ng isang tao, na isang illegitimate child ay hindi mapapalitan sa pamamagitan ng pagpakasal ng ina doon sa ibang lalaki na hindi naman biological father ng bata. Maari lang maituring na maging legitimate ang isang illegitimate child by the process of “legitimation” kung at the time of birth of the child di na kasal ang magulang nito, at walang legal impediment sa kanilang pagpapakasal at later on ang nasabing mga magulang ay nagpakasal.
Basi sa situation mong na ikwento, ang nasabing “legitimation” sa pagpapalit ng surname ng anak mo at pagpalik ng kanyang status as legitimate child ay hindi pinpayagan ng batas, unless kayo ng partner mo, bilang mag asawa ay ma legally adopt ang bata sa pamamagitan ng basbas ng hukuman.
Naway nabigyan linaw ng iyong mga katanungan ng Batas Pinoy Global Community.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .