Eskeremengoles! Tapos ang tag – init!
E, init ng ulo di pa naaalis?
Doon po sa atin, ulan e humirit!
Sus! Bagyong si Basyang sagsag e very quick!
* * *
Hataw ni Cabuyao! Umpisa na naman,
Doon nga sa atin iring tag – ulanan!
Sabagay mainam, dahil ang Angat Dam,
Natutuyuan na! Tsk! Tikang na tikang!
* * *
Huh! Yung calamity fund e nang busisiin!
Andi labat tikang! Muntik nang sirohin?
Kung saan ginamit, atin ko pong singsing!
Ecayobabagot! Penpendeserapen!
* * *
Mula Howard Street, hanggang sa Square One!
Doon sa Parliament, maging sa St. Jamestown!
Sa Scarborough Town! Lagi nang usapan,
Tulong dun sa atin, agad umpisahan!
* * *
Pagpapador2dor, sa mga kaanak,
Wah! Taganang hirap! Me sisinghap – singhap!
Tayo na narito, anila mapalad!
Pagkain e hindi, nasala sa oras!
* * *
Anak ng Kalikoy! Yung bagyong si Ondoy!
Hwag sanang maulit, aming Panginoon.
Sana ngayon palang, kung me itutulong,
“Ipadala na, hoy!” – ang singhal ni Tembong.
* * *
Kuarta man o kahon, buhay isasalba!
“Ramdam e maigi pag nagpadala ka!”
Palagi nang sabi nina lolo’t lola.
At buhay nalawig! Ale – aleluya!
* * *
Alahoy! Alahoy! Pagbabagong P – Noy!
Manung tuluy-tuloy, hindi ningas – kugon!
“Di puro umpisa!” – ang singhal ni Tembong.
Ewan ko! Ewan nyo? Pero noon iyon?
* * *
Okedok! Kikodok! O, hayan ang WangWang!
Nagsampol si P – Noy! Ne. Nangagsunuran!
Kung totoo na nga, na pangmatagalan,
Simula na ito: Isang Bagong Bayan!
* * *
Holy Kalungkaling! Siste, merong mister,
WangWang sa sasakyan, anya e no problem!
Nakakairita! Sana maistap rin!
Bunganga ni misis! WangWang! Alang tigil!