Balita

PAG-HATI, PATITULO NG MANANG LUPA AT CUSTODY NG TITULO

Q. Magandang umaga po atty. Gusto ko po ng some advices tungkol po sa lupa na mamanahin nga nanay ko.Un nanay at tatay ko invalid po ung kasal nla.wla po makita sa NSO un marriage contract nla. Nagkaanak po magulang ko nga pito kaya bale pito kaming magkakapatid.Patay n po un nanay ko. Ngaun po patay na rin po ung lola at lolo ko n magulang ng nanay ko. My pito din silang magkakapatid sila nanay. Sila pong pito n magkakapatid may mamanahin silang lupa bawat isa sa kanila 400 sq.m po. Kung ipapasubdivide na po un lupa sa pitong magkakapatid at makukuha nanay ko ung share nia na lupa. Pwd po bng sa nanay ko parin ipangalan un titulo kht patay n po sya? At pg my titulo na cnu po sa aming pitong magkakapatid ang may mas karapatan hahawak po ng titulo? Ako po c ms. S. Naghihintay po sa mga katanungan sa aking isip. Nawa mabigyan po nga sagot ang mga tanong ko po.maraming salamat mo atty. 

ANS. Una lahat ang tungkol sa marriage ng tatay at inay mo.Nasabi mo kasi, na di valid ang kasal ng parents mo dahil walang copy at di registered sa NSO(PSA na ngayon) ang marriage ng parents mo. Kindly take note, ang validity ng marriage ng mag-asawa ay hindi nakasalalay lamang sa pag rehistro nito sa PSA. Kahit ang kasal ay hindi naka registered or recorded sa Civil Registrar/PSA, kung ang lahat naman ng mga mga essential at formal requisites ng validity ng marriage na sinasaad ng batas, ay present during the marriage ceremony , ang kasal ay valid pa rin. 

Ang validity at existence ng kasal ng mag-asawa ay maaring pa ring mapapatunayan sa pamamagitan ng ibang mga evidence, tulad ng mga, witnesses sa kasal, mga pictures sa kasal, testimonia ng taong nagkasal at authorized ang nag solemnized ng nagkasal , at mga iba pang evidence na pina pahintulutan ng batas ang mga ito ay maaring gamitin upang ma-established ang existence ng marriage. Note further , that unless, the marriage is declared by the court as null and void, the presumption of the law, is that the marriage is valid and subsisting, tulad ng marriage na magulang ninyo. 

As regards, sa mana ng inyong mother mula sa mga parents niya, ang mga ito ay dapat pagpapartihin ng lahat ng mga kapatid ng ina inyo into equal sharing nilang pitong(7) magkakapatid, sa pamamagitan ng pag balangkas ng isang Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition. 

Magpagawa kayo ng nasabing dokomento sa lawyer, upang ito ay maging basihan sa partihan ng mana at pagbabayad ng ESTATE Tax at iba mga buwis ayon sa Tax Code ng Pilipinas , as amended. Samantalahin ninyo ang Estate Tax Amnesty na nilunsad ng gobyerno effective last June 2019, may bisa lang ang amnesty tax ng dalawang(2) taon or hanggany June 2021 lamang. Otherwise, magbabayad kayo ng napakalaking penalty, interest at sur-charges kung hindi mababayaran ang nasabing estate tax at iba pang mga buwis ayon sa tax code. 

Doon naman sa mana ng inyong ina, na 400 sq.m. na lupang ito , at dahil ay patay na siya, ang kanyang share/legitime or parte na 400 Sq.m., ay siya namang pagpapartihin ninyong magkakapatid,na anak ng ina inyong namatay. So kayong magkakapatid ay pito(7) rin, ang 400 sq.m. ay 57.142 sq.m. bawat isa, kung hindi valid ang kasal ng magulang ninyo. At kung ang valid naman ang kasal ng magulang, kasama dapat ang inyong ama bilang isang surviving spouse. Unless na lang na hindi na paparti ang inyo ama, at i-waived niya in favor sa inyong magkakapatid ang kanyang share. Dahil patay ang ina niyo, hindi maaring ipangalan ang titulo ang 400 sq.m. na parte sa pangalan niya. Ito ay ipa-papangalan sa inyong magkakapatid at ng inyong ama bilang mga compulsory heirs and as co-owners ng 400 sq.m.. 

Note further, na hindi maaring ma-subdivide ang lupa into several lots , pag walang Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition na nabanngit. Kasama na rito ang pagpagawa ng survey at subdivision at lot plan with approved technical description ng bawat lote na ipapa-ayos ninyo sa Geodetic Engineer or Licensed Surveyor. 

Moreover, hindi maaring ma-rehisrto at mag karoon ng titulo ang bawat 400 sq.m. na mana, kung hindi mababayaran ng Estate, documentary taxes at ibang mga buwis na sinasaad ng batas. Samantalahin ninyo ang Estate Tax Amnesty Law(R.A. No.11213 ) kung saan binigyan ang mga hindi pa nakakabayad ng Estate Tax at di ma-ilipat ang titulo sa mga heirs na bayaran ng Estate tax na walang penalty at mga compounded interest nito. Ang Amnesty Tax ay valid lamang ng dalawang taon mula June 2019 to June June 2021. 

Ang Bureau of Internal Revenue(BIR) ay hindi mag-issue ng Certificate Authorizing Registration(CAR) hanggang di nababayarang lahat ng taxes ayon sa batas, at walang maging legal na basihan ang Register of Deeds sa pag issue ng panibagong titulo ng bawat subdivided lots. 

As to the issue kung sino ang maaring humawak ng titulo ng lupa, dapat ang registered owner ang mayroong karapatan na hawakan ang titulo. Kung marami ang may-ari, na mga co-owners, so desire, a separate duplicate may be issued to each of them in like form upon written request of the co-owners to the Register of Deeds , but all outstanding certificates of title so issued shall be surrendered to the said office. Ang co-owner ay maaring ding mag request ng Certified true copy ng titulo sa Register of Deeds. 

Para sa mga kadagdagan kaalaman pa, sundan po ninyo ang mga sari- saring katanungan at mga kaalamang legal sa YouTube.com Batas Pinoy Channel ng inyong lingkod at i-share ninyo sa inyong mga kaibigan at kamag- anak ang mga paksang makakapag bigay ng dagdag at mga kaakibat na kaalaman sa usaping may kinalaman sa batas ng kanilang buhay at upang makatanggap ng updates in the future mangyari lang na mag subscribed at like sila sa video na Batas Pinoy Channel . 

Looking forward you’ll find the above in order as the “Batas Pinoy” global community welcomes you in this program

Disclaimer: Batas Pinoy Global Community(BPGC). Not Legal opinion: 

Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. Any communication from this corner does not create lawyer-client relationship of whatever nature and for whatever purpose. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer. 

This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The contents provided by Batas Pinoy Global Community(BPGC) are not meant as substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professionals for legal advice as regards the emailed or forwarded queries and the corresponding information furnished or as viewed by BPGC. 

Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights, title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts, (as no follow-up or clarification of queries will be entertained to give way to others in the queue ) in order to avoid vagueness and mis-appreciation of the facts of your stories. For appropriate information write to: attyrw@gmail.com . 

WARNING: This communication is intended for use by the individual(s) to whom it is specifically addressed and should not be read by, or delivered to, any other person. Such communication may contain privileged or confidential information. If you have received this communication in error, please notify the sender and delete this e-mail message immediately. Thank for your cooperation. * * * 

Exit mobile version