PAG LIPAT AT HATIAN NG LUPA NG KAPATID NA WALANG PAMILYA

By | July 31, 2020

Q. Good day atty.! Meron lamang po akong katanungan regarding po sa transfer of title. 

Ang lupa po ay nakapangalan sa aking tita na dating ofw pero ngayun patay na po siya, last 2016 pa. Bago po ang aking tita, ang nanay ko po ang naging kanang kamay niya sa lahat ng documents and papers. Lalo na po tungkol sa kanyang lupa at sa titulo nito 

Ngayun po wala na po silang mga magulang. Mga kapatid na lang po ang natitirang relatives . Pito(7) po silang magkakapatid. 

May balak po sana kaming mailipat ang pangalan ng titulo, eigther kay mama or equaly divided na lang po sa kanilang magkakapatid, possible po ba ito atty? 

May chance po ba na mailipat at ma- divide ang lupa at maipamahagi sa mga kapatid ng tita ko ang lupang iniwan niya,kahit wala po siyang naiwan na will of testament. 

At ano ano pong mga hakbang ang pwede naming gawin, mga kailangang iprovide at karampatang gastos kung meron po ng hatian sa lupa. Maraming salamat po sa inyong pagtugon. Sana po masagot nyo po ang tanong ko. Salamat ! Juanito 

ANS: Maaring ilipat sa pangalan ng mga pangalan ng mga kapatid ng tita mong namatay na. Dahil wala siyang sariling pamilya at patay na rin ang magulang, ang naiwang lupa ay maaring ilipat sa mga remaining surviving na magkakapatid bilang pinak malapit na kamag anak ng tita mo. 

Equal sharing ang lahat ng magkakapaitid as co-heirs and co-owners. Kung gusto nila i-subdivide ang lote into individuals lots, maari din itong gawin upang ang bawat isa sa kanila ay magkakaroon ng sariling titulo sa kanila mga kanya-kanyang shares or parte, basi doon sa Subdivision or lot plan na gagawin ng licensed Geodetic Engineer. 

For this purpose, magpa balangkas sila ng Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition , sa lawyer. Pirmahan nila ito at ipanotaryo then bayaran ang lahat ng mga kaakibat na buwis. Ang taxes ay depende yan sa market, assessed or zonal valuation ng lupa, whichever is higher . Ang iba mga gastosin ay ung mga pagbabayad ng Estate tax, documentary stamp tax at ng amiliar ng lupa at mayroon pa ring penalty at interest na pinapatong sa mga tax due nito. Babayaran din ninyo ang lawyer at notarial fees sa pag balangkas ng Extrajudicial Settlement with Deed of Partition. At ang pag pasurvey at pag pagawa ng subdivision at lot plan ay mayroon ding babayaran sa Licensed Surveyor, plus miscellaneous expenses na ibang mga proseso at mga documentation cost sa paglalakad ng mga papeles upang maisaayos ang lahat. 

Upang magbigyan kayo ng Certificate authorizing Registration (CAR) ng BIR, dapat lahat ng mga taxes na nabanggit ay fully paid din. Mayroon din kaunting gastos legal notice in the settlement of estate ng tita mo sa newspaper of general circulation. Tatlong (3) notice ang gagawin for consecutive week. Pag nasunod na ang mga requirements na ito, ay maari kayong dumulog sa Register of Deeds para mag karoon ng panibagong titulo sa lupa. 

Para sa mga kadagdagan kaalaman pa, sundan po ninyo ang mga sari-saring katanungan at mga kaalamang legal sa Batas Pinoy LEGAL AID-PUBLIC SERVICE PROGRAM Channel YouTube.com ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag-anak ang mga paksang makakapag bigay ng dagdag at mga kaakibat na kaalaman sa usaping may kinalaman sa kanilang buhay. Upang makatanggap ng future updates mangyari lang na mag subscribed at ilike ang mga videos ng Batas Pinoy Channel . 

Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy” global community welcomes you in this program

Disclaimer: Batas Pinoy-LEGAL AID-PUBLIC SERVICE PROGRAM-Global Community(BPGC). Not Legal opinion: 

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. 

Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer. 

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy LEGAL AID-SERVICE Global Community(BPGC) PROGRAM, are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as viewed by BPGC. 

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com . 

WARNING: This communication is intended for use by the individual(s) to whom it is specifically addressed and should not be read by, or delivered to, any other person. Such communication may contain privileged or confidential information. If you have received this communication in error, please notify the sender and delete this e-mail message immediately. Thank for your cooperation. XXX XXX