Q. I have a question regarding sa land title po namin, my father and my mother passed away sometime in 1975 and 2007 respectively .
Yung naka indicate po sa land title is pangalan ng mother ko married to my father, since tatlo na lng po kaming natirang magkapatid, gusto po namin na matransfer yung land title para sa aming tatlo, ano po ang mga procedure na dapat naming gawin para ma transfer na sa pangalan namin ung land title.
Thank you very much Sir in advance and hoping masagot nyo yung aking tanong… salamat po. Regards, Louie.
Ans: Ang una ninyong gawin ay makipag ugnayan sa abogado upang mag pabalangkas ng dokomento. Ang tawag nito ay “EXTRAJUDICIAL SETTLEMENT OF ESTATE “ ng inyong mga namayapang magulang.
Ang Extrajudicial Settlement ay inyong lalagdaang mag kakapatid sa harap ng notaryo publiko. Sa pamamagitan nito ay inyong pag papartihin ang lahat ng mga ari-arian ng inyong yumaong magulang. Ang partihan ay pareho-pareho kayong magkakapatid ng sharing or mana.
Maari ninyong pag tatlohin ang nabanggit na lupa at magkakaroon ang bawat isa sa inyong magkakapatid ng titulo ayon sa kanyang parte. Kung ito ay gagawin ninyo kailangan ay ipa-subdivide ung lupa at kailangan ang serbisyo ng geodetic engineer or surveyor at ipapaaproved ito sa Land Registration Authority(LRA).
Kung ayaw naman ninyong pag papartihin ang lupa, at maging buo pa rin ito, ang titulo nito ay papalitang pangalan ninyong tatlong magkakapatid bilang co-owners. Hindi na kailangan ang serbisyo ng geodetic engineer or surveyor kung wala kayong balak na pag tatlohin ang lupa.
Pag natapos na ang extrajudicial settlement, mag kakaroon pa ng legal notice na ipapapublish sa newaspaper of general circulation for three(3) weeks at pagkatapos bibigyan kayo ng kopya ng nasabing publication at affidavit of publication ng dyaryo.
At from there, makipag-ugnayan na kayo sa BIR para mag bayad Estate Tax , penalty at interest charges dahil sa hindi kaagad ninyo naasikaso at nabayaran ang kaukulang taxes. At pagkatapos nito bibigyan kayo ng BIR ng CAR, or certificate authorizing registration ng inyong Extrajudicial Settlement para sa Register of Deeds upang sa ganoon ma cancel ung lumang titulo ng lupa at bibigyan kayo ng panibagong titulo ayon sa mga pinagkasunduan ninyo sa Extrajudicial Settlement.
Good luck sa inyo ang salamat sa paging bahagi mo ng “BATAS PINOY GLOBAL COMMUNITY”.
Salamat sa pag sulat mo at iyong pagiging bahagi ng “GLOBAL PINOY BATAS COMMUNITY.”
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .