Q. Unang Tanong:
Dear atty, akoy isang seaman,bago ako umalis taon 1997 mayron akong girlfriend na ang mga magulang ay ayaw sa akin para sa kanilang anak,lingid sa aking kaalaman nabuntis at nakapanganak ang aking girlfriend nang wala akong alam at di nya nilagay ang pangalan ko sa birth certificate bilang ama (actually blanko ang sa father side),lumipas ang maraming taon nagkita kaming muli at sinabi nya sa akin ang nangyari,at dahil hiwalay ako sa asawa at syay dalaga pa rin nagkabalikan po kami.ang tanong ko po kong anong gagawin ko para mailipat ang apilyedo nang bata sa apilyedo ko.
Ang pangalawa ko pong tanong ay , magkano kaya at saan ko pwedeng e pa annul ang una kong kasal? 9 years na po kaming hiwalay sa una kong asawa at may 2 kaming anak na nasa akin nakatira, akoy taga bohol at ang una kong asawa ay taga cagayan de oro pero sa pasay city kami kinasal sa villamor airbase,simula nong nag hiwalay kami wala na kaming communication. gumagalang. G
SAGOT : Sa Unang Tanong:
Ayon sa Republic Act No.9255, ang iyong anak ay maaring gamitin ang iyong surname(family name) kahit ikaw at ang ina ng bata ay hindi kasal.
Ang maari mong gawin ay gumawa ka ng kasulatan na notaryado na naka-saad doon na kinikilala mo ang bata na iyong anak ay ikaw ay buong pusong sumasang-ayon sa pag gamit ng iyong apeledo/pangalan ng bata bilang ama nito.
Ang nasabing notaryadong documento ay dapat ma file sa local civil registrar kung saan ang bata naka rehistro upang sa ganoon ang kanyang birth certificate ay mabago at ang kaakibat na apeledo mo ay siya na ring taglay ng iyong anak.
Sagot sa Pangalawang Tanong:
Kung mag file ka ng annulment ng marriage mo, maari mo itong ifile sa Family Court sa Pilipinas sa kung saan ka naninirawan ng at least six(6) months.
Ang gastos at professional fees sa pag annul ng marriage ay depende sa mga sumusunod:
a) Gaano ba ka complicated ang kaso. Kung may issue sa mga conjugal properties. Custody ng bata at Support.
b) Kung may usapin tungkol sa properties at custody ng anak. Complikado ito .
c) At professional standing ng abogado sa Community. Kung mas kilala at sikat na abogado siyempre sikat din ang professional fees.
d) Kung ordinaryong annulment lang at walang ibang mga asunto na kaakibat nito, mga P150 to P200K more or less ang maari mong magagastos as professional and legal fees.
At kung ikaw ay nasa abroad, kailangang nasa Pilipinas ka at the time na mag file ng annulment petition sa Family Court. Pag katapos naman nito ay maarin ka ng umalis uli at babalik lang sa Pilipinas kung kinakailangan ang testimonia mo sa husgado.
Salamat sa pag sulat mo at wish you well in your endeavours .