PAGBILI NG LUPA NAKA TAX DECLARATION AT PAGPATITULO- MAY-ARI NAMATAY NA

By | May 1, 2018

Q. Have a good day po atty.. May tanong lang po ako kasi naka bili po kami ng asawa ko ng lote sa anak ng totoong may-ari nito, ung ama nia patay na dalawang taong nakalipas.

Tapos 4 silang magkakapatid at nag kakasundo sila na partihin ang lote sa apat na magkakaptid. kaya nag desisyon ung isang anak na ibenta sa amin ang lote.

Peru gusto po namin itong matitulo na pangalan na namin. kasi ung portion ng lote na binili namin ay pangalan pa sa yumaong ama nila.

Additional na katanungan atty. kasi po wala silang maipakita na titulo ng lupa only ang Tax Declarasyon lang. Okay lang po ba na ma e transfer ang lupa sa pangalan namin kung ganyan ang situation?

Thank you so much atty in advance hoping masagot niyo ang aking tanong. Salamat po. Regards, ZP

ANS: Kailangan munang magkaroon ng Settlement of Estate ng ari-arian ang mga magkakapatid bilang tagapagmana ng kanilang magulang. Sa nasabing Settlement of Estate, kung saan sila bilang mga tagapagmana silang lahat ay lalagda sa nasabing dokomento. Kung buhay pa ang kanilang ina, at ang nasabing property ay conjugal, ½ nito ay share ng ina, at ang ½ ay siya nilang pagpapartihin ng equal sharing nilang lima( Apat (4) na kapatid at ina, total 5).

Ung ½ share na conjugal ng ina ay di maaring paki-alaman ng mga magkakapatid, maliban na lang kung namatay ang kanila ina at bilang mga anak, sila ang mag mamana nito.

At kung ito ay ibibenta nila, lahat sila ay dapat lumagda doon sa deed of sale kung saan ang kanilang na parte na lote ay ibinenta sa inyo. Dapat ipa subdivide ninyo muna ang mga lote ng apat o 5 parte, para malaman dito kung kanino at saan dito ang parte na nabili ninyo.

Kung di titulado ang lupa, ma-aari din namang ibenta ito, kahit naka tax declaration lang ng mga heirs ng namatay dahil sila ay maituturing ding mga co-owners ng nasabing lupa. Ang importante, kung sino man ang nag benta sa inyo ay may lagda sa Deed of Sale. At kung di pa bayad ang Estate tax ng mga heirs, at dapat bayaran muna ito, otherwise, hindi mapapalipat ang pangalan ng tax declaration sa pangalan ninyo.

Kung wala talagang titulo ang lupa, kayo na ang mag pa titulo nito.Ito ay magagawa ninyo sa pamamagitan ng judicial titling kung saan mag file kayo ng kaukulang petition sa hukuman upang mabigyan kayo ng titulo sang ayon sa batas. Makipag unayan kayo sa inyong abogado tungkol sa usaping ito.

Naway nabigyan linaw ng iyong mga katanungan ng Batas Pinoy Global Community.

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.

* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .