Balita

PAG-MAMAY-ARI AT PAG-PAPA-ALIS NG NAKATIRA

Q. Hello Po Atty. Wong, I am always reading your article and now that I have a problem I need your advice, if possible. Namatay po nuong 1981 ang mother ko at 1984 naman ang father ko na walang naiwang Will.

Dalawa po kaming babaeng magkapatid at ng nagbalikbayan ako nung 1991, e napag-alaman kong nawawala ang titulo ng parents ko at hanggang 1991 e hindi po nabayaran ang amilyar mula ng mamatay sila.

Para mai-save ko po ang lupa’t bahay e nagpunta ako sa Register of Deeds sa bayan namin at sinabi ko po ang nangyari at binayaran ko lahat ang outstanding amilyar.

Dumaan po ako sa maraming processo like publication, at iwi-naved po ng sister ko sa akin ang lahat para mamahala, kaya may extra-judicial settlement rin, BIR at ng paalis na po ako e napending ang pagpapalipat sa pangalan ko sa dahilang may kulang pa kami sa ibang babayarin like Estate and Donor’s tax daw po.

So, habang wala ako e pinatira ko muna ang pamilya ng sister ko na ang iba e anak niya at ang isa sa mga pinsan ko sa ama e nakiusap ring tumira ng walang ipang-bayad sa kanyang apartment.

At iyong 6 months na sinabi niya e naging 15 years na po na wala sila mang lang mga ibinabayad na renta or anuman sa bahay ko na nasa pangalan pa ng parents ko.

Sa una ay wala kaming problema samantalang minsan e nagkagalit-galit sila at iyong pinsan ko na nakitira e siya pa ang nagsasabi sa kapatid ko’t mga pamangkin na magsi-alis duon.

Inixplain ng kapatid ko na hindi siya ang may ari at ako at walang makakapagpa-alis sa kanilang lahat kungdi ako. Subalit ang sinasabi nitong pinsan ko e sila raw e pamangkin ng amain ko at wala raw sa pangalan ko pa ang titulo. Kaya po ipinasya kong pabayaran lahat ngayon sa sister ko ang mga outstanding pang kulang namin sa amilyar at BIR ng mapalagay ng tuluyan sa pangalan ko.

Pagka po ba nailipat na sa pangalan ko ang lahat e mapapa-alis ko po ba itong pinsan kong nakitira lang duon at nanggugulo sa buhay namin?

Kailangan ko po bang bigyan ng Power of Attorney ang sister ko para mapa-evict sila?

Ano po ang mga hakbang na dapat naming gawin? Kailangan po bang magpunta muna ang sister ko sa Baranggay nila sa lugar namin or go to a lawyer in P.I. or Sherriff kung ayaw umalis? Paki-reply po lang ang sagot at marami pong salamat sa inyo. “VV”

ANS: Hi VV narito ang mga sagot tungkol sa mga katanungan mo:

1) Kahit sa ngayon ay maari mo ng ipa-evict yong mga nakatira sa iyong property kahit na ang titulo nito ay nasa pangalan pa ng iyong magulang. Sapat na ikaw bilang tagapagmana ay maituring na may-ari na ng nasabing property. Bagkus pa na sang-ayon sa iyo na nakapag-execute na kayo ng extrajudicial settlement of the estate, na ayon sa iyo ay na-ewaived na ng kapatid mo ang ari-ariang na ito para sa iyo.

2) Ang pinaka-mainam mong gawin ay mag-execute ka ng Special Power of Attorney(SPA) na pinapahintulutan mo ang iyong kapatid na siyang kumakatawan sa iyo upang paa-lisin ang sino mang nakatira sa iyong sa nasabing property na wala namang karapatan at ayaw umalis doon lalo’t wala naman silang kasulatan na pinapahintulutan inyo silang tumira. At kung ipag-palagay na mayroon man silang pahintulot ng kapatid mo o sa iyo, ito ay valid lamang ng 6 na buwan sang-ayon sa kanilang napag-usapan. Pag-lampas ng nasabing panahon, ay illegal na ang kanilang pag-tira doon at wala na silang karapatang manatili pa. Kung nandoon man sila ito ay isang masasabi nating “mere tolerance” ng isang nag-mamay-ari.

Mangyari lang na ang nasabing SPA, ay dapat na ipanotaryo mo sa Consulada ng Pilipinas sa Toronto o saang mang pinakamalapit na consulada ng Pilipinas sa iyong tinitirahan.

3) Pag-may SPA na ang sister mo ay dumulog muna siya sa barangay upang mag-haiin ng complaint. Bawal pa ang abogado sa barangay. At pag-tapos ng settlement procedure ng barangay, at ayaw pa ring umalis at mag-kasundo ang partido, humingi ng certificate sa barangay na sa katunayan na dumaan na sa proceso sa kanilang tanggapan ang usapin subalit hindi pa rin nag-kasundo ang mga partido. Pag-natapos na gawin ito, maari ng mag-habla ang iyong abogado sa husgado para eevict yong sino mang nakatira sa iyong property na walang pahintulot sa inyo.

4) Tungkol naman sa pag-lipat ng titulo sa pangalan mo ito ay magagawa lamang kung ang Estate tax at Donor’s tax ay mababayaran sa BIR. Baka hindi mo alam, sa bawat araw na delay mo sa pag-bayad nito, ikaw ay iaasessed ng BIR ng interest rate at 21% per annum plus penalty charges sa bawat kaakibat na taong hindi mo binabayaran ang nasabing Estate at Donor’s tax. Kaya sa lalong madaling panahon ay dapat maasikaso mo ang mga masilang bagay na ito.

Hanggan sa muli at maraming salamat sa iyong pag-sulat at pag-subaybay mo sa column ng Bata Pinoy corner.

Exit mobile version