Pagbenta ng Manang Lupain Tinitululan ng mga Pamangkin

By | December 16, 2019

Laws relating to family rights and duties,or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon Filipino citizens, even though living abroad.” (Article 15 Civil Code of the Philippines) 

Q. Magandang Araw Po. Magtanong tungkol sa legal na bagay kung ano ang tamang gawin. Ang tatay ko po at mga kapatid niya ay mayroong minana na lupa sa kanilang magulang. Sa titulo po o yong mother/original title po ay magulang pa nila ang nakalagay dito bilang may-ari. 

Ngunit ang Lupang ito ay naparte na po sa kanilang magkakapatid. Ang tatay ko na lang po ang nabubuhay sa magkakapatid. Last year po ay namatay ang kanyang bunsong Kapatid na walang asawa. 

Ang Lupa po ng bunsong kapatid ng tatay ko ay ibenenta ng tatay ko sa matagal na pong nangungupahan sa nasabing lupa. Ngunit ang mga pamangkin po ng tatay ko ay kumukontra dahil daw po walang karapatan ang tatay ko na ibenta ang lupa ng yumao niyang bunsong Kapatid. Ngayon po ay nagkakagulo Sila. 

Sino po ba ang may karapatan sa lupa ng bunsong kapatid ng tatay ko na walang asawa at anak. Sana po ay mabigyan niyo po ako ng kasagutan. 

Maraming Salamat Po. 

ANS: Nabanggit mo na nag karoon na ng partihan/hatian sa minanang lupa ng mga magulang ng tatay mo at mga kapatid niya. Ang ibig sabihin nito, bilang mga tagapagmana(Compulsory heirs) ng mga namatay na magulang ng tatay mo at mga kapatid niya, sila ay maituturing ng mga co-owners doon sa minana nila, to the extent ng kani-kanilang parte doon sa lupa. 

Ayon sa kwento mo, namatay na ang bunsong kapatid ng tatay mo at wala itong asawa at anak at namatay na rin ang ibang mga kapatid ng tatay mo. Kaya lang dahil may 

mga”pamangkin” kang nabanggit, ang ibig sabihin nito, ung ibang kapatid ng tatay mo na patay na rin, ay mga asawa at mga anak din at mga pamangkin ng tatay mo. 

So ang pinag tatalonan ngayon ay kung may karapatan ba ang tatay mo bilang nag- iisang surviving na kapatid na ibenta ang share ng bunsong kapatid na namatay na walang asawa at anak. 

Ayon sa ating batas lahat ng mga co-owners ay may karapatan na ibenta, paupahan or ipamigay or idisposed ang kanilang naparting or shares doon sa minanang lupa. Pero ang karapatang ito ay hindi dapat sasaklawin ng parte or share ng ibang co-owners. 

Sa kaso ng tatay mo at kung pagbabasihan natin ang batas tungkol sa usaping nabanggit, ang share or mga parte ng namatay na bunsong kapatid ng tatay mo, ay dapat hatiin hindi din at di lang sa kanya mapupunta ang parte ng namatay na bunsong kapatid. Ang mga anak ng iba pang namatay na kapatid ng tatay mo ay may karapatan ding na humalili doon sa share or parte ng namatay nilang magulang na kapatid ng tatay mo. 

Sa kabilang dako naman, ang share or parti ng mana ng bunsong kapatid, ay pag hahatian ng tatay mo at ng mga pamangkin(anak ng namatay ng ibang kapatid), ayon na rin sa Art.1005 ng Civil Code of the Philippines , ang katumbas na kalahati(1/2) lang nito ang mapupunta sa parte ng tatay mo bilang the sole and surving sibling. Yong naiwang kalahati(1/2) naman ay mapupunta sa mga pamangkin at ang parteng ito (1/2) siya namang pag hahati-hatian ng mga pamangkin divided equally or pro-rata basis sharing ayon sa nabanngit na batas. 

Para sa mga kadagdagan kaalaman pa, sundan po ninyo ang mga sari-saring katanungan at mga kaalamang legal sa YouTube Batas Pinoy Channel ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag-anak ang mga paksang makakapag bigay ng dagdag at mga kaakibat na kaalaman sa usaping 

may kinalaman sa batas ng kanilang buhay. Ishare ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag-anak na similarly situated sa inyo at sa mga usaping legal dito sa Batas Pinoy Channel , at mag “subscribed” upang makatanggap ng updates ng Batas Pinoy Channel in the future. 

For more legal queries, issues and concerns, follow me at the YouTube “Batas Pinoy” Channel. Remember to subscribed in order to receive video updates of the Batas Pinoy Channel in the future. 

Looking forward you’ll find the above in order the Batas Pinoy welcomes you to the global Community. 

Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion: 

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer. 

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column. 

* * * Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .