Q. Greetings po Hello Atty. Wong ! Ang uncle ko noong malakas pa siya ay binigay niya ang kanyang pinagkakitaang apartment sa kanyang pabiritong pamangkin na pinsan ko. Kaya niya ito ipinagkaloob sa kanilang usapan na pag ang uncle ko ay tatanda na, ung pinsan ko ang mag aaruga sa kanya kasama na rito ang pag bigay ng mga kinakailangang support. Unfortunately, nakalipas ang maraming taon at humina na aking uncle at marami ng mga health issues dahil sa kanyang pagtanda at panghihina ng katawan, ay napabayaan ng pinsan ko, at kung kanino na lang sa mga kamag anak humingi ng tulong. Ung pinsan ko na ipinagkalooban ng apartment hindi nakakapag bigay ng tulong dahil ayon sa kanya may sarili na siyang pamilya na priority sa pagbibigay niya ng support. Nag sisi ang uncle kung bakit pa na-ibigay niya sa pinsan ko ang pinagkakakitaan niyang apartment at naisip niya na kunin o bawiin na lang kanyang ibinigat na paupahang apartment. Pwede ba yon?
ANS: Base sa kwento mo, at kahit nag karoon man ng written acceptance sa donation na nagawa in favor sa pinsan mong nabanggit, maaring irevoke o ipabali wala ang donation na nagawa ng uncle mo sa ilalim ng Art.764 ng Civil Code, kung ang pinsan mo bilang Donee ay hindi nag comply sa mga kondisyones na ipinagkaloob ng donor o uncle mo.Pero dapat ang pag revoke nito ay magawa ng uncle mo sa loob na apat(4) years mula ng hindi pag sunod ng pinsan mo sa kondisyong nabanggit at ang revocation ay binding sa mga heirs and assigns ng donee o pinsan mo.
Batas PINOY Global By: ATTY. ROGELIO N. WONG “Laws relating to family rights and duties,or to the status, condition and legal capacity of persons are binding upon Filipino citizens, even though living abroad.” (Article 15 Civil Code of the Philippines)
Para sa mga kadagdagan kaalaman maaring sundan po ninyo ang mga sarisaring katanungan at mga kaalamang legal sa YouTube.com Batas Pinoy Channel ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamaganak ang mga paksang makakapag bigay ng mga kaakibat na kaalaman sa usaping may kinalaman sa batas ng kanilang buhay; at upang makatanggap ng updates in the future mangyari lang na mag subscribed at like sila sa video na Batas Pinoy Channel