Q. Magandang hapon po Attorney. Patay na pareho ang mga magulang namin, tatay at nanay. Anim po kaming magkakapatid at patay na rin po ang aming panganay at ang kanyang asawa. May naiwan silang dalawang anak na pareho ng may pamilya. Ang mga katanongan ko po ay ganito:
1. Legal po ba para sa mga magulang namin, noong sila ay buhay pa, na magbenta ng kaperasong lupang pag-aari nila doon sa isa nila anak kahit hindi ipinaalam ng magulang sa iba pa nilang mga anak ang bentahang ito?
2. Legal po ba para sa magulang na gumawa ng kasulatan upang ipamana o ipagkaloob sa isang anak ang isang kaperasong lupa na pag-aari nila subalit hindi ipinaalam ng magulang ang kasulatang ito sa iba pang nilang mga anak?
3. May mga lupa ang mga magulang namin na matagal ng ginagamit ng iba naming kapatid subalit nananatiling nakapangalan sa mga magulang namin. Ano po ba ang ligal na karapatan ng aming kapatid na kasalukuyang gumagamit sa mga lupaing ito ngayong patay na pareho ang aming mga magulang? Sa hatian ng mag lupain, kasama pa rin ba dito ang mga lupaing ito na matagal na nilang ginagamit?
Sana po ay mabigyan ninyo ng katugunan ang mga katanungan kong ito at magabayan po ninno kami. Maraming salamat po. Lubos na gumagalang, JY Antipolo City.
ANS: Hello JY , hereunder are the anwers to your queries in blue fonts.
- Legal po ba para sa mga magulang namin, noong sila ay buhay pa, na magbenta ng kaperasong lupang pag-aari nila doon sa isa nila anak kahit hindi ipinaalam ng magulang sa iba pa nilang mga anak ang bentahang ito?
Sagot: Noong buhay pa ang mga magulang ninyo, bilang mga may-ari ng lupa sila ay may karapatan kung ano ang gagawin nila sa kanila mga properties.Kasama na rito ang pag dispose, pagbibebta or pamimigay ng kanilang mga ari-arian na hindi kailangan ang pirmiso ng mga anak. Kung totoo naman talaga ang bintahan nila at may bayad namang natanggap ng magulang ninyo at ito talaga ang intenyon ng buyer at seller walang problema ito.
2. Legal po ba para sa magulang na gumawa ng kasulatan upang ipamana o ipagkaloob sa isang anak ang isang kaperasong lupa na pag-aari nila subalit hindi ipinaalam ng magulang ang kasulatang ito sa iba pang nilang mga anak?
Sagot. Depende kung anong tenor ng nasabing kasulatan. Ito bay Last Will and Testament na ginawa ng sang-ayon sa Batas? Kahit hindi ipina-alam ng magulang ninyo sa ibang mga anak ang nasabing kasulatan , maaring valid ito kung ito ay sang-ayon sa batas. At kung ang kasulatang ito ay maituturing na isang mana, ang pamimigay ng mana kasi ay maging effective lang yan pag namatay ang magulang, ang nasabing mana ay hindi dapat sumaklao sa mana ng ibang mga anak. Ang mga anak ng magulang(legitimate or illegitimate) ay maituturing na compulsory heirs. Ang mana ng anak as a rule ay equal sharing. So kung nakulangan ng mana ng ibang anak dahil sa nakakalamang ang iba ito at labag sa batas. At ang labis or sobra ay dapat ibalik doon sa nakulangan.
3. May mga lupa ang mga magulang namin na matagal ng ginagamit ng iba naming kapatid subalit nananatiling nakapangalan sa mga magulang namin. Ano po ba ang ligal na karapatan ng aming kapatid na kasalukuyang gumagamit sa mga lupaing ito ngayong patay na pareho ang aming mga magulang? Sa hatian ng mag lupain, kasama pa rin ba dito ang mga lupaing ito na matagal na nilang ginagamit?
Sagot: Lahat kayong magkakapatid ay mayroong equal na karapatan sa mga properties ng namantay ninyong magulang bilang mga compulsory heirs. At kayong lahat ay maituturing na mga co-owners ng nasabing property. Kung patuloy na nakikinabang ang isa or ibang mga kapatid doon sa lupang minana, dapat lang na bigyan ng share or kaukulang parte ang ibang mga kapatid bilang mga co-owners. Bilang mga co-owners may karapatan kayong mag demand ng partition ng inyong parte doon sa lupain. Kung ang lupaing ito ay nasa pangalan pa ng inyong magulang, dapat magkaroon kayo nag Extrajudicial Settlement of Estate with Deed of Partition. Ang hatian ninyong magkakapatid ay kasama rin dito ang namatay na ninyong kapatid. Equal sharing kayong lahat kasama na rito ang kapatid mong matagal ng naki nabang sa lupa. Mayroon kayong karapatan na magdemand ng accounting sa kapatid na nakikinabang upang sa ganoon mabayaran or maibigay sa inyo ang inyong share or ani doon sa lupang pinakikinabagan ng kapatid ninyo. Ang share ng inyong kapatid na namatay ay mapupunta doon sa mga anak niya by “right of representation” kahit patay ang kanilang magulang.
Ang kasulatang ito ay nakasaad na pinag papartipartihan ninyo ang mana ninyo ng sang-ayon sa batas na equal sharing basis. Kumunsulta kayo sa inyong lawyer at mag pagawa ng nasabing dokomento at lalagdaan ninyong lahat at ipa notaryo at bayaran ang kaakibat na estate tax,penalty charges, interest, documentary stamp tax, transfer tax, at iba pang mga tax na bayaran sang ayon ng ating Tax Code. Lalong lalake sa bawat taon ang inyong babayaran kung hindi ninyo ito maasikaso kaagad. Kaya dapat bayaran ninyo ang mga buwis upang maiwasan ninyo pag lubo ng inyong barayarin sa gobyerno.
Looking forward you’ll find the above in order and welcome to the Batas Pinoy Global Community.
Disclaimer: Batas Pinoy Corner Not Legal opinion:
Material placed on this corner is for the purpose of providing information only. It is not intended as practice of law or legal services. Although the writer believes this information to be accurate at the time it is first provided or as relayed by the person asking or soliciting the information from the writer. Such circumstances or understanding of the facts as conveyed to the writer by the sender may not actually reflect the ultimate facts or circumstances earlier represented and as understood by the writer.
This writer makes no representation, express or implied, as to the accuracy, completeness or timeliness of the information provided in this writing. The content provided by Batas Pinoy Corner is not meant to be a substitute for legal opinion. Always consult your lawyer or other legal professional for legal advice as regards to the information obtained in this column.
* * *
Readers who may have legal concerns affecting their persons, property, rights,title and related interest concerning Philippine laws and jurisdiction, are welcome to e-mail their query either in English or Pilipino in plain, concise and orderly presentation of facts in order to avoid vagueness and misunderstanding of your stories, for appropriate comments to: attyrw@gmail.com .